The Engineers Publication

The Engineers Publication The Official Student Publication of Bulacan State University - College of Engineering

25/09/2025

[MEDIA PARTNERSHIP]

๐‘ป๐’‰๐’† ๐’‚๐’๐’„๐’‰๐’๐’“๐’” ๐’‚๐’“๐’† ๐’๐’Š๐’‡๐’•๐’†๐’…, ๐’•๐’‰๐’† ๐’˜๐’Š๐’๐’…๐’” ๐’‚๐’“๐’† ๐’”๐’•๐’†๐’‚๐’…๐’š, ๐’‚๐’๐’… ๐’•๐’‰๐’† ๐’—๐’๐’š๐’‚๐’ˆ๐’† ๐’ƒ๐’†๐’ˆ๐’Š๐’๐’”

From ๐’๐ž๐ฉ๐ญ๐ž๐ฆ๐›๐ž๐ซ 30 ๐ญ๐จ ๐Ž๐œ๐ญ๐จ๐›๐ž๐ซ 3, 2025, the waves carry us into ๐๐š๐ฅ๐š๐ง๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐”๐ง๐ข๐›๐ž๐ซ๐ฌ๐ข๐๐š๐ 2025, a celebration of unity, creativity, and the enduring spirit of adventure. With the theme ๐’๐ˆ๐๐€๐†๐‹๐€๐˜๐€๐†: ๐๐š๐ ๐ญ๐š๐ก๐š๐ค ๐ฌ๐š ๐€๐ ๐จ๐ฌ ๐“๐ฎ๐ง๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐Œ๐š๐ฌ ๐Œ๐š๐ญ๐š๐ญ๐š๐  ๐ง๐š ๐๐š๐ ๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐ฒ๐š๐ , every student organization is called to hoist their sails high, navigating together toward strength and solidarity.

๐‘ฌ๐’™๐’„๐’๐’–๐’”๐’Š๐’—๐’† ๐‘บ๐’•๐’–๐’…๐’Š๐’ ๐‘ท๐’‚๐’“๐’•๐’๐’†๐’“:
๐Ÿ”ฑ Creative Pixel - Bulacan Branch
๐Ÿ”ฑ Beyond Forever by Creative Pixel

๐‘ด๐’‚๐’‹๐’๐’“ ๐‘บ๐’‘๐’๐’๐’”๐’๐’“๐’”:
โ›ต DITO Telecommunity
โ›ต Unilab
โ›ต Diatabs Advance
โ›ต IBUPROFEN Advance 400
โ›ต Enervon Z+
โ›ต Alaxan FR
โ›ต Kremil-S Cool Relief
โ›ต Tuseran Forte
โ›ต Biogesic

๐‘ท๐’“๐’Š๐’Ž๐’† ๐‘บ๐’‘๐’๐’๐’”๐’๐’“๐’”:
โš“ Bioderm
โš“ Kino Consumer Philippines Inc.
โš“ Ellips Philippines
โš“ Lola Remedios
โš“ Lemon Square Careers
โš“ Refinette Cosmetic Manufacturing Corporation
โš“ TOMORO COFFEE Philippines
โš“ Prestige Paper Products

๐‘ด๐’‚๐’…๐’† ๐‘ท๐’๐’”๐’”๐’Š๐’ƒ๐’๐’† ๐‘ฉ๐’š:
๐Ÿš Batch 6 Coffee
๐Ÿš Kenneth G Ads & Printing Services
๐Ÿš Jouvence Vie - Malolos, Bulacan
๐Ÿš Student Meal Pinoy Food and Sizzling
๐Ÿš The Crunch - Graceland, Malolos
๐Ÿš MexiKanto - Malolos Bulacan

๐‘ท๐’๐’˜๐’†๐’“๐’†๐’… ๐‘ฉ๐’š:
๐ŸƒBibimYummy
๐ŸƒVita Bella - Graceland Mall Malolos

