04/03/2025
Shop review naman tayo!
As promised share lang namin sa inyo 'yung experience namin trying the bev and food dito sa Hosanna Cafe.
Nga pala, this is located at Tejero, Gen. Trias, Cavite and sobrang malapit lang sa Alfamart. Yung first floor nga pala niya, nandon yung Manong Barbs so kahit ipagtanong niyo lang, hindi kayo maliligaw.
So, Nica and I arrived there around 5pm at medyo mataas pa 'yung araw. Nasa 3rd floor nga pala siya so medyo hiningal ako pag-akyat. 😂 Sorry, sign of aging. Anyway, so pag-akyat namin medyo in full capacity na sila kaya wala kaming maupuan. Buti na lang si Kuya na nauna sa amin, pinaupo kami sa table niya kasi magisa lang siya don, hindi ko alam bakit. Hindi ko natanong kung loner rin ba siya dahil hindi kami close. Eching. 😄
So, ayun na nga, umorder na si Nica ng Matcha Lotus and pistachio croissant at ako naman ng Tiramisu Latte and Oreo Cookie donut. Masarap naman daw yung matcha sabi ni Nica pero parang na-overpower daw ng Biscoff yung matcha flavor. Okay naman din daw yung croissant niya pero sana daw ininit. 😂 Gusto niya kasi yung napapaso ang dila niya, sing init ba ng Takoyaki? Ewan ko di ko sure. 😄 As for me, masarap yung Tiramisu Latte di ko lang din sure kasi first time kong tumikim non. Wala akong mai-compare. I mean, choosy pa ba ko eh dati nga 3-in-1 lang ang kaya ng budget ko? Lol. But seriously, sa presyong 200, I just have to tell myself na, "okay na 'to." Echos. Sorry walang kwenta 'yung review. Hahaha!
Anyway, as for the shop ambiance, medyo maingay siya ha? Nagbounce maige 'yung sound. Shout out dun sa nakaupo sa likod namin na napaka-ingay ha? Galing yatang sabungan at may hangover. Ingay! 😆 Okay, so ganun, maingay. You can't really relax or study if that's what you want. Kung gusto mo mag-relax, may malaking lote sa likod ng shop--tumalon ka don. 😆
Speaking of malaking lote and stuff, meron nga pala silang alfresco sa roof deck and mga around 6:00pm umakyat kami so masarap na 'yung hangin don and pwede ka mag-chill with your friends and family. Siguro I suggest, mag-invite sila ng busker doon to perform para mas okay 'yung vibe?
Nga pala nag-bebenta din sila ng dried flowers duon if bet ninyong bumili. Kami kasi walang pambili so pinicturan na lang namin. Saka tapos na Valentines, ano ba? Hahahaha! 😂
Anyway, so, our overall impressions go a little something like this:
Pros:
Good location
Good tasting beverage
Polite and friendly staff
Competitive price
Cons:
Limited menu choices (sa pastry)
Limited parking space
Limited seats
Poor acoustics ng room
Pal's rating: 2.5/5
Nica's rating: 3.8/5