
28/07/2025
Kanina lang, ang sinasabi ko,
“Please naman nak, matulog ka na,”
Nakakapagod ang buong araw,
nakakaubos ng lakas.
Kailangan ko lang ng sandali para makahinga.
Sa wakas, nakatulog na si bunso
at naging tahimik na.
Pero sa halip na ginhawa,
bigla ka nakaramdam ng matinding guilt.
Umupo ako, nakatitig kay bunso,
pinapanuod ang pagtulog
at iniisip kung sana’y naging mas kalmado ako,
Napabulong tuloy ako,
“Pasensya na nak, mahal kita. Sana alam mo ‘yan.”
Ang pagiging ina ay pinagsama samang pagod at pagmamahal—isang minuto, gusto mong magpahinga; tapos lulunurin ka ng guilt dahil sa pagnanais mong magpahinga.