17/09/2026
| Personal na hinatid ng Sangguniang Kabataan ng Addition Hills sa pangunguna ni SK Chairman JV Hoseña ang handheld metal detectors sa limang paaralan sa Barangay Addition Hills ngayong Huwebes, Setyembre 17.
Kabilang sa mga paaralang nakatanggap nito ang Addition Hills Integrated School (AHIS), Andres Bonifacio Integrated School (ABIS) Main at Senior High School, Jose Fabella Memorial School (JFMS), at Mandaluyong Addition Hills Elementary School (MAHES).
Layunin ng hakbang na makatulong sa pagpapatibay ng seguridad sa mga paaralan.
Bahagi rin ito ng pakikiisa ng SK Addition Hills sa pagpapanatili ng ligtas at maayos na learning environment para sa mga mag-aaral.
Inaasahang makatutulong ang mga handheld metal detector sa mas maayos na pagsusuri sa mga pumapasok sa paaralan at sa maagap na pagtukoy sa mga bagay na maaaring magdulot ng panganib, bilang dagdag na hakbang para sa kaligtasan ng mga estudyante, g**o at school personnel.