05/08/2025
Kaugnay ng pagdiriwang ng ika-150 Anibersaryo ng Kapanganakan ng kauna-unahang Punong Lalawigan ng Bulacan at bayani ng Tirad Pass, Hen. Gregorio H. del Pilar, isasagawa ang isang historical tour na pinamagatang "GOYO@150: Panimula ng Landas ng Kabayanihan ni Goyo", ika- 6 ng Agosto 2025, 8:00 N.U. Magsisimula ang tour sa kaniyang bantayog sa parkeng ipinangalan sa kaniya sa harap ng Kapitolyo ng Bulacan.
Magsisilbing panimulang hakbang ang aktibidad na ito na magtatampok sa naging buhay at naging kabayanihan ni Goyo sa kaniyang lalawigan tungo sa mas malalim na pagkilala sa kaniyang pagkatao at papel sa kasaysayan ng Pilipinas.
Ang programang ito ay isasagawa sa pangunguna ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan-Panlalawigang Tanggapan ng Kasaysayan, Sining, Kultura, at Turismo, katuwang ang Bulacan Salinlahi, Central Luzon Tour Guides Association (CLTGA), Bulacan Association of Travel Agencies (BATA), at Pamahalaang Lungsod ng Baliwag.
Kaugnay ng pagdiriwang ng ika-150 Anibersaryo ng Kapanganakan ng kauna-unahang Punong Lalawigan ng Bulacan at bayani ng Tirad Pass, Hen. Gregorio H. del Pilar, isasagawa ang isang historical tour na pinamagatang "GOYO@150: Panimula ng Landas ng Kabayanihan ni Goyo" bukas, 6 Agosto 2025, 8:00 N.U. Magsisimula ang tour sa kaniyang bantayog sa parkeng ipinangalan sa kaniya sa harap ng Kapitolyo ng Bulacan.