
25/07/2025
Kon. Ramirez at Rotary Club of Mamburao Central, Naghatid ng Tulong sa mga Evacuation Site
Mamburao, Occidental Mindoro — Kasama ang mga kasapi ng Rotary Club of Mamburao Central, personal na naglibot si Konsehal Mel Ramirez sa ilang evacuation sites upang maghatid ng pagkain at lugaw sa mga residenteng naapektuhan ng bagyo.
Ayon kay Ramirez, patuloy ang koordinasyon sa mga non-government organizations (NGOs) at mga pribadong indibidwal upang mapalawak pa ang abot ng kanilang tulong. Layunin ng inisyatibo na makapagbigay ng mas maraming suporta sa mga nangangailangan sa gitna ng kalamidad.
Ang aktibidad ay bahagi ng mas malawak na partisipasyon ng mga pribadong grupo upang matugunan ang pangangailangan ng mga apektadong komunidad.
_____
Source: Kap Mel Ramirez