
11/07/2025
When Viy Cortez once said…
“babawi ako sa sarili ko next time, ngayon para sa anak ko muna lahat”
Pag naging mother ka na, ang dami talagang sacrifices. Lalo pag mommy ka, nakakaoverwhelm.
• Andun yung stress seeing how your physical appearance changes…
• Yung sunod-sunod na puyat- literal na cravings ka talaga sa tulog.
• Anxiety kasi every now and then kakabahan ka.
“humihinga ba si baby?” , “nilalagnat ba?”, “baka my lamok!” …
• Tadtad yung schedules mo for Pedia visits, paaraw kay baby, padede…
Ah basta! madaming- madami pa!
Nasan yung para sa sarili?
Halos wala talaga sa schedule…
Kasi lahat - para sa anak muna…
Pero, relax lang.
One at a time.
Eto ngang napakayaman na, naging haggard din. Tayo pa kaya??
Siguro sasabihin nung iba “may pera”.
Hindi yun yung point…
Deserve kasi natin!
Deserve nating mga nanay bumawi sa sarili natin.
Kailangan natin yun!
Hindi man ngayon, o soon, pero pag may pagkakataon - bumawi ka!
Kung yung paraan ng pagbawi mo e matulog buong araw - go!
Kumain ng ramen? - go!
Magparebond? -go!
"Wag mong hayaang maneglect ng maneglect sarili mo, kasi mauubos ka!"
May anak kang kailangan ka ng buong- buo. Maski sila magiging masaya pag nakikita nilang masaya at in good mood nanay nila.