22/08/2026
๐๐๐, ๐ฉ๐ช๐๐ค๐, ๐๐๐ก๐๐ ๐๐ฉโฆ ๐ก๐ช๐๐ค๐?
๐๐ด๐ช๐ฏ๐ถ๐ญ๐ข๐ต ๐ฏ๐ช ๐๐ณ๐ข๐ค๐ฆ๐บ ๐๐ข๐จ๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐จ
๐๐จ๐ช๐ฏ๐ถ๐ฉ๐ช๐ต ๐ฏ๐ช ๐๐ข๐ฉ๐ฏ๐ข ๐๐ณ๐ข๐ค๐ช๐ฆ๐ญ๐ญ๐ฆ ๐๐ญ๐ถ๐ฎ๐ฃ๐ข
Kaunting korapsyon at kaunting palpak na flood control projects na lang ay baka hindi lang mga paa, tuhod, at balikat ng mga Pilipino ang panghabangbuhay nang nakalubog sa baha, kundi buong Pilipinas na.
Sa tuwing may malakas na bagyong pumapasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR), katakot-takot ang bahang dinaranas ng mga Pilipino. Ang naging tugon ng pamahalaan dito ay ang pagpapagawa ng ๐ณ๐น๐ผ๐ผ๐ฑ ๐ฐ๐ผ๐ป๐๐ฟ๐ผ๐น ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐ท๐ฒ๐ฐ๐๐. Ayon sa ulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH) noong 2025, simula 2022 ay 545 bilyong piso na ang napuntang pondo para sa mga proyektong kontra baha. Nasa 9,855 naman ang mga flood control na naipagawa. Kaya lang, nakadidismayang karamihan sa mga ito ay mga marurupok na mga d**e at baradong kanal. ๐๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ป๐ผ๐ป๐ด, ๐ธ๐๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ป-๐๐ฎ๐ผ๐ป ๐ฝ๐ฎ ๐ฟ๐ถ๐ป๐ด ๐ฑ๐๐บ๐ฎ๐ฑ๐ฎ๐น๐ผ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐ฏ๐ถ๐ด-๐๐น๐ฎ๐ป ๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ผ๐ธ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐ป, ๐๐ฎ๐ฎ๐ป ๐ป๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ ๐ฑ๐๐บ๐ฎ๐น๐ผ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ป?
Noong nakaraang taon ay nakita mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang d**e sa Calumpit, Bulacan na gawa sa maninipis na semento. Sa halip na magamit ang d**eng ito bilang proteksyon laban sa pag-apaw ng tubig-ilog, nagdulot pa ito ng pangamba dahil tila kaunting hampas na lang ng alon ay maaari na itong magiba. Kung sakali mang ito ay gumuho, hindi kakayaning buuin itong muli gamit ang mga bigas na ipinamimigay sa mga nasalanta. ๐ ๐ฎ๐น๐ถ๐ป๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐๐ถ๐ฏ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐ป, ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ๐น๐ถ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ผ๐น๐๐๐๐ผ๐ป ๐ธ๐ฎ๐๐๐น๐ฎ๐ฑ ๐ป๐ด ๐ฎ๐๐๐ฑ๐ฎ.
Mabuti na lang at pagkatapos ng pagkahaba-habang panahong pagiging โ๐ง๐๐จ๐๐ก๐๐๐ฃ๐ฉโ at pagtitiis ng mga Pilipino sa perwisyong dala ng mga sablay na flood control systems, naisipan din ng pamahalaan na imbestigahan ito. Ayon sa Department of Finance (DOF), 118.5 bilyong piso ang nawawala sa kaban ng bayan taun-taon, simula 2022 hanggang 2025, nang dahil sa pambubulsa ng mga tiwali sa badyet na para sa mga proyektong pangontra sa baha. 20% ng pondo ay napunta sa 15 contractors, at nakahihiyang mayroong dalawang senador ang naaresto kaugnay sa anomalyang ito. Kawawang Pilipinas; hindi na nga gumiginhawa mula sa pinsala ng kalamidad, nanakawan pa ng mga gahaman.
