
24/09/2025
๐ฃ๐๐ก๐๐ง๐๐๐๐ก | Hindi Umaani ang Pangako
๐ฏ๐ช ๐๐ฐ๐ถ๐ด๐ฆ๐ช
Bago pa sumikat ang araw, gising na siya. Hindi na kailangan ng alarm. Sanay na ang katawan. Sanay na ring bumangon kahit pagod pa. Sa totoo lang, hindi lang ito pagod sa pagtatanim. Pagod ito sa sistemang hindi tumatanaw sa kanya bilang mahalagang bahagi ng lipunan, kundi bilang estadistikang pampalubag-loob sa mga press release ng gobyerno.
Tatlong dekada na siyang magsasaka. Sa Nueva Ecija siya lumaki at nagkauban. Sabi nila, siya ay "backbone of the economy". Pero tuwing panahon ng ani, bakit tila siya ang palaging nababali?
Ngayong taon, ang presyo ng palay sa kanilang lugar ay nasa โฑ13 hanggang โฑ16 kada kilo, at ang ang bigas sa palengke ay umaabot ng โฑ50 kada kiloโkahit sinabi ng Department of Agriculture na ang target price ng palay ay nasa โฑ23 kada kilo. Sa aktwal, halos hindi sapat ang kinikita niya para bayaran ang abono, binhi, upa sa makinang pampatubig, at dagdag pa ang mga utang sa tindahan.
Nang ipatupad ang Rice Tariffication Law (RA 11203) noong 2019, sinabi ng gobyerno na bababa ang presyo ng bigas para sa mga mamimili. Totoo naman, pero sandali lang. Pero bumagsak din ang presyo ng palay para sa mga lokal na magsasaka. Wala silang proteksiyon. Ang pangakong โฑ10 bilyong Rice Competitiveness Enhancement Fund ay hindi rin ganap na nararamdaman sa mga baryo. Minsan ay may dumating na libreng binhi, pero hindi sapat. Minsan ay may training, pero hindi pangmatagalan.
Nitong huling anihan, nabalitaan niya na may โฑ10,000 cash aid para sa mga kwalipikadong magsasaka sa ilalim ng RFFA (Rice Farmers Financial Assistance). Pumunta siya sa DA office, nagdala ng mga papeles, nagpila. Ilang linggo ang lumipas, wala pa rin. Nang bumalik siya, ang sabi ng taga-opisina: "Wala po kayo sa listahan."
Hindi raw siya "registered" sa RSBSA o Registry System for Basic Sectors in Agriculture. Pero matagal na siyang nagparehistro. Saan napunta ang pangalan niya? Sa computer daw. Pero hindi nila mahanap.
Pilit siyang ipinapapirma sa mga form, sa mga logbook. Pero walang katiyakan kung may matatanggap siya. Sabi ng barangay, may ayuda. Sabi ng municipal agriculturist, hindi siya kasama. Sa bandang huli, puro sabi lang pala.
May mga polisiyang ipinagmamalaki sa telebisyon. Kagaya ng Farm-to-Market Roads, irrigation projects, at makabagong makinarya. Pero sa kanilang sitio, ang kalsada ay putik pa rin tuwing tag-ulan. Ang irigasyon ay sira. Ang makinarya ay ipinahiram, pero kailangang bayaran kapag ginagamit. May training daw tungkol sa paggamit ng drone. Pero paano ka gagamit ng drone kung wala ka ngang sapat na pataba?
Sabi ng gobyerno, tayo raw ay rice sufficient. Pero bakit kailangan pa nating mag-angkat ng milyon-milyong tonelada ng bigas mula sa Vietnam at Thailand? Sabi nila, โstrategyโ daw ito. Pero para sa kanya, parang sinasabi ng gobyerno na hindi na sila umaasa sa mga lokal na magsasaka. Tila inabandona na sila.
Isa sa mga kaibigan niyang magsasaka ang nagbenta ng lupa. Hindi dahil gusto, kundi dahil wala nang ibang mapagkukunan ng pambayad sa utang. Isa pa ay nagtrabaho na bilang delivery rider sa lungsod. Sabi ng anak niya, โTay, mas malaki pa ang kita ng nagsi-sideline sa Maynila kaysa sa nagtatanim ng palay.โ
Tahimik lang siya. Hindi dahil sang-ayon siya, kundi dahil pagod na siyang magsalita. Sa dami ng kanyang pinagdaanang konsultasyon, meeting, at survey, iisa lang ang natutunan niya: hindi sila talagang pinakikinggan. Kinukuha lang ang datos, hindi ang diwa.
At tuwing umaga, kahit masakit ang katawan, bumabalik pa rin siya sa bukid. Ang lupa ay hindi ang kanyang kalaban. Kung may isa mang tapat sa kanya, ito iyon. Pero hindi sapat ang tapat kung ang gobyerno ay pabaya. Hindi sapat ang sipag, kung ang polisiya ay sagabal.
Dibuho ni Yoma, ๐๐๐๐๐๐
Pag-aanyo ni Beaver, ๐๐๐๐๐๐