22/07/2025
๐
๐๐๐๐๐๐ | ๐๐ฎ๐ฅ๐ ๐๐ซ๐ญ๐ข๐ค๐ฎ๐ฅ๐จ ๐๐๐ง๐ ๐ ๐๐ง๐ ๐๐ง๐ญ๐๐๐ฅ๐๐๐จ: ๐๐๐๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ฌ๐ญ๐ฎ๐๐ฒ๐๐ง๐ญ๐-๐๐๐ฆ๐๐ฆ๐๐ก๐๐ฒ๐๐ .
๐ฃ๐บ ๐๐ฆ๐จ๐ช๐ฏ๐ข ๐๐ฉ๐ข๐ฏ๐ฆ ๐๐ฐ๐ฑ๐ฆ๐ป ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐๐ญ๐ฆ๐น๐ข๐ฏ๐ฅ๐ณ๐ช๐ฏ ๐๐ข๐ณ๐จ๐ข๐ณ๐ฆ๐ต๐ต๐ฆ ๐๐ข๐ญ๐จ๐ข๐ฅ๐ฐ ๐๐ข๐ณ๐ขรฑ๐ข
Sabi nila, ang oras ay parang alonโdumarating, lumilihis, at sa isang iglap, nilulubos. Sa kasusulyap natin sa relo, sa kalendaryong unti-unting binubura ang paglipas ng mga araw, hindi natin namamalayang: tapos na pala ang kuwento. Isang araw, nasa unang klase ka pa, naghahanap ng upuan sa likuran ng silid. Sa susunod, suot na ang toga, yakap ang mga alaala na minsang tinawag na tahanan.
Ang kolehiyo palaโnatatapos nang dahan-dahanโtulad ng dapithapon.
Ordinaryo lamang ang Martes noon: walang putok ng fireworks, walang dramatikong musika sa likod. Bagamaโt ang puso ay marahas ang pintig, na tila ba sasabog sa bigat ng mga damdaming sabay-sabay dumadaluyong.
At sa gitna ng mga ito, sa wakas ay maari ka nang huminga sa hangin.
๐ ๐ฎ๐ ๐ง๐ฎ๐ด๐๐บ๐ฝ๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐๐๐ฏ๐ผ๐ธ
Mahigit 300 mag-aaral ang matagumpay na nakapagtapos mula sa College of Criminal Justice Education (CCJE) matapos ang apat na taong pagsusumikap at paglilingkod sa mga simulain ng hustisya at batas. Sa kabuoan, 121 ang mula sa programang Bachelor of Science in Legal Management (BSLM), samantalang 224 naman ang nagtapos sa ilalim ng Bachelor of Science in Criminology (BSC).
Sa kabila ng apat na taong pagpupursigi, hindi maikakailang ang bawat isa sakanilaโy dumaan sa matinding pagsubokโmga gabing pinuno ng pagod, pagdududa sa sariling kakayahan, at mga panahong wala nang kasiguraduhan pa sa bukas. Gayumpaman, sa bawat paghihirap na naranasan, lagiโt laging mananaig ang pangarap na sinimulan.
Isa si Ma. Dennise Gwyneth Enriquez, mag-aaral sa ilalim ng BSLM, at ang dating Associate Editor ng The Gavelโs Press (TGP), ang naghayag ng kaniyang pinagdaanan sa loob ng apat na taon sa kolehiyo. โI was an irregular student for almost all my college life. Being irregular itself was hard, but going to different classes and sitting quietly in a corner was kind of the most impactful for my self-esteem,โ aniya.
Bukod pa rito, mataas aniya ang inaasahan niya sa kaniyang sarili nang siya ay nasa unang taon pa lamang sa Bulacan State University (BulSU). Isang honor student mula sa kaniyang kabataan, at minsang inasam na mapanatili ang ganoong sistema. Bagamaโt unti-unting naglaho taong 2019โnang dumating ang pandemya, isang modalidad na hindi epektibo para sa kaniya.
Para naman kay Julia Aimee Sapoco, isa ring Legal Management (LM) student, at Staff Writer ng TGP, sa tโwing pinagmamasdan niya ang litratong kuha sa harap ng College of Law (CLAW) building nang siya ay nasa unang taon pa lamang, aniya'y hindi maiwasang isipin kung paano pinilit at kinaya ang sarili sa loob ng apat na taon.
โNoong first year ko, I really struggled with imposter syndrome. Wala akong maayos na study habit, tapos kailangan ko pang bumiyahe ng 3 hours papunta sa campus kasi ang layo ng bahay namin. โYung klase pa, 5PM to 8PM, so sobrang nakakapagod,โ paliwanag niya.