๐‘ฐ๐’ ๐‘ช๐’๐’๐’‘๐’†๐’“๐’‚๐’•๐’Š๐’๐’ ๐‘พ๐’Š๐’•๐’‰:
๐ŸŒŠ Ekek Store

๐‘ด๐’†๐’…๐’Š๐’‚ ๐‘ท๐’‚๐’“๐’•๐’๐’†๐’“๐’”:
๐Ÿ“ฃ Inhinyerong Maniniyot
๐Ÿ“ฃ Pacesetter
๐Ÿ“ฃ CS Wizards
๐Ÿ“ฃ CURSOR Publication
๐Ÿ“ฃ Taytayan
๐Ÿ“ฃ The BulSU Journalism Society
๐Ÿ“ฃ The Communiquรฉ
๐Ÿ“ฃ The Engineers Publication
๐Ÿ“ฃ The Gavel's Press
๐Ÿ“ฃ The Manufacturers
๐Ÿ“ฃ The Mechatronicles
๐Ÿ“ฃ The Mentors' Journal
๐Ÿ“ฃ The Nurses' Notes
๐Ÿ“ฃ The Sizzlers

๐™Ž๐™ฉ๐™ง๐™ค๐™ฃ๐™œ๐™š๐™ง ๐™จ๐™–๐™ž๐™ก๐™จ, ๐™—๐™ง๐™ž๐™œ๐™๐™ฉ๐™š๐™ง ๐™จ๐™š๐™–๐™จ, ๐™ค๐™ฃ๐™š ๐™ซ๐™ค๐™ฎ๐™–๐™œ๐™š.




23/09/2025
๐‹๐ˆ๐“๐„๐‘๐€๐‘๐˜ | ๐‘บ๐’‚ ๐‘ฉ๐’‚๐’˜๐’‚๐’• ๐‘ฏ๐’–๐’ˆ๐’Š๐’” ๐’๐’ˆ ๐‘ฏ๐’‚๐’‘๐’‚๐’ˆMayroon kaming lamesa,parihabaโ€™t gawa sa punong narra.Anim ang upuan dito,ngunit sa lo...
22/09/2025

๐‹๐ˆ๐“๐„๐‘๐€๐‘๐˜ | ๐‘บ๐’‚ ๐‘ฉ๐’‚๐’˜๐’‚๐’• ๐‘ฏ๐’–๐’ˆ๐’Š๐’” ๐’๐’ˆ ๐‘ฏ๐’‚๐’‘๐’‚๐’ˆ

Mayroon kaming lamesa,
parihabaโ€™t gawa sa punong narra.
Anim ang upuan dito,
ngunit sa loob ng walong buwan,
bakante ang isang silya rito.

Inaanay na ang lamesa ni Lola,
pinapakain ang anim na pamilya.
Kumupas man ang barnis sa paglaon ng panahon,
itoโ€™y isang tanda ng lingguhang pagtitipon
ng mahigit apat na henerasyon.

Bilog naman ang lamesa ng kapitbahay,
isang bata, dalawa ang tatay.
Kahit hindi pares ang ilaw at haligi,
biyayang di matatanggiโ€”
ang pagkain ng kumpleto sa sasapit na gabi.

Sa kabilang kanto, may paupahan,
limang kabataang kababaihan.
Sa lamesita, umuusok ang tanghalian:
pritong itlog, pangungulila't ambisyong manalo.
Sa sandaling panahon, sila muna ang magsasalo-salo.

Parisukat ang lamesa ng bahay sa kanan.
Gumuho man ang haligi ng tahanan,
mag-ina sa agahan, tanghalian, at hapunan.
Ngunit buo ang kanilang pamilya,
kahit dalawa lamang ang silya.

Sa tabi ng ilog, nasa sahig ang mga plato.
Walang lamesa, ngunit kumpleto.
Pagkasiyahin man ang bahaw,
kahit pa tiyan ang bumabalahaw,
naroon pa naman ang init ng sabaw.

Iba't iba ang hugis, sari-saring kuwento.
Iba't iba ang putahe, iisa ang puso.
Sapagkat sa hapag na ito,
ang pamilyang mahalaga,
ang yaong may puwang lagi para sa isa pa.

โœ๏ธ: Errin Marnie Dela Cruz
๐ŸŽจ: Christine Racar

Para sa iba pang mga kuwento, bisitahin ang opisyal na website ng The Engineers: https://medium.com/.publication

Kaisa ng sambayanang Pilipino ang Kolehiyo ng Inhinyeriya sa pagtindig laban sa katiwalian.
21/09/2025

Kaisa ng sambayanang Pilipino ang Kolehiyo ng Inhinyeriya sa pagtindig laban sa katiwalian.

