MingXun MotoMedic

MingXun MotoMedic For business/collaboration inquiries, kindly email me at [email protected] I am a simple and quiet person.

I am jolly in some ways but mostly I am in a corner doing my own thing.

Naisip ko lang. Possible kaya dalin dito ang small displacement na motor gaya ng Sniper 155? Sensya na. Malikot lang isi...
15/06/2025

Naisip ko lang. Possible kaya dalin dito ang small displacement na motor gaya ng Sniper 155? Sensya na. Malikot lang isip ko ngayon. fans

Kung determinado ka at pinaghandaan mo yung lakas ng pangangatawan. Kahit ilan pagsubok pa yan hinding-hindi mo susukuan...
14/05/2025

Kung determinado ka at pinaghandaan mo yung lakas ng pangangatawan. Kahit ilan pagsubok pa yan hinding-hindi mo susukuan yan. Sinimulan mo yung laban dapat lang hanggang dulo tatapusin mo. Pag shinortcut mo ang byahe, dinaya mo lang din ang sarili mo. Laban lang!💪

**el

People behind my success to Philippine Quest 8000kms.Una sa lahat ang Panginoon dahil sa gabay at proteksyon na ipinagka...
13/05/2025

People behind my success to Philippine Quest 8000kms.

Una sa lahat ang Panginoon dahil sa gabay at proteksyon na ipinagkaloob sakin sa buong byahe. Nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil inilayo ako sa kapahamakan at disgrasya na kahit isang beses ay hindi hinayaan makalapit sakin sa buong byahe ko.

Nagpapasalamat din ako sa asawa ko MRS. Ming Xun dahil pinayagan ako tuparin ang ultimate ride ng buhay ko at ito ay ang libutin ang Pilipinas gamit ang motorsiklo ko. Next time kasama ka na. Promise yan! I love you very much!

Nagpapasalamat din ako sa Faito Philippines dahil sila ang nag handa ng motor ko para maiwasan ko ang aberya habang nasa kalsada at ilang mga pyesa na kinabit sa motor ko para mas maging banayad ang takbo nito dahil hindi biro ang 8000kms ride. Salamat din sa mga pyesa na pang giveaways ko at kahit papaano ay napaabit ko sa ilan bahagi ng visayas at mindanao ang mga pyesang pinagkaloob nyo.

Salamat din sa IRC Tires dahil maganda ang naging performance ng gulong. Ang gamit ko sa South Luzon, Visayas and Mindanao ay Speed Winner na soft compound. Pero nagpalit ako ng Road Winner nung tatapusin ko na yung Central and Northern Luzon. Nagpalit ako dahil sa road conditions na nakita ko habang pinag aaralan ko yung ruta ko. At tama ang naging desisyon ko!

Salamat Team Graphitee Main Page EVO Helmets Philippines at kay boss Michael Buce dahil malaking ginhawa sa pag momotovlog ko sa Philippine Quest ang magaan na EVO Carbon S helmet at well protected ako ng Nitro Jacket, Pants and Gloves. Hindi mainit sa katawan kahit sobrang init sa Visayas at Mindanao.

Salamat din kay tatay Nalor Ruiz dahil sinuportahan ako sa byahe ko at pinagluto pako ng masarap ng agahan sa kanyang Silong Manga.

Mas maipagmamalaki ko ang pag libot sa Pilipinas kahit 8000kms dahil literal na ikot talaga sa bansa natin ang tatahakin mo at mas marami kang maipapakita sa mundo na kagandahan ng Pilipinas na bihira mapuntahan ng mga tao. At dahil dyan kudos sayo Bestres II kahit yung LUZON QUEST 5000Kms mo solid talaga.

Salamat din sa mga taong tumulong sakin nung ako ay nasa Surigao City. Salamat Vhon at sa mga tropa natin na tumulong at nagluto ng pagkain natin. Lahat ng kailangan ko para maayos ang motor ko ay binigay nyo kahit ginabi nako at may ride pa kayo ng madaling araw.

