11/10/2025
Katiwalian at korapsyon sa maanomalyang flood control projects, tutuldukan sa Lungsod ng Malolos
AUDIT REPORT, ISINUMITE SA INDIPENDET COMMISSION FOR INFRASTRUCTURE (ICI)
Hindi pumayag ang liderato ni City Mayor Atty. Christian D. Natividad na maghintay na lamang ang kanyang mga kababayan sa isinasagawang imbestigasyon ng Senado at Kongreso kaugnay sa maanomalyang issue ng korapsyon sa flood control projects sa bansa kung saan bumuo ito ng sariling Audit Team na siyang nag-imbestiga at personal na bumisita sa mga isinasagawang proyekto ng DPWH sa Lungsod ng Malolos sa kasalukuyan.
Kahapon Oktubre 10, 2025, ang lokal na pamahalaan ng Malolos ang kauna-unahang LGU sa Pilipinas na nakapagsumite sa ICI ng Flood Control Projects Inspection Report alinsunod sa kagustuhan ni Mayor Natividad na makipagtulungan kay DPWH Secretary Vince Dizon at Pangulong B**gbong Marcos na tapusin ang korapsyon at katiwalian sa ahensya lalo na ang pagkakaroon ng mga substandard at multong proyekto na bilyong piso ang nauubos sa kabang-yaman ng bayan
Sa Malolos kung saan narito mismo ang opisina ng DPWH 1st District Engineering Office ay nakatuklas ng may 106 flood control projects sa mga barangay na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P7Bilyon. 27 rito ay completed projects, 13 ghost projects, 8 substandards at 27 ang ongoing projects.
Ayon kay Mayor Natividad, magtutuloy-tuloy pa ang kanilang imbestigasyon at pakikipagtulungan sa ICI upang mapabilis ay maging magaan ang pagresolba ng kinauukulan sa mga suliraning bumangon sa ahensya ng DPWH sa kasalukuyan.
Ang Audit Team na binuo ay kinabibilangan ni City Administrator Joel Eugenio, City Engineer Ricasol Milan, City Legal Officer Atty. Darwin Clemente, City Planning and Development Officer Engr. Eugene Cruz, 51 Barangay Captains at Interested Constituents.🦅🦅🦅