22/09/2024
Minsan, kahit napapalibutan tayo ng mga tao, may emotional o mental na aspeto sa buhay natin na kailangan ng pansin. Puwedeng stress, burnout, o baka kailangan mo lang ng break para ma-recharge. May mga pagkakataon din na mas kailangan nating kumonekta sa sarili natin at alamin kung ano talaga ang nagpapasaya sa atin—hindi lang para sa pamilya, kundi para sa sariling kaligayahan.