Nagpapasalamat din ako sa mga Pulis, Militar at Coast Guard sa mga detachments na hinintuan ko sa kahabaan ng Mindanao. Isa kayo sa dahilan kung bakit ako nagkakaroon ng lakas sa tuwing napapagod nako sa byahe. Hindi kayo nagdadalawang isip na patuluyin ako sa barracks nyo upang magkape, kumain, magpahinga, matulog at makipag kwentuhan sa inyo. Malaking tulong to mga ser! Salamat!

Shoutout nga pala sa napakalakas kong tito Isagani Bernardo Clemente at sa tita Celia Sevila Clemente ko. Kundi dahil po sa inyo hindi ako makakapag pahinga ng maganda Laoag City.

Sir Ed at Maam Juliet and family of Hotel Del Mundo, M.C.B CAFE at Kamalig Bar and Grill Laoag . Saludo po ako sa kabutihan na pinagkaloob nyo sakin habang nandyan po ako nag stay sa inyo. Yung hospitality 1,000,000,000/10! Ibang klase ang extra miles ni sir Ed para maging kundisyon ang motor ko bago ako umalis sa kanila. Biruin mo yung hotel owner, restaurant owner at café owner pinag maneho ako sa mga talyer na kailangan ko puntahan para sa mga pyesa ng motor ko? Napaka simpleng tao at totoong may malasakit sa guest! Kulang po sir Ed ang salitang salamat sa kabutihan pinamalas nyo po sa akin. Salamat din sa staff nila na si Kyle dahil alam ko gaano kabigat sa loob ang magpahiram ng motor sa hindi mo kilala. Salamat at pinahiram moko ng Honda Click mo.

Major problem ko sa Laoag City ay yung hub fl**ge ng pro arm ko. Alloy yung material at need mag rebuild para hindi kumalas yung circlip ng fl**ge. Ito yung dahian kung bakit nasisira palagi yung rubber damper ko. Kung nasa Laoag City kayo at need nyo magpa machine shop. Punta lang kayo sa Greg'z welding and agri machinery repair shop 42 mabini st. Brgy 11, San Fernando, San Nicholas, Ilocos Norte. Solid yung gawa nila. Buon parin hanggang makauwi ako. Hanapin nyo lang yung owner mismo or si boss Mark Francis Ventura

Thank you din kay maam Sette of GTO para sa Team Repsol Philippines engine oils, Lubrigold flushers saka Aeropak Philippines aerosols para sa maintenance ng motor ko during the ride.

Thank you RedLine Premium Moto gamit na gamit ko yung box galing sa inyo. Walang leak sa loob kahit inuulan ako sa kahabaan ng Davao Region.

Robin Motovlog salamat sa topbox bag mo. Kinaya naman yung buong Pilipinas. Laking bagay na may extra luggage ako bukod sa topbox.

At higit sa lahat si sir Philip ng Ace Precision Motor Parts 🔥 Laging naka behind the scene lang tong si sir Philip. Ayaw nyan nagpapa mention pag tinutulungan ako sa mga byahe ko at sa mga bagay-bagay. Pero deserve mo to sir! Hindi ko po ito matatapos kung wala ka sa likod ko. Kaya maraming maraming salamat po! Kung kailangan nyo ng pinaka legit, pinaka trusted at pinaka malaking dealer ng genuine at RCB parts. Walang iba sa Ace Precision Motor Parts lang yan. Salamat din sir sa RK chain and Sprocket set ko. Walang kupas hanggang sa huli.🔥

Gusto ko din pasalamatan ang family ko sa suporta na pinagkaloob nila sakin para matapos ko ang ride na to. Mahal na mahal ko kayo.🥰

Sa mga followers ko na solid at hindi pero naka subaybay sa pag libot ko sa buong Pilipinas. Maraming salamat sa inyong lahat. Mahal na mahal ko kayo.🤘

Kung meron man akong nakalimutan pasalamatan, pm mo lang ako.

