Malabon TV

Malabon TV Reliable and trusted television platform for all Malabueños.

13/10/2025

Narito na ang inyong funny horoscope sa linggong ito!

Tandaan: Ito po ay pawang gabay lamang at kaunting katatawanan; nasa ating kamay pa rin ang inyong kapalaran.


13/10/2025

Halina't saksihan ang Flag Raising Ceremony ng pamahalaang lungsod ng Malabon sa pangunguna ng City Housing and Urban Developmnt Department dito sa Malabon City Amphitheater.

Bagong linggo, bagong pagkakataon para magkaisa at abutin ang ating mga pangarap!


12/10/2025

MALABUENEWS: 100 Days, 1 Vision! Ating balikan ang mga bagong tagumpay, programa at serbisyong na naihatid ni Mayor Jeannie Sandoval sa kanyang ikalawang termino ng paglilingkod sa Lungsod ng Malabon.

Alamin yan sa report ni Abigail Malic.


12/10/2025

MALABUENEWS: Lungsod ng Malabon, nakikipagsabayan sa Makati City sa mabilis na paglago ng ekonomiya sa buong NCR para sa taong 2024.

Kung ano ang mga programa sa likod ng tagumpay na ito, alamin sa report ni Abby Peralta.


WALANG PASOK | Suspendido ang lahat ng face-to-face classes sa pampubliko at pribadong paaralan sa Malabon sa Oktubre 13...
12/10/2025

WALANG PASOK | Suspendido ang lahat ng face-to-face classes sa pampubliko at pribadong paaralan sa Malabon sa Oktubre 13–14, 2025 (Lunes at Martes), alinsunod sa abiso ng DepEd NCR.

Ang suspensyon ay para sa disinfection, sanitation, at building inspection bilang pag-iingat sa tumataas na kaso ng influenza-like illnesses at bahagi ng earthquake safety measures.

Ipatutupad ang Alternative Delivery Modes (ADM) upang hindi maantala ang pag-aaral. Pinapayuhan ang mga pribadong paaralan na sundin ang parehong hakbang.

Maging alerto sa mga susunod na abiso ng DepEd at Pamahalaang Lungsod ng Malabon.



12/10/2025

Narito na ang mga balita at kaganapan sa lungsod ng Malabon ngayong linggo.

Para manatiling updated, i-like at i-follow ang aming official page.


10/10/2025

Ating saksihan ang Banal na Misa para sa pagtatapos ng 12th Marian Exhibit na bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Santo Rosario na may temang Maria Aming Reyna, Ina, at Aming Patrona dito sa Malabon City Hall.

Tayo ay magkaisa at taimtim na magdasal para sa gabay at pagpapala.


MENTAL HEALTH IS THE NEW LUXURY! KUMUSTA KA? Ngayong ginugunita natin ang World Mental Health Day, nawa’y magsilbi itong...
10/10/2025

MENTAL HEALTH IS THE NEW LUXURY!
KUMUSTA KA?

Ngayong ginugunita natin ang World Mental Health Day, nawa’y magsilbi itong paalala na ang kalusugang pangkaisipan ay mahalagang bahagi ng bawat pagbangon sa araw-araw, hindi lamang sa panahon ng sakuna o pagsubok, kundi sa araw-araw na pamumuhay. Isa itong patuloy na proseso ng pag-aalaga sa sarili na nakatutulong sa personal na katatagan at sa muling pagbangon ng iyong kinabukasan.

Ang tunay na malasakit sa mental health ay hindi panandalian ito ay panghabambuhay. Mahirap na ang buhay kaya wag nang pahirapan ang buhay ng iba. Be kind to each other.

Narito ang ilang simpleng paraan upang unti-unting maisabuhay ang pangangalaga sa ating isip at damdamin:
✅Magkaroon ng malusog na lifestyle: Regular na ehersisyo, tamang pagkain, at sapat na tulog.
✅Magplano ng daily routine: Magbasa, makinig ng music at maaaring mag journal.
✅Be kind to each others and Pray.
✅Magsanay ng self-awareness at pagiging mindful.
✅Workplace matters, Spread positivity!
✅Gamitin nang wasto at responsable ang social media.
✅Humingi ng suporta sa taong mahalaga sayo at pinagkakatiwalaan. Maaaring tumawag sa emergency hotlines ng National Center for Mental Health Tel. No. 8531-9001 / 1800-1888-1553

Hindi ka ma-drama at OA, higit sa lahat hindi mo kailangang maubos para malaman mong mahalaga ka! Dahil sa bawat bukas may taong masaya tuwing ikaw ay nakikita.





10/10/2025

Malinaw ba, guys? 👀 💙

Halina’t pag-usapan natin ang kalusugan ng ating mga mata dito sa Aruga: Alagang Malabueno — dahil ang maagang pag-aalaga ay susi sa malinaw na bukas!

Tatalakayin din natin ang kahalagahan ng pangangalaga ng ating Mental Health at ang mga programa ng pamahalaang lungsod bilang bahagi ng World Mental Health Day!


09/10/2025

Hinga muna, Malabueño!

Sa sobrang dami ng ganap, minsan kailangan din nating mag-pahinga.

Alamin kung paano mo mapapanatiling kalmado at masaya ang iyong mental health kasama sina Clarisse Pagobo at Abigail Malic sa MALABONggang Tips ngayong National Mental Health Week 2025!


09/10/2025

Narito ang kasalukuyang kalagayan ng trapiko sa lungsod ng Malabon.

Ingat Malabueños!


GOODBYE, HABAGAT! 🌦️Ayon sa DOST-PAGASA, opisyal nang nagtapos ang Habagat season, na nagtatapos sa tag-ulan sa Western ...
08/10/2025

GOODBYE, HABAGAT! 🌦️

Ayon sa DOST-PAGASA, opisyal nang nagtapos ang Habagat season, na nagtatapos sa tag-ulan sa Western Luzon at Visayas.

Ibig sabihin, papalapit na ang simoy ng amihan o northeast monsoon sa mga susunod na linggo at hudyat na rin ito ng mas malamig na panahon dito sa bansa.

Address

F. SEVILLA Boulevard SAN AGUSTIN MALABON CITY
Malabon
1470

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Malabon TV posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Malabon TV:

Share