10/07/2026
๐ ๐๐ฌ๐ข๐ฅ ๐๐๐๐ฆ๐๐ฅ ๐ฆ. ๐๐๐ง๐๐ ๐๐ก ๐๐ก๐ ๐ง๐๐ ๐๐ก๐ง๐๐ฅ๐ ๐ ๐จ๐ก๐๐๐๐ฃ๐๐๐๐ง๐ฌ ๐ข๐ ๐ ๐๐๐จ๐ฆ๐ข ๐๐ซ๐ง๐๐ก๐ ๐ง๐๐๐๐ฅ ๐๐ข๐ก๐๐ฅ๐๐ง๐จ๐๐๐ง๐๐ข๐ก๐ฆ ๐ง๐ข ๐๐ก๐๐ฅ. ๐๐๐ก๐๐๐ ๐ฅ๐ข๐ก๐๐ ๐. ๐๐จ๐๐ฉ๐๐ฆ, ๐ ๐ฃ๐, ๐ข๐ก ๐๐๐ฆ ๐๐ฃ๐ฃ๐ข๐๐ก๐ง๐ ๐๐ก๐ง ๐๐ฆ ๐๐๐ฆ๐๐๐๐ก ๐๐๐ฆ๐ง๐ฅ๐๐๐ง ๐๐ก๐๐๐ก๐๐๐ฅ
Malugod na binabati ni Mayor Kaiser S. Hataman, kasama ang buong Pamahalaang Bayan ng Maluso, si Engr. Alnaif Ronie Abunawas Cuevas, MPA, sa kanyang pagkakatalaga bilang Bagong District Engineer ng Basilan District Engineering Office.
Ang mahalagang tungkuling ito ay patunay ng kanyang dedikasyon, kakayahan, at matapat na paglilingkod sa sambayanan. Nawa'y magsilbi ang kanyang pamumuno bilang daan sa mas maayos na pagpapatupad ng mga proyektong pang-imprastraktura at higit pang pag-unlad ng lalawigan ng Basilan.
Taos-puso rin ang aming pasasalamat kina Vice Governor Jim Hataman-Salliman at Chief Minister Abdulraof A. Macacua sa kanilang patuloy na suporta at pagtitiwala sa mga lider na may kakayahan at malasakit sa paglilingkod para sa Bangsamoro.
Muli, congratulations, Engr. Cuevas! Nawa'y pagpalain ka ng Allah (SWT) sa iyong bagong tungkulin at gabayan sa patuloy na paglilingkod para sa kapakanan ng sambayanang Basieรฑol at ng buong Bangsamoro.
Mabuhay ka, at mabuhay ang Basilan!