Noon, pinatahimik ang mga Pilipino sa ilalim ng ๐Œ๐š๐ซ๐ญ๐ข๐š๐ฅ ๐‹๐š๐ฐ na idineklara ni Ferdinand Marcos noong ๐’๐ž๐ญ๐ฒ๐ž๐ฆ๐›๐ซ๐ž ๐Ÿ๐Ÿ, ๐Ÿ๐Ÿ—๐Ÿ•๐Ÿ. ...
21/09/2025

Noon, pinatahimik ang mga Pilipino sa ilalim ng ๐Œ๐š๐ซ๐ญ๐ข๐š๐ฅ ๐‹๐š๐ฐ na idineklara ni Ferdinand Marcos noong ๐’๐ž๐ญ๐ฒ๐ž๐ฆ๐›๐ซ๐ž ๐Ÿ๐Ÿ, ๐Ÿ๐Ÿ—๐Ÿ•๐Ÿ. Libo-libong buhay ang nawala, maraming pamilya ang nawasak, at libu-libong mamamayan ang na-detain nang walang due process. Sinuspinde ang mga pahayagan at kinontrol ang media upang patayin ang tinig ng bayan. Habang lumobo ang utang ng bansa at naging daluyan ng katiwalian ang maraming proyekto, lumaban ang kabataan, aktibista, mamamahayag, at ordinaryong Pilipino. Ang People Power noong 1986 ang nagpatalsik sa diktadurya, ngunit hindi nakalimot ang bayan sa mga sugat na iniwan nito.

Ngayon, iba ang anyo ng paniniil, iba ang mukha ng katiwalian, ngunit ramdam pa rin natin ang nakawan sa kaban ng bayan at pang-aapi sa mamamayan. Hindi sapat na alalahanin lang ang dilim ng nakaraan. Paninindigan ang kailangan. Huwag hayaang mabura ang katotohanan. Ipinapasa natin ang alaala ng mga nawalang buhay, ng mga pamilyang nagapi, at ng kabataang lumaban para sa kalayaan. Ipinapaalala natin ang bawat sakripisyo ng ordinaryong Pilipino na tumindig laban sa kasamaan, karahasan, at pang-aapi ng makapangyarihan.

๐’๐š๐ฉ๐š๐ ๐ค๐š๐ญ ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ฅ๐ข๐ฆ๐จ๐ญ ๐š๐ฒ ๐ฉ๐š๐ ๐ค๐š๐ค๐š๐ง๐ฎ๐ฅ๐จ, ๐š๐ญ ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ง๐š๐ง๐š๐ก๐ข๐ฆ๐ข๐ค ๐š๐ฒ ๐ฉ๐š๐ค๐ข๐ค๐ข๐ฉ๐š๐ ๐ฌ๐š๐›๐ฐ๐š๐ญ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐ฉ๐š๐ง๐ข๐ง๐ข๐ข๐ฅ. Hindi tayo papayag na muling bumalik ang panunupil. Hindi tayo papayag na burahin ng kasinungalingan at propaganda ang mga aral ng nakaraan. Itataas natin ang tinig. Ipaglalaban natin ang katotohanan. Igigiit natin ang hustisya. Sa bawat Pilipinong natututo, sa bawat pamilya at kabataan na naaalala, ipinapakita natin na hindi natin kakalimutan, hindi natin hahayaan, at hindi na mauulit.

๐๐„๐•๐„๐‘ ๐€๐†๐€๐ˆ๐. ๐๐„๐•๐„๐‘ ๐…๐Ž๐‘๐†๐„๐“.

๐ŸŽจ: Chris Chester Aguilar

๐๐ข๐ฅ๐ฎ๐ฅ๐ฎ๐ง๐จ๐ ๐ญ๐š๐ฒ๐จ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ง๐  ๐›๐š๐ก๐š, ๐ค๐ฎ๐ง๐๐ข ๐ง๐  ๐ค๐š๐ฌ๐ข๐ง๐ฎ๐ง๐ ๐š๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐š๐ง. ๐๐ข๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐ฆ๐จ๐ง ๐ญ๐š๐ฒ๐จ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ง๐  ๐ฉ๐ฎ๐ญ๐ข๐ค, ๐ค๐ฎ๐ง๐๐ข ๐ง๐  ๐ค๐š๐ฌ๐š๐ค๐ข๐ฆ๐š๐ง. ๐‡๐š๐›...
21/09/2025