Sa kabila ng imbestigasyon na ngayon ay paunti-unti na ring binabaon sa limot, muli namang sinubok ang pagiging โmatatagโ ng mga Pilipino nang pumasok sa bansa ang bagyong Luis at Maymay ngayong buwan ng Agosto 2026. ๐๐ฎ๐๐ป๐๐ถ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐น๐ฝ๐ฎ๐ธ ๐ป๐ฎ ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐๐ฒ๐ธ๐๐ผ ๐ป๐ฎ ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐ ๐ฏ๐ฎ๐ธ๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ฟ๐ผ๐ผ๐ป ๐ป๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐น๐ถ๐ธ๐ฝ๐ถ๐ธ ๐ธ๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ถ๐๐ฑ๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ธ๐ฎ๐น๐๐น๐๐๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฎ ๐น๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐-๐๐๐ต๐ผ๐ฑ ๐ป๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐ต๐ฎ. Ang nakababahala nga ay mayroon nang mga bahagi ng bansa ang nagdeklara ng ๐จ๐ฉ๐๐ฉ๐ ๐ค๐ ๐๐๐ก๐๐ข๐๐ฉ๐ฎ, kabilang ang ilang parte ng Bulacan at Pampanga.
Dagdag pa riyan, maging ang edukasyon ay apektado sa sakit ng ulo na dala ng mga sirang proyekto. Batay sa ulat ng Kagawaran ng Edukasyon, 134 na paaralan ang ginawang evacuation center ngayong buwan. Marami rin ang mga eskwelahan na nagmistulang fishpond na sa lalim ng tubig-baha, kaya naman nagtuloy-tuloy rin ang pagkansela ng pasok. Kaawa-awa ang sektor na ito dahil may krisis na ngang kinahaharap bago pa ang bagyo, may dagdag pang perwisyong dapat solusyunan pagkatapos.
๐๐ฎ๐๐ฎ ๐ป๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป, ๐ธ๐ฎ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป ๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ถ๐ป ๐ป๐ด ๐ด๐ผ๐ฏ๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐๐ผ ๐ฎ๐ ๐ฟ๐ฒ๐บ๐ฒ๐ฑ๐๐๐ต๐ฎ๐ป ๐ป๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ถ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด ๐ณ๐น๐ผ๐ผ๐ฑ ๐ฐ๐ผ๐ป๐๐ฟ๐ผ๐น ๐๐๐๐๐ฒ๐บ upang sa susunod na pagpasok ng malakas na bagyo sa PAR ay hindi na mamroblema pa ang mga Pilipino. Gamitin nang maayos ang badyet. Linisin ang mga baradong drainage systems at ayusin ang mga maninipis na d**e. Marapat ding paigtingin pa ang imbestigasyon tungkol sa mga palpak na proyektong ito dahil ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ป๐ฎ๐ด๐ฑ๐ถ๐ฑ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด-๐ถ๐๐ฑ๐ฎ ๐ป๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ ๐ฑ๐ฎ๐ต๐ถ๐น ๐๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐ต๐ฎ ๐ต๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฏ๐๐๐ฎ๐๐ฎ ๐ฎ๐ ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ฝ๐ฎ ๐ฟ๐ถ๐ป ๐น๐๐บ๐ถ๐น๐ถ๐๐ฎ๐ ๐บ๐๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ป๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐น๐๐ป๐ด๐ด๐ฎ.
โ๐๐๐, ๐ฉ๐ช๐๐ค๐, ๐๐๐ก๐๐ ๐๐ฉโฆ๐ก๐ช๐๐ค๐. ๐๐๐, ๐ฉ๐ช๐๐ค๐, ๐๐๐ ๐๐ฉ ๐๐ ๐ก๐ช๐๐ค๐?โ Bakit nga ba patuloy pa ring nakababad ang mga Pilipino sa mga bahang maaari namang mapigilan gamit ang maaayos na flood control system? Bakit nga ba patuloy pa ring nilulunod ang mga Pilipino sa ideyang sila ay โresilientโ? Karapatan ng mga mamamayan na malaman kung sino-sino pa ang mga salarin sa walang-tigil na pagbaha sa bansa. Kaya naman, huwag pahintulutang mabaon sa mga baradong kanal ang isyu ng mga palpak na flood control system. ๐ฃ๐๐ธ๐๐ฎ๐ถ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ผ๐ฟ๐ฎ๐ฝ๐๐๐ผ๐ป ๐ฑ๐ฎ๐ต๐ถ๐น ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐ป๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ด๐น๐๐น๐๐ฏ๐ผ๐ด ๐๐ฎ ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ ๐ฎ๐ ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐ต๐ฎ, ๐ฝ๐ฎ๐๐ถ ๐ธ๐ฎ๐๐ถ๐๐ฎ๐น๐ถ๐ฎ๐ป.