27/06/2025                                                                            
                                    
                                                                            
                                            Ang Epekto ng Kahirapan sa Relasyon ng Mag-Asawa 📍
Mahal kita, pero parang hindi na tayo masaya.
Hindi dahil kulang ang pagmamahal, kundi dahil sobra 
ang bigat ng pinapasan nating dalawa.
Tuwing gabi, pagod ka sa trabaho. Pagod din ako sa bahay. 
Pero sa kabila ng pagod, mas pinipili pa nating magtalo kaysa magyakapan. Hindi dahil gusto nating saktan ang isa’t isa, 
kundi dahil sa sobrang bigat ng iniintindi natin—pambayad sa kuryente, gatas ng anak, renta, pagkain, utang. 
Lahat sabay-sabay. Lahat mabigat.
Minsan naiisip ko, kailan kaya tayo makakahinga nang maluwag?
Kailan kaya darating ‘yung araw na hindi na natin kailangang 
magtipid kahit sa bigas?
Na hindi na tayo kailangang magpigil ng luha para sa mga batang walang kamalay-malay sa paghihirap natin?
Alam kong nasasaktan ka kapag wala kang maibigay. 
Gano’n din ako.
Pero sana malaman mo na hindi kita minahal dahil sa 
kakayahan mong magtaguyod.
Minahal kita dahil alam kong kahit kapos tayo, buo tayo.
Kahit nasasaktan na tayo sa mga salitang hindi natin sinasadya,
kahit minsan parang gusto na nating bumitaw,
pipiliin pa rin kitang kasama, sa hirap, sa pagod, sa gutom, 
sa gabi ng katahimikan, sa araw ng kalungkutan.
Kasi ikaw ang tahanan ko.
At kung may isang bagay man na hindi dapat natin isuko,
iyon ay ang isa’t isa.
Dahil ang kahirapan, lilipas.
Pero ang pag-ibig nating totoo, ‘yan ang mananatili—
kung pareho tayong hindi bibitaw.