๐๐ข๐ฅ๐ฎ๐ฅ๐ฎ๐ง๐จ๐ ๐ญ๐š๐ฒ๐จ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ง๐  ๐›๐š๐ก๐š, ๐ค๐ฎ๐ง๐๐ข ๐ง๐  ๐ค๐š๐ฌ๐ข๐ง๐ฎ๐ง๐ ๐š๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐š๐ง. ๐๐ข๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐ฆ๐จ๐ง ๐ญ๐š๐ฒ๐จ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ง๐  ๐ฉ๐ฎ๐ญ๐ข๐ค, ๐ค๐ฎ๐ง๐๐ข ๐ง๐  ๐ค๐š๐ฌ๐š๐ค๐ข๐ฆ๐š๐ง. ๐‡๐š๐›๐š๐ง๐  ๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ฉ๐š๐ง๐๐š๐ฒ ๐š๐ง๐  ๐ญ๐ซ๐ข๐ฅ๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐ฉ๐ข๐ฌ๐จ๐ง๐  ๐ฉ๐ซ๐จ๐ฒ๐ž๐ค๐ญ๐จ๐ง๐  ๐ค๐จ๐ง๐ญ๐ซ๐š-๐›๐š๐ก๐š, ๐ฅ๐š๐ง๐ญ๐š๐ซ๐š๐ง ๐ญ๐š๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐ ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ฐ๐š๐ง๐  ๐›๐š๐ฌ๐š๐ก๐š๐ง ๐ง๐  ๐ ๐จ๐›๐ฒ๐ž๐ซ๐ง๐จ โ€” ๐ ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ญ๐š๐ฌ๐š๐ง, ๐›๐ข๐ง๐š๐›๐š๐ฅ๐š๐ก๐ฎ๐ซ๐š, ๐š๐ญ ๐ ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ก๐š๐ฌ๐š ๐š๐ง๐  ๐ญ๐ข๐ฐ๐š๐ฅ๐š ๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ฆ๐š๐ฆ๐š๐ฒ๐š๐ง.

Kung noon ay Martial Law ang naging simbolo ng panunupil, ngayon ang flood-control projects ang mukha ng bagong diktadura. Ang mga proyektong dapat nagliligtas sa mamamayan sa baha ay ginawang daluyan ng pandarambong. Una tayong nilulunod sa tubig, pangalawa sa buwis, at pangatlo sa kasinungalingan. Paulit-ulit tayong ginagawang biktima ng gobyerno na walang ibang hangad kundi ang sariling kapangyarihan.

Ngayon sa Luneta, malinaw ang pulso ng taumbayan na tapusin na ang panlilinlang. Ang protesta ay hindi lamang pagkondena sa pagbaha, kundi sa mas malalang problema ng kasakiman. Ang trilyong pisong flood-control projects ay naging monumento ng kawalanghiyaan. At kung sa EDSA ay nagtagumpay ang bayan na patalsikin ang diktador, sa Luneta naman nag-uumpisa ang panibagong laban para wakasan ang kasalukuyang katiwalian.

Minsan na tayong tumindig at nagtagumpay. At kung nagawa noon, magagawa natin muli ngayon. Walang ganitong klase ng korapsyon kung hindi mismo hinahayaan at pinapalakas ng administrasyon. Ang tunay na pagbabago ay dapat magsimula sa gobyerno. Huwag subukan ang tatag ng mamamayan. Mulat na ang mga Pilipino at hindi na ito hihinto. Hanggang sa garapalan ang ginagawang korapsyon na nagpapahirap sa mamamayan, magpapatuloy ang dagundong ng mga boses, mag-aalab ang galit, at titindig muli ang bayan para sa katarungan.

๐ŸŽจ: Jazzmine Obedoza

Basahin ang buong akda: https://medium.com/.publication/opinyon-baha-sa-luneta-9432e82fd132

Para sa iba pang mga kuwento, bisitahin ang opisyal na website ng The Engineers: https://medium.com/.publication

TIGILAN ANG PAGTIKTIK AT INTIMIDASYON SA MGA PERYODISTA NG BAYAN. LABANAN ANG ANUMANG URI NG REPRESYON AT TANGKANG CENSO...
19/09/2025

TIGILAN ANG PAGTIKTIK AT INTIMIDASYON SA MGA PERYODISTA NG BAYAN. LABANAN ANG ANUMANG URI NG REPRESYON AT TANGKANG CENSORSHIP SA MIDYA.

