01/10/2025
As Senator Kiko Pangilinan said:
โNakaka-asiwa at nakakabahala ang statement ng LANDBANK.โ
โIbig sabihin ba, dahil walang mali sa paglabas ng P457M cash sa 2 araw ay mauulit ito?โ
โDapat sana ay sinabi nila sa kanilang statement, โMaghahanap kami ng paraan para hindi na ulit mangyari ito.โโ
PUNTO POR PUNTO
In the first place, Sen. Pangilinan, malinaw na ang lahat ng transaksyon ng LANDBANK ay ginawa ayon sa Philippine Banking Law at mga regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Pangalawa, paano maghahanap ng paraan ang LANDBANK para hindi na ulit mangyari ito? Kung mayroon man kayong nakikitang pagkukulang sa naturang batas, kayo po mismo sa Senado ang nasa posisyon na magpanukala at mag-amyenda para mas maging mahigpit ang regulasyon sa pamamaraan ng cash withdrawal transactions ng LANDBANK at iba pang bangko.
At panghuli, Mr. Senator, walang karapatan at basehan ang LANDBANK para pigilan ang pag-withdraw ng cash kung malinaw ang mga dokumento at pinagmulan ng pondo. Lahat ng cash withdrawal na higit sa โฑ500,000 ay awtomatikong nire-report sa Anti-Money Laundering Council (AMLC). At kung may โkahina-hinalaโ man, agad itong nirereport bilang Suspicious Transaction Report (STR). Hindi mandato ng LANDBANK ang mag-imbestiga ng gobyerno o ng proyekto ng mga ahensya ng gobyerno. Ang imbestigasyon, kung kinakailangan, ay trabaho ng COA, AMLC, Ombudsman, o ng Kongreso.
Baligtarin natin ang sitwasyon: Kung naging matagumpay ang mga FLOOD CONTROL PROJECT na pinondohan mula sa P457M na cash withdrawal sa loob ng dalawang araw, magiging isyu ba ito sa kasalukuyan?
Ang sagot ay: HINDI!
Dahil ang tunay na pagkakamali ay hindi nanggaling sa Bangko. Ang tunay na nagsamantala ay ang mga tiwaling opisyal na naghati-hati sa pondong dapat sanaโy nakalaan para masolusyunan ang problema ng pagbaha sa kanilang nasasakupan.
Ang punto dito: Huwag nating ilihis ang isyu sa Bangko na nag-remit ng higit โฑ32B noong 2024 at โฑ33B ngayong taon. Malinis ang intensyon at mandato ng LANDBANK na patuloy na naninindigan sa integridad ng operasyon, alinsunod sa mga batas at alituntunin, at sa pangangalaga ng tiwala ng publiko.
โAng tunay na nagkasala sa anomalyang ito ay ang mga mapagsamantalang opisyal, HINDI ang Bangko na 62 taon nang nagseserbisyo para sa mga Pilipino.โ
๐ธPhoto from the Department of Public Works and Highways