Sa mga taong humihila sakin pababa habang nasa kahabaan ako ng byahe. Nagpapasalamat ako sa inyo dahil isa kayo sa pinag hugutan ko ng lakas ng loob para matapos ang byahe na to ng hindi kumakalat sa kalsada. Sorry nalang at hindi kayo nag wagi. Hehe.

MingXun MotoMedic
Philippine Quest 8000kms
PHL-0088 Finisher

**el

Ang buhay ay parang gulong. Dito naka salalay ang buhay mo sa tuwing iikot ito. Kung hindi maganda ang kapit ng gulong m...
13/05/2025

Ang buhay ay parang gulong. Dito naka salalay ang buhay mo sa tuwing iikot ito. Kung hindi maganda ang kapit ng gulong mo. Sigurado sa sementeryo ang bagsak mo. Luzon Quest 5000kms Pioneer finisher and Philippine Quest 8000kms Pioneer Finisher using the same IRC Tires Road Winner RX02. Sinubok sa pag libot ng buong Pilipinas. Hindi sinubok para sa content.

**el

12/05/2025

Hidden gem ng Dingalan, Aurora.

Sa mga nag aabang ng videos ng Philippine Quest ride ko. Kung ano ang mga nangyayari sakin at sa byahe ko. Tapusin ko la...
07/05/2025

Sa mga nag aabang ng videos ng Philippine Quest ride ko. Kung ano ang mga nangyayari sakin at sa byahe ko. Tapusin ko lang po muna yung ride. Malapit naman na matapos. 3 photo ops nalang bago makauwi ng bahay. Sa YT po ang upload. Sa ngayon, mangungulit muna ko dito sa FB ng mga posts. Hehe

USS Stingray Memorial marker in Pagudpud. And currently 2 hours away from Sta Ana, Cagayan. Quick stop lang para makapag...
06/05/2025

USS Stingray Memorial marker in Pagudpud. And currently 2 hours away from Sta Ana, Cagayan. Quick stop lang para makapag lunch

**el .

1st time kumain ng halo halo buko style. Bakit nga ba? You tell me. Kamalig Bar and Grill Laoag
05/05/2025

1st time kumain ng halo halo buko style. Bakit nga ba? You tell me. Kamalig Bar and Grill Laoag

Breakfast muna bago mag dumi ng kamay. May problema nanaman kasi si Az**el kaya baka hindi makabyahe today. Thank you M....
05/05/2025

Breakfast muna bago mag dumi ng kamay. May problema nanaman kasi si Az**el kaya baka hindi makabyahe today. Thank you M.C.B CAFE para sa masarap na breakfast 🤤

Nag dinner na kayo? Ako ngayon palang dito sa M.C.B CAFE dito sa Laoag City. 2nd time ko na dito. Talaganf babalik balik...
04/05/2025

Nag dinner na kayo? Ako ngayon palang dito sa M.C.B CAFE dito sa Laoag City. 2nd time ko na dito. Talaganf babalik balikan mo kahit taga Maynila ka pa. Dinner ng diet ferson.😁

Pa edit naman. P**i tanggal yung babae sa likod. P**i tabi sakin para kunwari may kasama ako.🤣 Off to Laoag. Dun nako ma...
04/05/2025

Pa edit naman. P**i tanggal yung babae sa likod. P**i tabi sakin para kunwari may kasama ako.🤣 Off to Laoag. Dun nako mag overnight. Sana band night sa kamalig restaurant maya para makapag chillax ng maganda. Hehe

**el

04/05/2025

Imbes na road rage sa Zambales. Simbahan ang puntahan natin.

Address

Rizal Avenue Extension
Malabon
1470

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MingXun MotoMedic posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to MingXun MotoMedic:

Share

Category