12/03/2025
Title: Galugarin sa Hilig ng Buhay
Sa aking buhay na madilim, limitado at walang pursigido sa gawain ay biglang nagkaroon ng maliwanag at saysay dahil sa isang desisyon na hanggang ngayon ay aking tinutuloy at minamahal.
Ako si Juan Miguel V. De Dios, at ito ang kwento kung saan nahanap ko ang aking hilig.
Setyembre 26, 2024 ang simula kung saan ako nagdedisyon na umalis sa aking comfort zone at sumali sa LAKAS Publication. Sa katunayan, hindi ko alam ang rason bakit pinili ko ang pagiging photo journalism kahit na wala akong kaalaman at karanasan sa pagkukuha ng litrato.
Unang ganap ko bilang isang photojournalist ay naganap noong Oktubre 7, 2024 kung saan dito na nagsimula ang aking ekspedisyon sa pagkakahilig sa photography, videography at video editor. Gagamitin ko na ang pagkakataon na ito upang pasalamatan ang isang tao "alam mo naman kung sino ka K" kung saan siya ay naging tulay upang mahanap ko ang aking hilig at aking tinatawag na "Buhay." Dahil ako ay baguhan, sobra akong napagod at pinatambay niya ako sa kanilang office para makapag pahinga.
At dahil ako ay newbie sa pagkukuha ng litrato o ng mga bidyo ay tanong ako nang tanong (oh diba feeling close ang tao) sakanila para magkaron ako ng bagong kaalaman. At dahil siguro sa aking pursigido at dedikasyon sa pagtatanong at sa 'king katiting na portfolio, ay kinuha ako ng isang Media Team sa Bulsu bilang isang videographer at photographer. Sinong mag aakala na tumambay ka lang naman sa kanilang office ay magiging isang member ka na!? HAHAHAHAHHA
Napakaraming pagsasanay, mga seminar, at practical exams ang isinagawa ng aking mga seniors upang kaming mga baguhan ay magkaroon ng kaalaman at matuto sa field ng media. At dumating na ang oras kung saan ako ay gaganap bilang isang videographer.
CAASUC III (2024) ito ang aking unang malaking event kung saan sobrang dami kong natutunan at nagkaroon ng mga masasayang memorya ang tumatak sa aking isipan. Ganito pala maging isang videographer. Nakakanuod ka ng mga performance o concerts sa harap na para bang isa kang VIP at nakukuhanan mo rin ito sa pamamagitan ng isang camera na iniipon ang istorya ng bawat performers. Sa loob ng isang linggong duty, punong puno ako ng mga memories at syempre hindi mawawala ang mga bagong kaalaman na hinding-hindi ko makakalimutan.
Hanggang ngayon, ay aking pinagpapatuloy ang aking ekspedisyon sa bago kong pangarap at mas lalo ko pa itong pagbubutihin para matuwa ang aking magulang, mga kaibigan, at ang aking sarili. Ako ngayon ay isa na sa main shooter sa Media Team at sobra akong proud sa aking sarili dahil hindi lang ang mga performers ang aking nakukuhanan kundi ang istorya rin ng aking buhay.
Iilang bahagi pa lamang ito ng buhay ko. Maraming Salamat sa pagbabasa.