16/05/2024
“Hey ba't mag Isa ka?” tanong ng lalaking mula saking likuran ko na kanina pa pala nakatingin
Nilingon ko to pero hindi ko sinagot sa halip ay nagpatuloy lang ako sa paglalakad.
“Ang aga mo naman yata rito sa campus, sa pagkaka alam ko 10:30 am ang pinaka maaga mong pasok ah .”
Tama siya ,supposedly 10:30 am pa dapat ang schedule namin sa klase na ito pero nag message yung professor namin na 6:30 am na daw siya papasok dahil may lakad siya mamaya ngunit sa kasamaang palad ay hindi natuloy kaya eto ako ngayon naglalakad sa pinaka paborito kong pasyalan sa campus, sa ilalim ng mga punong narra.
“Teka ba't niya alam?” nalilito kong tanong sa isip. Tiningala ko siya dahil mas matangkad ito sa akin at tinaasan ko ito ng kilay. Ngumisi lamang Ito sa akin dahilan para lumabas ang dalawa nitong nakaka akit na mga biloy ,sabayan pa ng mapuputi nitong mga ngipin , matangos na ilong at mapulang labi. Isang perpektong lalaki na masasabi mo talagang ideal guy mo.Teka tao ba to? Totoo ba to?
“Hoi Cassy sino na naman yang kalaban mo at magkasalubong na naman yang kilay mo?” tanong sakin ng kaibigan kong kanina pa pala humahabol sakin . Hindi ko siya napansin na papalapit dahil siguro nasa lalaki ang atensiyon ko.
“Yung lalaki ” sagot ko sa kaniya sabay lingon sa direksiyon ng lalaking kanina pa ko kinakausap.Ngunit paglingon ko ay wala na ito.
“Alam mo Cassy alam kong nasaktan ka ng sobra pero tama na mas lalo ka lang masasaktan sa pinang gagagawa mo eh, alam mo namang hindi mag-eexist yang fictional character na iniisip mo . Makakahanap ka rin ng lalaking mamahalin ka ng pabalik.” nalulungkot na sabi ng kaibigan ko sabay tapik saking balikat.
Tama siya, nasaktan ako ng sobra kaya lumikha ako ng fictional guy sa isip ko na siyang tugma sa ideal guy ko. Ngunit hindi man lang pumasok sa isip ko na mas lalo akong masasaktan dahil ang tanging hangad ko lamang ay sumaya at kalimutan ang lalaking nagustuhan ko na pagmamay-ari na pala ng iba.
- naglalakad mag-isa habang iniisip ka || Aly