21/09/2025                                                                            
                                    
                                                                            
                                            π£ππππ£ππ‘ππ¦ ππ‘π ππ§πππ¦, ππ’π₯ππ£π¦π¬π’π‘ ππ‘π πππππ!!!
Parang baha ang nangyayari ngayon sa ating bansa, unti-unting umaapaw ang anomalya na gumigiba sa pundasyon ng lipunan, at lumulunod sa pag-asa ng bayan. Sa bawat maling desisyon, sa bawat katiwalian na nangyayari, lalo pang tumataas ang tubig ng kawalang katarungan na pumipigil sa pag-usbong ng bayan.
Ngunit hindi tayo narito para malunod. Narito tayo upang maging daluyong ng pagbabago, ang alon na wawasak sa pader ng kasinungalingan at ang agos na mag-aahon sa bansa mula sa putikan ng katiwalian.
Ang kinabukasan ng Pilipinas ay hindi dapat manatiling nakalubog sa maruming baha. Dapat itong iahon, linisin, at itaguyod ng taumbayan tungo sa isang pamahalaang tapat, makatao, at tunay na para sa lahat.