Mommy Kitya and Family

Mommy Kitya and Family Family Vlog || Creative ideas || Parenting
DIY || Food || Shoppee Finds || minivlog
(9)

BURPING IMPORTANTE BA⁉️Huwag na huwag kakalimutan na ipa-burp si baby lalo na sa mga 0-5 months na baby pagkatapos nilan...
24/09/2025

BURPING IMPORTANTE BA⁉️
Huwag na huwag kakalimutan na ipa-burp si baby lalo na sa mga 0-5 months na baby pagkatapos nilang demede..

✅️ Bakit kailangang i-burp si baby?

Habang sumususo ng gatas o umiinom si baby sa bote ng gatas nakakalunok din si baby ng hangin. Ang hangin na ito ay kailangang mailabas para:

✅️ Maiwasan ang kabag
✅️ Hndii sumuka si baby
✅️ Maging komportable ang tiyan ni baby

Maraming burping positions na puede nating gawin

✅️ APPROVED BURPING POSITIONS:

▪️Over the shoulder
-tapikin si baby ng dahan-dahan

▪️Sitting upright on your lap
-support neck, tapik sa likod

▪️Face down sa lap mo
Legs mo naka criss-cross, then support sa ulo

⏰️Ang pagpapaburp ay puedeng tumagal ng 5-10 minutes at kung minsan ay mas mahaba pa.Kapag hindi dumighay si baby ang importante naka-upright position siya ng at least 30 mins pagkatapos na dumede.Tiyagaan lang talaga mga mommy!


10 Bagay na Normal lang sa mga bagong silang na sanggol
15/09/2025

10 Bagay na Normal lang sa mga bagong silang na sanggol

AWARENESS‼️Mga bagay na bawal gawin sa newborn (lalo na sa unang 0–3 buwan):✅1. Huwag hahalikan ang baby sa mukha o k**a...
14/09/2025

AWARENESS‼️
Mga bagay na bawal gawin sa newborn (lalo na sa unang 0–3 buwan):

✅1. Huwag hahalikan ang baby sa mukha o k**ay.
• Delikado sa sakit, lalo na ang sipon, ubo, at herpes.
• Ang immune system nila ay sobrang hina pa.

✅2. Bawal ang maraming unan at stuff toys sa crib ni baby.
• Walang unan, stuffed toys, maluwag na kumot — risk ng SIDS (Sudden Infant Death Syndrome).
• Flat, firm mattress lang at well-fitted na bedsheet.

✅3. Bawal paliguan araw-araw.
• 2–3x a week lang ang full bath.
• Madaling mag-dry ang balat ni baby.

✅4. Huwag pababayaan sa k**a magisa, kahit saglit lang.
• Isang iglap lang, pwedeng malaglag.
• Laging may bantay kapag wala sa crib.

✅5. Huwag painumin ng tubig.
• Sa unang 6 na buwan, gatas lang — breastmilk or formula.
• Tubig sa sobrang aga = electrolyte imbalance (delikado sa kidneys).

✅6. Bawal ang pabango, powder, at lotion na hindi pang-baby.
• Ang balat ng newborn ay sobrang sensitibo.
• Baka magka-allergy, rashes, o hika.

✅7. Huwag iexpose sa
madaming tao.
• Mas maraming tao = mas maraming bacteria.
• Limitahan ang hawak-hawak at daldalan, lalo na kung may ubo o sipon.

✅8. Huwag padedede habang nakahiga nang tulog si nanay.
• Risk ng pagkatakip sa baby (positional asphyxiation).
• Dapat gising at alert si nanay kapag nagpapasuso kay baby

Good evening 84K followers!
13/09/2025

Good evening 84K followers!


Kapag nanay ka na masasabi mo talagang sana “ako” na lang ang maysakit huwag lang ang aking anak. Mahirap matulog kapag ...
11/09/2025

Kapag nanay ka na masasabi mo talagang sana “ako” na lang ang maysakit huwag lang ang aking anak. Mahirap matulog kapag alam mong maysakit ang anak mo, di ka mapakali laging nag-iisip.

Salamat Panginoon ok na si baby Czyden Wala na siyang lagnat❤️🙏

Kawawa naman ang Baby Czyden namin..Nilalagnat dahil sa bakuna niya,, konting tiis lang anak para sayo din yan..        ...
10/09/2025

Kawawa naman ang Baby Czyden namin..Nilalagnat dahil sa bakuna niya,, konting tiis lang anak para sayo din yan..

Goodnight 83K Followers❤️
09/09/2025

Goodnight 83K Followers❤️

Happy Birthday Dadi Eric and Kuya Darren🎂Kahit Wala man tayong magarbong handa yung  makita  ko lang na masaya tayo at w...
06/09/2025

Happy Birthday Dadi Eric and Kuya Darren🎂
Kahit Wala man tayong magarbong handa yung makita ko lang na masaya tayo at walang mga sakit super blessed na rin talaga❤️ Thank You Lord🙏
Salamat Kuya ni Czedric sa pa birthday cake

Yung gusto lang niya ay nakakababad ang dede ko sa bibig niya, tapos kapag tinanggal iiyak
03/09/2025

Yung gusto lang niya ay nakakababad ang dede ko sa bibig niya, tapos kapag tinanggal iiyak

Good morning Baby Czyden❤️Antok pa yata ang Bebe namin kahit kakagising lang
03/09/2025

Good morning Baby Czyden❤️
Antok pa yata ang Bebe namin kahit kakagising lang

AWARENESS‼️Grabe, SCAM BA ITO??meron po ba sa inyo naka-experience nito?Bigla na lang nag-deduct sa gcash ni Dadi Eric, ...
02/09/2025

AWARENESS‼️
Grabe, SCAM BA ITO??
meron po ba sa inyo naka-experience nito?
Bigla na lang nag-deduct sa gcash ni Dadi Eric, Wala namang subscription si dadi eruc sa phone niya sa kahit anong app. Grabe 899 pesos pa naman..hindi tuloy nakapasok sa iskul mga anak ko dahil dito, yung kinita ni dadi Eric sa magdamag niyang pagbiyahe sa grab napunta lang dito😔Sa mga naka experience po nito, pashare naman po kung ano ginawa nyo para marefund yung pera sa jikass.

Tulog now, sigurado Puyatan later😓
01/09/2025

Tulog now, sigurado Puyatan later😓

Address

Mandaluyong
1550

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mommy Kitya and Family posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Mommy Kitya and Family:

Share