
31/08/2025
𝘉𝘶𝘻𝘻 𝘜𝘱, 𝘓𝘢𝘣𝘏𝘪𝘨𝘩! 🐝
𝐔𝐠𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐢𝐬𝐚, 𝐁𝐢𝐧𝐡𝐢 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠-𝐚𝐬𝐚 | 𝗟𝗔𝗧𝗛𝗔𝗟𝗔𝗜𝗡
Ugat. Sanga. Bunga. Ugat na nag-uugnay sa bawat Pilipino. Sanga na kumakatawan sa iba’t ibang kultura at wika. Bunga ang matamis na pagkakaisa ng sambayanan.
Ito ang diwa ng Buwan ng Wika, pagpupugay sa Pilipino at katutubong wika.
Tuwing buwan ng Agosto, buong Pilipinas ay nagkakaisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Ito ay taunang selebrasyon na nagbibigay halaga sa wikang Filipino. Ngunit higit pa sa wika, ito ay pagbabalik tanaw sa ating kasaysayan at isang paalala na ang ating kultura ay patuloy na yumayabong at nagniningning sa kabila ng modernisasyon.
Iniuugnay ang Buwan ng Wika sa kaarawan ng ating dakilang propagandista na si Manuel L. Quezon, tinaguriang Ama ng Wikang Pambansa. Isinulong niya ang pagkakaroon ng pambansang wika na magsilbing tulay upang magkaunawaan ang mga Pilipino mula sa iba’t ibang rehiyon.
Upang ipagdiwang ang Buwan ng Wika, bawat taon ay may itinalagang tema ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na nagsisilbing gabay sa iba’t ibang programa sa paaralan, at komunidad. Para sa taóng 2025, ang tema ay “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa.” Pinagtutuunan ng pansin dito ang mga paligsahan sa pagsulat ng sanaysay, talumpati, balagtasan, pagbasa ng tula, at pagtatanghal—inilalarawan nito ang kasaysayan at tradisyon ng mga Pilipino.
Sa kabila ng modernisasyon, hindi pa rin nawawala sa tradisyon ng mga Pilipino na ipagdiwang ang Buwan ng Wika. Subalit ilan sa kabataang Pilipino ay mas sanay gumamit ng wikang ingles, nararapat na tandaan na ang paggamit sa sariling wika ay hindi hadlang sa pag-unlad—dahil ito ang pundasyon upang makipagsabayan sa buong mundo.
Wika ang ugat na nag-uugnay. Kultura ang sanga. Pagkakaisa ang bunga. Paglingap sa Filipino at katutubong wika, nagtatanim ng makulay na kinabukasan.
Para sa iba pang istorya, bisitahin ang opisyal na website ng The Busy Bee: medium.com/
Caption by Gabrielle R. Dela Cruz (8 - Apitong)
Copyread by William Severino S. Buenaseda (8 - Mahogany)
Photos by Johara B. Panolong (8 - Apitong) and Shadd Nesta Castillo (8 - Palosapis)
Border by Sean Jedryl C. Desingaño (10 - STE Zara)