
30/08/2025
"OLDEST BAKERY IN BULACAN" Ang Pan Grande Bakery 1944 sa San Ildefonso, Bulacan, ay maituturing na pinakamatagal na panaderya sa lalawigan. Nagsimula ito noong 1944 at hanggang ngayon, patuloy pa rin itong gumagawa ng masasarap na tinapay dito sa Bulacan. Isang malaking karangalan ang makilala ang may-ari nito, si Ginoong Nelson Inovero, at mapakinggan ang kasaysayan ng Pan Grande Bakery. Ang kwento ng panaderyang ito ay dapat ipagmalaki ng mga Bulakenyo.