21/06/2026
SUBHANALLAH Grabe mga manusiyah yan ๐ฅบ
PULIS, BINARIL HABANG NAGDARASAL ||| Pulis, patay matapos barilin habang nagdarasal sa loob ng mosque sa Madamba, Lanao del Sur
MADAMBA, LDS โ Patay ang isang miyembro ng Philippine National Police (PNP) matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek habang abala sa pagdarasal sa loob ng isang mosque sa Barangay Uyaan Proper, Madamba, Lanao del Sur nitong gabi ng Hunyo 20, 2026.
Kinilala ang biktima na si PCMS Alioden M. Sarangani, isang pulis na nakatalaga sa Madamba Municipal Police Station (MPS) at residente ng Barangay Tungantungan, Madalum, Lanao del Sur.
Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong 7:42 ng gabi. Nakatanggap ng impormasyon ang Madamba MPS hinggil sa naganap na pamamaril sa nasabing lugar. Agad namang rumesponde ang mga awtoridad, subalit natagpuan na lamang ang duguang katawan ng biktima sa loob ng mosque.
Ayon sa paunang pagsisiyasat, binaril ang biktima habang ito ay nasa gitna ng kanyang pagdarasal. Mabilis namang tumakas ang suspek patungo sa hindi pa malamang direksyon matapos ang krimen.
Sa isang pahayag, kinumpirma ni Police Regional Office (PRO) BAR Spokesperson Captain Steffi Salanguit ang insidente at tiniyak na ginagawa na ng pulisya ang lahat ng makakaya upang mabigyan ng hustisya ang biktima.
"Patuloy ang masusing imbestigasyon ng Madamba MPS upang matukoy ang motibo sa likod ng pamamaril at makilala ang suspek. Kasalukuyan na ring nagsasagawa ng hot pursuit operation ang ating mga tauhan para sa agarang pag-aresto sa salarin," ani Captain Salamguit.
Sinabi pa ni Captain Salanguit na inatasan na rin ang intelligence network ng Madamba MPS na mag-ikot at kumuha ng mahahalagang impormasyon na makakatulong sa pagresolba ng kaso at sa paghahain ng kaukulang demanda laban sa suspek.
Samantala, kinuha na ng mga pamilya ng biktima ang kanyang mga labi para sa kagyat na paglilibing alinsunod sa mga ritwal at tradisyong Muslim. (END)