13/04/2025
Huwag ninyong lokohin ang taumbayan sa mga proyektong kunwari'y binili pero hindi naman nagamit. Kung bibili rin lang kayo ng mga makinang pangkalusugan, sana yung MODERNO na, hindi ANALOG! Nagpatayo kayo ng mga gusali para sa PWD at senior citizens, pero bakit naman napakalayo sa kabihasnan? Oo nga’t may X-ray at dialysis machines, pero bakit ANALOG at hindi kilalang brand? Ikaw ba, ilalagay mo sa panganib ang mahal mo sa buhay gamit ang hindi kilalang makina?
May X-ray machine nga, pero walang radtech? May dialysis machines na analog, pero walang nephrologist o trained renal nurses? Magkano ang ginastos sa mga makinang yan na halatang hindi pinag-isipan? SAYANG! Kung tunay ninyong layunin ang maglingkod sa mamamayan, bakit hindi QUALITY na serbisyo ang ibigay?