Dagdag pa ni Julia, malayo na ang narating niya simula nang tumuntong ng pamantasan. Hindi man ito naging madali, bagamaโt ipinagmamalaki pa rin ang sarili sa narating, โSobrang layo na ng narating ko. From someone who doubted herself a lot, ngayon mas kilala ko na โyung sarili koโnot just as a student, but as someone capable of balancing passion for public service and the demands of my course,โ mariin niyang sabi.
Sa kabilang banda, sa apat na taong pagiging estudyante ni Gilbert Israel, isa rin sa mga nakapagtapos sa programang LM, at dating broadcaster ng TGP. Isa sa naging kalaban niya ay ang pagbabalanse ng sariling oras. Dahil bilang isang working student, nahirapan aniya siyang hanapan ng tamang estilo ang pag-aaral, gamitan man ng ibaโt ibang pamamaraan ay mahirap talunin ang puyat.
โNoong unang araw na pasok ko bilang freshman, grabe โyung excitement, at punong puno ako ng pangrap. Siguro kung titignan ngayon, maraming bagay na hindi ko inaasahan na possible pala mangyare, nakapaglingkod ako sa estudyante at sa pamantasan habang nagtatrabaho at naging isang mamamahayag pa sa isang publikasyon,โ nananabik niyang sambit.
โNakakapagod at nakakaiyak, mapupuno ka ng self doubt dahil madalas bokya sa recitation at minsan pa hindi kinakaya ang tambak tambak na hand written na case digest dahil nga working pa sa gabi,โ dagdag pa niya.
Ngayoโy hawak na nila hindi lamang ang diploma, maging ang kuwento ng sariling paglayaโsa takot, sa pag-aalinlangan sa sarili. At sa pag-akyat sa entablado, bitbit nila ang paniniwala: na ang bawat pagsubok ay kayang lampasan, at ang bawat pangarap ay karapat-dapat ipaglaban.
๐๐๐๐ฒ๐ป๐๐ผ ๐๐ฎ ๐๐ถ๐ธ๐ผ๐ฑ ๐ป๐ด ๐๐๐น๐ถ๐ป๐ฒ
Hindi biro ang pagsabay ng dalawang mundong parehong mabigat dalhinโang pagiging estudyante at isang mamamahayag.
Gaya ng saad ni Dennise, โWhen balancing, transparent ako sa aking availability dahil noon ay nasa huling taon na ako ng legma kaya mabigat na ang loads. We cooperate together and I do pub works when I can make time for it.โ
Ayon kay Dennise, hindi kailanman naging madali para sa kaniya ang pagsabayin ang dalawang mundong kapuwa humihingi ng buong atensiyonโlalo naโt iisa lang ang katawang lumalaban sa pagod, at iisa lang ang pusong ginugugol sa parehong pangarap.
Araw-araw ay may pasan sa balikat: hindi lamang ito ang bigat ng mga gawain o pagsusulit, kundi ang responsibilidad na maging mata at tinig ng lipunan. Habang ang ilan ay abala sa pag-aaral, siya naman ay nakikipaghabulan sa mga ulat at itinakdang petsa ng pagpasa. Kasabay ng pagsagot sa pagsusulit ang pagtugon sa panawagan ng bayan; kasabay ng recitation ang pakikipaglaban sa ngalan ng mga nawalan na ng lakas upang magsalita.
Sa bawat tanong na โKaya mo pa ba?โ ay may kirot na dumadaloy sa dibdibโisang paalala ng mga sugat na pilit mo nang tinatahi, tahimik mong kinukubli sa likod ng pagod na ngiti. Hindi naging madali ang landas. Ngunit sa likod ng bawat paghina ay may panibagong dahilan para bumangon. Sa kabila ng pagod, may apoy pa ring hindi namamatay.
Tulad na lang din ng naging karanasan ni Julia, na kung saan ay dumating na sa puntong siya na mismo ang kusang umatras, ngunit sa kabila ng lahat ay malaki na para sa kaniya ang naging bahagi ng publikasyon ng CCJE sa kung sino siya ngayon, โIt wasnโt something I planned. I held on for as long as I could, even on days when everything felt overwhelming and I felt unappreciated. Still, the publication helped shape who I am, and I carry its lessons with me as I move forward,โ aniya.
Ang naging desisyon ni Julia na lisanin ang publikasyon ay hindi aniya dala ng kawalang-puso, kundi ng mas malalim pang pagmamahal sa sarili. Sa kabila ng kanyang pagpupursigi ay dumating din ang sandaling kinailangan niyang tumigilโhindi bilang isang pagsuko, kundi dahil mas pinili niyang alagaan ang katahimikan ng kanyang loob.
