Hwarang Loft

Hwarang Loft Fancier Motivation,
Pigeon Medecine / Supplements,
and Holy Guide...

11/06/2025

Breed for performance, not appearance. Breeding without purpose is just gambling.
Magpalahi base sa galing, hindi sa ganda ng itsura. Ang pagpapalahi na walang layunin ay parang pagsusugal lang

11/06/2025
05/06/2025

Alam mo ba?

Ang mga kalapati ay kayang umuwi ng libo-libong kilometro kahit hindi nila nakikita ang daan gamit lang ang magnetic field ng Earth at araw bilang guide! โ˜€๏ธ๐Ÿงญ๐ŸŒ

Ibig sabihin, parang may built-in GPS ang kalapati mo!
Kaya hindi na nakapagtataka kung bakit sila ang ginagamit sa mga mensaheng pang-giyera noon!

๐Ÿ“Œ Kaya โ€˜wag basta-basta lang ang pag-aalaga. Bigyan sila ng tamang supplements at proteksyon para makauwi ng ligtasโ€”kahit saan man sila manggaling!

05/06/2025
  ๐Ÿ•Š๐Ÿ•Š๐Ÿ•Š
04/06/2025

๐Ÿ•Š๐Ÿ•Š๐Ÿ•Š

Pigeon Health 101: Adenovirus (Young Bird Disease)

Mga Kalapatids, isa sa mga karaniwang kalaban ng mga young birds ay ang Adenovirus โ€” isang seryosong sakit na dapat bantayan.

Sintomas:
โ€ข Pagsusuka
โ€ข Luntiang ipot
โ€ข Biglaang pagkamatay ng mga kabataang ibon

Madalas rin itong kaakibat ng E. coli, kaya mas delikado kung hindi maagapan.

Paano ito maiiwasan:
โœ”๏ธ Panatilihing malinis ang loft
โœ”๏ธ Ipatupad ang tamang biosecurity measures
โœ”๏ธ Magbigay ng immune-boosting supplements

Sa tamang kaalaman at pag-iingat, maiiwasan ang pagkalat ng sakit sa inyong mga alaga.

๐Ÿ•Š๐Ÿ•Š๐Ÿ•Š
27/05/2025

๐Ÿ•Š๐Ÿ•Š๐Ÿ•Š

To all who have brought their birds home but fell short:
To win today, you must understand what happened yesterday.
Yesterday is the teacher of today it shows you the mistakes, the gaps, and what needs to be improved.
If you learn the right lessons, thereโ€™s always hope to win tomorrow.
For those who didnโ€™t bring their birds home, just make up for it next time.

Sa lahat ng nakapagpauwi ng ibon pero nagkulang:
Para manalo ngayon, kailangang maunawaan mo ang nangyari kahapon.
Ang kahapon ang g**o ng ngayon doon mo makikita ang mali, ang kulang, at ang dapat baguhin.
At kung tama ang aral mo, tiyak may pag-asa kang manalo bukas.
Para sa mga hindi nakapagpauwi ng ibon, bumawi na lang sa susunod.

23/05/2025

Don't just feed to fill the crop feed to build strength, focus, and readiness. Every grain should have a reason, just like every move you make in the sport.
Feeding isnโ€™t something you do randomly and many beginners in pigeon racing often make this mistake. On rest days, birds should be given light grains to help them recover without gaining excess weight. On training days, they need energy-rich grains to fuel their workouts. For race preparation, a balanced and performance-boosting mix is essential to support strength and stamina. Every seed has a purpose. Feeding should never be careless or just for show. Feed with intention because what you give today shapes how they fly tomorrow.
Huwag lang magpakain para mapuno ang tiyan magpakain para mapalakas, mapatibay ang pokus, at maging handa ang kalapati.
Bawat butil ay dapat may dahilan, tulad ng bawat galaw mo sa larangan ng karera.
Ang pagpapakain ay hindi basta-basta ginagawa, at maraming baguhan sa pigeon racing ang nagkakamali dito. Sa araw ng pahinga, dapat magaan lang ang butil na ibinibigay upang makatulong sa pag-recover ng kalapati nang hindi ito tumataba nang sobra. Sa araw ng training, kailangan nila ng pagkaing mayaman sa enerhiya upang masuportahan ang kanilang pag-eehersisyo. Para sa paghahanda sa karera, mahalaga ang balanseng halo na pampalakas at pangkondisyon upang suportahan ang lakas at tibay ng kalapati. Bawat butil ay may layunin. Hindi dapat pabaya o para lang sa palabas ang pagpapakain. Magpakain nang may intensyon dahil ang ibinibigay mo ngayon ang huhubog sa lipad nila bukas.

16/05/2025

You breed 100, you send 10, you pray for 1.
In racing pigeons, not all birds make it back. You may breed a lot (100), and only choose a few strong ones to race (10), but races are tough some birds get lost, injured, or worse. So in the end, even if you send many, you're just hoping and praying that at least one comes back safe especially if it's your best bird.

Mag-breed ka man ng 100, magpadala ng 10, ipagdasal mo ang 1 na makauwi.
Kahit na mag-breed ka ng 100 na ibon at magpadala ng 10 sa karera, ang pinakamahalaga pa rin ay 'yung isa na makaka-uwi. Sa sobrang hirap ng karera (mainit, mahangin, may halong disgrasya), hindi lahat makakauwi. Kaya kahit marami kang nilaban, ang totoong tagumpay ay 'yung isa na nakabalik ng buhay at ligtas lalo na kung nanalo pa.

15/05/2025

Stop chasing magic. Master the basics..
Many fanciers look for magic, but forget to master the basics.
Many pigeon fanciers are always searching for quick fixes or secret methods like special medicines, expensive birds, or so called miracle systems, thinking these will instantly make them winners.
But in reality, success in pigeon racing comes from mastering the basics: Clean and well-ventilated loft, Proper feeding and clean water, Regular training with enough rest, Bathing the pigeons for cleanliness and stress relief, Discipline of the fancier no constant changes or impulsive decisions...
Thereโ€™s no "magic" that can replace hard work and a strong foundation. Great results come from doing the simple things correctly and consistently not chasing shortcuts.

Maraming fancier ang naghahanap ng milagro, pero nakakalimutang pag-aralan ang mga basic.
Maraming pigeon fanciers ang laging naghahanap ng shortcut tulad ng mamahaling gamot, imported na kalapati, o sikretong sistema na inaakalang magdadala agad ng panalo.
Pero sa totoo lang, ang tagumpay sa pigeon racing ay nagsisimula sa pag-master ng mga simpleng bagay: Malinis at maaliwalas na kulungan,Tamang feeding at tubig, Regular na training at sapat na pahinga,Paliligo ng kalapati para sa kalinisan at stress relief, Disiplina ng fancier hindi pabago-bago at hindi padalos-dalos.
Walang instant sa karerahan. Ang tunay na โ€œmagicโ€ ay nasa basic na ginagawa mo nang tama at tuloy-tuloy.

14/05/2025

An empty perch is better than a bad or sick pigeon or one that brings nothing to the team.

Mas mabuti pang walang laman ang tungtungan kaysa sa ibong walang maitutulong.

Address

Malabon

Telephone

+639067350035

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Hwarang Loft posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share