PAHAYAG NG PAGKAKAISA NG PLARIDEL GUILD SA PAGTIKTIK AT HARASSMENT NG ESTADO KAY CAIRO SANDOVAL AT ANG ILANG BESES NA REDTAGGING NA NAGANAP SA CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY

Ang Plaridel Guild ay alyansa ng mga publikasyon sa Bulacan State University na kapwa tumitindig at kumukundena laban sa naganap na pag-harass at pagtiktik ng dalawang โ€˜di kilalang lalaki sa founding member ng Independent Campus Journalistsโ€™ Union for Press Freedom (ICJUPF) at senior staffer ng CLSU Collegian na si Justine Ace โ€˜Cairoโ€™ Sandoval.

Setyembre 10 nang nilapitan ng dalawang sibilyan ang mga magulang ni Cairo na nagpakilalang mga tauhan sa ilalim ng National Tak Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) kasabay ang mga nakadududang deskripsyon patungkol sa โ€˜di umanoโ€™y pagkakaalam nila sa itsura at tirahan ni Cairo at ng kaniyang pamilya. Maging sa loob ng kanilang kampus ay mayroon ring naganap na pagtatanong-tanong patungkol sa kaniya.

Kritiko ng estado si Cairo. Kalakip ng kaniyang gampanin bilang mamamahayag ay ang maghatid ng balita patungkol sa danas at pakikibaka ng mamamayan, mapaloob o labas man ng kanilang pamantasan. Gayunpaman, hindi dapat kadugtong ng ating pagiging peryodista ang palagiang pangamba at takot sa ating buhay kapag tayo ay nagbabalita lang naman ng pawang katotohanan.

Dagdag pa rito, ito na rin ang ikatlong kaso ng redtagging, harassment, at surveillance na naganap sa CLSU mula Abril hanggang sa kasalukuyang buwan. Tahasan ang ginagawang panunupil ng estado sa mga mamamahayag ng bayan na siya ring direktang paglabag sa karapatan at kalayaan ni Cairo at ng iba pa. Pinagsasawalang-bahala ng mga hakbang na ito ang umiiral na batas ng Campus Journalism Act of 1991 at kung hindi natin ito aalmahan ay mananatili lamang itong mga salitang nakalimbag na hindi kinatatakutan ng mga tutang parak.

Ang Plaridel Guild ay mariing kumukundena sa anumang uri ng redtagging na nakapukol sa aming mga kapwa mamamahayag. Gayundin, aming ipinararating ang pagtindig kasama ng CLSU Collegian at lahat ng mga mamamahayag sa kanilang pamantasan. Amin ding inuudyukan ang iba pang publikasyon ng gitnang Luzon na tumindig laban sa intimidasyong ito. Sama-sama nating itakwil ang tangkang panunupil ng estadong labis na takot sa ating mga pluma na ang tanging ginagawa lamang ay ang maghayag ng katotohanan.





๐’๐๐Ž๐‘๐“๐’ ๐‘๐„๐‚๐€๐ | Alas Pilipinas came up short in their round of 16 campaign at the FIVB Menโ€™s World Championship after a n...
19/09/2025

๐’๐๐Ž๐‘๐“๐’ ๐‘๐„๐‚๐€๐ | Alas Pilipinas came up short in their round of 16 campaign at the FIVB Menโ€™s World Championship after a nail-biting fifth set loss to world No. 14 Iran at the Mall of Asia Arena on September 18.

Despite the historic win over world No. 21 Egypt, Alas Pilipinas failed to extend their triumphant run after falling to Iran in a thrilling five-set rally, 25โ€“21, 21โ€“25, 25โ€“17, 23โ€“25, 20โ€“22.

Bryan Bagunas, who led the team with 22 points, recorded 18 attacks, three blocks, and an ace, admitted the defeat was heartbreaking but remained proud of the teamโ€™s effort.

โ€œSobrang sakit para samin kasi nandoon na kami. Pero masaya pa rin ako kasi naipakita ng team namin na kaya naming makipag compete sa gantong level ng tournament,โ€ he said in the post-game interview.

โœ๏ธ : Reymel Aquino

Read the full report: https://medium.com/.publication/sports-alas-pilipinas-historic-run-ends-in-a-five-set-clash-vs-iran-ad7d7cab0ab3

For more stories, visit the official website of The Engineers: https://medium.com/.publication

by Reymel Aquino

๐’๐๐Ž๐‘๐“๐’ ๐‘๐„๐‚๐€๐ | Ginulantang ng Alas Pilipinas (World No. 88) ang mundo ng volleyball sa FIVB Menโ€™s World Championship 202...
19/09/2025

๐’๐๐Ž๐‘๐“๐’ ๐‘๐„๐‚๐€๐ | Ginulantang ng Alas Pilipinas (World No. 88) ang mundo ng volleyball sa FIVB Menโ€™s World Championship 2025 matapos paluhurin ang mas mataas na ranggong Egypt (World No. 21) sa isang makasaysayan at dikdikang apat na set, 29โ€“27, 23โ€“25, 25โ€“21, 25โ€“21, nitong Martes, Setyembre 16 sa Mall of Asia (MOA) Arena, Pasay City.