Sapagkat may mga bagay na tinatapos sa simpleng pag-amin na sapat na ang naibigay mo. At gaya ng sinabi ni Julia, kahit lumisan siya ay hindi niya iniwan ang mga aral. Dala-dala niya ang mga ito habang patuloy na lumalakad nang mas buo, at mas tahimik ang loob.
Para naman kay Gilbert, bagaman siya ay dumaan sa puntong tila ba ang lahat ng kaibigan niya ay isa-isang nagpaalam ay mas pinili pa rin niyang manatili, dahil ayon sa kanya, masaya ang pusong maghayag ng katotohanan.
โBinalikan ko kung bakit ako nag-apply bilang mamamahayag sa publikasyon na itoโ ayon ay dahil mahal ko ang mag-ulat, masaya ang puso ko mag-hayag ng katotohanan. Mahirap dahil working student at maraming school activities pero kung mahal mo ang ginagawa mo, magpapatuloy,โ saad niya.
Sa gitna ng bigat, sa kabila ng pagod, ng tambak na aralin at responsibilidad sa eskuwela at trabahoโpinili pa rin ni Gilbert na manatili. Hindi dahil sa tungkuling kailangang tuparin, kundi dahil sa pusong hindi kailanman tatalikod sa katotohanang nais niyang iparinig sa masa. Pag-ibig sa pagbabalitaโito ang paninindigang hindi naglaho, at marahil, ay hindi kailanman maglalaho.
๐ฃ๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ ๐ฎ๐ป๐ฑ๐ถ๐ฟ๐ถ๐ด๐บ๐ฎ
May mga gabing natatanging pagod na lamang ang makakasama. Maraming pagkakataong hindi maiiwasan ang sumuko sa laban, kahit ito ay isang pangarap na may panata nang unang humakbang sa loob ng unibersidad. Gayumpaman, sa loob ng kolehiyo ay hindi ka lamang isang estudyanteโisa ka ring mandirigmang ang panulat at tindig ang sandata.
May mga araw sa kolehiyo na parang ayaw nang umusad ng orasโkung kailan ang bawat takbo ng segundo ay may dalang tanong na: โKaya ko pa ba?โ
Para kay Dennise, Julia, at Gilbert, magsisimula pa lamang ang bagong yugto ng kanilang buhay patungo sa kanilang mga pangarap, naniniwala sila sa mga estudyanteng kahaharapin pa lamang ang mga hamon na kanilang nalampasan, ay tuloy lamang, dahil magpapatuloy ang buhay.
โLiteral na buhay ay hindi karera, โnak,โ ang paalala ni Dennise.
โFind your tribe,โ aniya, โThose people will make and break you. They will cry with you. Surround yourself with people who will bring the best with you.โ
Sa kabilang banda, puno ng paninindigang nag-iwan din ng payo si Julia, โNever stop, no matter how many times you fail. If you know youโre doing what you're meant to do, then you owe it to yourself to keep trying.โ
Habang ang paalala ni Gilbert ay magpatuloy lamang, sapagkat ang bawat pagdududa sa sariling kakayahan at mga luha sa dinadalang bigat gabi-gabi ay siyang daan sa matagumpay na pangarap.
โMaari kang mapagod kaya huwag kakalimutan mamahinga, pero dapat pagkatapos mamahingaโmagpatuloy muli. Mahirap ilaban ang pangarap, isipin mo lang na walang madali sa buhay kaya kung maabot ang ngiti sa dulo, magpatuloy ka.Ipilit mo ang laban sa pangarap, maraming magiging hadlang ngunit walang sa pusong nag-aalab na maabot ang pangarap,โ mariin niyang sabi.
Sa mundong mapanubok at mapanuri, hindi lahat ng tagumpay ay sinusukat ng medalya o diploma. Madalas, ang pinakadakilang tagumpay ay ang kakayahang manatiliโang hindi pagsuko sa gitna ng unos, at ang patuloy na pagsusulat kahit tila wala nang nakikinig.
At sa dulo, ang paglalakbay ng isang mamamahayag ay hindi na lamang tungkol sa pag-uulatโito ay isa nang anyo ng pag-ibig. Isang panatang buhay sa puso, na sa kabila ng paghihirap, ay magpapatuloy. Hanggang sa huling tuldok. Hanggang sa huling pahina. Hanggang sa makamit ang lipunang may tunay na saysay ang tinig ng bawat isa.
๐ผ๏ธ: Imeri Nicor