18/01/2025
Mga Mag-aaral ng G12, dumalo sa Pre-immersion Seminar
Paghahatid ng kaalaman sa mga praktikang propesyunal ang layon ng idinaos na Pre-Immersion Seminar para sa mga mag-aaral ng Baitang 12 kahapon, Enero 16, 2025 sa Open Gymnasium ng OMNHS.
Sinimulan ang naturang palihan sa pag-awit ng Lupang Hinirang, sinundan ng panalangin at pambungad na pananalita ni Marivel V. Aguda, EdD, DHum, Punongg**o IV.
Tinalakay ng unang tagapagsalita na si Micaela G. Panopio, CHRA, ang tungkol sa Work Ethics. Pinag-usapan sa bahaging ito ang kahalagahan ng Work Ethics at mga propesyonal na pagkilos sa loob ng trabaho. Kasunod nito ay ang pagbabahagi ng kaalaman ni Jihadee G. Tadalan na nagbigay ng ideya sa paksa na Health and Safety Protocols, partikular sa kung paano natin mapananatili ang ligtas na kapaligiran sa oras na magsagawa ng Work Immersion. Pagkatapos nito ay nagtanghal ng pampasiglang bilang na pag-awit ang mag-aaral mula sa STEM 12-2 na si Xi-Louise Z. Sotto.
Sa pagpapatuloy ng programa, tinalakay naman ni Kristent Leo D. Tuscano, Katuwang na Punongg**o II, ang paksang Memorandum of Agreement. Bahagi ng naging talakayan ang mga bagay na karapatan at 'di karapatan ng isang estudyante sa pagitan ng organisasyon ng kompanyang kinabibilangan niya. Nagbigay testimonya naman si Harriet C. Alfaro, sa kanyang mga karanasan sa kanyang naging work immersion noong siya ay mag-aaral pa lamang. Ilan naman sa kaniyang mga ibinahaging kaalaman ay ang 3Ps, Preparedness, Persevere, at Progress.
Ipinagpatuloy ang palihan pagkatapos ng pananghalian. Sa pagsisimula muli ay nagbahagi naman ng kaalaman sa pagsulat ng Application Letter at Resume si Rexel S. Tuscano, Executive Assistant IV. Binigyang-diin niya na ang mga impormasyong nararapat malaman ng mga mag-aaral sa paggawa ng nasabing paksa. Sinundan naman ito ng isa pang pampasiglang bilang na pinangunahan ni Ezer Troy Balquin, ABM 12-1.
Muling nagpatuloy ang programa sa paghahatid ng kaalaman sa katauhan ni Hon. Leonard M. Almero, Kapitan ng Brgy. Payompon. Sa bahaging ito, tinalakay niya ang tamang proseso ng pagkuha at pagpapagawa ng Barangay Certification at Cedula. Sinundan naman ito ng huling tagapagsalita na si PEMS Maria Eliza C. Palabay na nagbahagi ng paksang may kaugnayan sa pagproseso ng Police Clearance, kung saan ibinahagi sa mga mag-aaral ang sunod-sunod na hakbang sa pagkuha ng Police Clearance gamit ang teknolohiya.
Bilang pagtatapos, nag-iwan ng pangwakas na pananalita ang Katuwang na Punongg**o na si Kristent Leo D. Tuscano, Punongg**o II.
Iniulat ni: Matt Reneil M. Navarro | Punong Patnugot
Kuha nina:
Beryl Anne A. Ong | Tagakuha ng larawan
Jewel Elaiza Czarina Bon | Patnugot sa Lathalain
Jake Laurence E. Rivero | G**o II