Rumagasa si kapitan Bryan Bagunas, na tumikada ng game-high na 25 puntos mula sa 23 attacks at 2 blocks, habang pinakilos at pinatibay ni star setter Owa Retamar ang buong koponan sa 40 excellent sets.

Bumida ang batang opposite spiker na si Leo Ordiales na bumira ng 21 puntos para patatagin at suportahan ang liderato ni Bagunas, at bumawi sa maalat na laro kontra Tunisia.

โ€œAfter the loss to Tunisia, we talked about our errors and practiced a lot, so now we played well. We are super happy that so many fans support us,โ€ sabi ni Ordiales sa isang post-match interview.

Nagpakitang-gilas din ang mga beteranong manlalaro na sina Marck Espejo at Kim Malabunga, na kumamada ng 13 at 7 puntos at naghatid ng 5 blocks mula sa kabuuang 11 blocks ng koponan.

โœ๏ธ : Yancy Gwen F. Lazaca

Basahin ang buong akda: https://medium.com/.publication/isports-underdog-alas-pilipinas-sinindak-ang-no-781f4db34152

Para sa iba pang mga kuwento, bisitahin ang opisyal na website ng The Engineers: https://medium.com/.publication

ni Yancy Gwen F. Lazaca

๐—•๐˜‚๐—น๐—ฆ๐—จ ๐—š๐—ฒ๐—ฎ๐—ฟ๐˜€ ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—˜๐˜…๐—ฐ๐—ฒ๐—น๐—น๐—ฒ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ | COE Faculty Recognized at the ICEE-Phil 2025 Teaching Excellence AwardThe BulSU community p...
18/09/2025

๐—•๐˜‚๐—น๐—ฆ๐—จ ๐—š๐—ฒ๐—ฎ๐—ฟ๐˜€ ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—˜๐˜…๐—ฐ๐—ฒ๐—น๐—น๐—ฒ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ | COE Faculty Recognized at the ICEE-Phil 2025 Teaching Excellence Award

The BulSU community proudly congratulates Engr. Riah Ann D.R. Fermin-Cayanan, College of Engineering Associate Dean, for her remarkable achievement as a finalist in the Teaching Excellence Award 2025 โ€“ Emerging Teacher Award Category.

This recognition was conferred during the 70th PAES Anniversary Celebration and International Conference on Engineering Education โ€“ Philippines 2025 (ICEE-Phil 2025), held on September 12, 2025, at the University of Santo Tomas.

Ma-ALAB na Pagbati! May your dedication continue to inspire excellence and innovation within the BulSU community and beyond.

|
|

๐—•๐˜‚๐—น๐—ฆ๐—จ ๐—š๐—ฒ๐—ฎ๐—ฟ๐˜€ ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—˜๐˜…๐—ฐ๐—ฒ๐—น๐—น๐—ฒ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ | COE Faculty Recognized at the ICEE-Phil 2025 Teaching Excellence AwardThe BulSU community p...
18/09/2025

๐—•๐˜‚๐—น๐—ฆ๐—จ ๐—š๐—ฒ๐—ฎ๐—ฟ๐˜€ ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—˜๐˜…๐—ฐ๐—ฒ๐—น๐—น๐—ฒ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ | COE Faculty Recognized at the ICEE-Phil 2025 Teaching Excellence Award

The BulSU community proudly congratulates Engr. Oliver R. Mariano, faculty member of the College of Engineering, for his remarkable achievement as a finalist in the Teaching Excellence Award 2025 โ€“ Distinguished Teacher Award Category.

This recognition was conferred during the 70th PAES Anniversary Celebration and International Conference on Engineering Education โ€“ Philippines 2025 (ICEE-Phil 2025), held on September 12, 2025, at the University of Santo Tomas.

Ma-ALAB na Pagbati! May your dedication continue to inspire excellence and innovation within the BulSU community and beyond.

|
|

Address

5th Floor Natividad Hall, Room 506A, Bulacan State University
Malolos
3000

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Engineers Publication posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to The Engineers Publication:

Share

Category