03/10/2025
MGA LARAWAN | Matapos ang paglitaw ng kabi-kabilang kaso ng katiwalian sa Bulacan, nagsagawa ng pagsulong ang progresibong grupo ng Tindig Paombong at Tindig Guiguinto noong Sabado, Setyembre 27.
Katuwang ang ilang mga organisasyon, multisektoral at mag-aaral, layunin ng kilos-protesta na panagutin ang mga personalidad na sangkot sa korapsyon ng ghost flood control projects at katiwalian sa lalawigan.
Kabilang sa mga idinawit ni DPWH Bulacan 1st District DOE, Engr. Brice Hernandez ay sina 1st District Representative, Danny A. Domingo at 5th District Representative Ambrosio โBoyโ Cruz Jr, na umano'y kumukuha ng 15โ20% kickback mula sa proyekto.
Ayon sa panayam ng The Sizzlers kay Fredo Punzal, isa sa tagapangasiwa ng Tindig Paombong, na kailangan ng may managot sa mga katiwalian.
โKailangan nang tapusin [ang imbestigasyon], kailangan nang ayusin at hindi na magpalabok sa senado. Kailangan nang mangyari na may managot, kailangan nang mangyari na may makulong, dahil itong flood control projects, yung funds dito ay pera ng taong bayan, kaya dapat sa taong bayan.โ
Ipinunto naman ng isang residente mula sa Masukol, isang coastal area sa Paombong, na napakahina ng ginawang flood control ng gobyerno at nasira agad sa loob ng kalahating taon, na ayon kay Punzal ay mayroong P514 milyong pondo para sa proyekto.
Sa huli, binigyang-diin ni Punzal na ang ginawa nilang pagsulong ay simula pa lang ng mas malawak na pagkilos upang palakasin ang tinig ng mamamayan. Aniya, susundan pa ito ng pagsulong mula iba't ibang bayan sa Bulacan, tulad ng sa Marilao at Meycauayan, hanggang sa mabuo ang koalisyong Tindig Bulacan. | ulat ni Arjay Bautista/THE SIZZLERS
Larawang kuha ni Arjay Bautista at Cristalyn Mercado/THE SIZZLERS