10/12/2025
Mama & Papa 42years of Marriage
December 10, 1983
Mama and Papa, Para sa inyo ito.
Ano ba talaga ang sikreto ng isang matibay na pagsasama? Hindi sa tagal ng panahon, hindi sa masasayang memories na ipinapakita sa social media, kundi sa silent battles na sila lang ang nakakaalam.
Yung patuloy na pagpili sa isa't-isa kahit sa pinakamadilim na araw ng buhay.
Ito ang totoong kwento ng mga magulang namin. ❤️
Hindi kami mayaman, hindi rin naman sobrang rangya ang buhay namin tulad ng iba. Pero dumarating ang pagsubok na susukat sa tunay na pagmamahalan.
Lumaki din kami sa hirap ng buhay.
Nauubusan ng pera, nawalan din ng trabaho si Papa na hindi mo alam kung paano itatawid ang buong araw, lalo na’t nung dumating sa pagkakataon na nasa college na ang mga kapatid ko at 4th year high school naman ako.
Hindi ito once lang nangyari, at naulit after 5 years, parang bilis ng ikot ng gulong ng buhay!
May mga away na akala mo, tapos na. Ayun na ang katapusan. Pero sobrang proud ako sa inyo, Ma & Pa. Sa rurok ng kahirapan, walang wala ka na, pero sasamahan ka ng taong mahal mo. Sasabayan ka sa laban, kahit isa lang ang maipanalo.
Dadamayan ka sa anumang gulo ng mundo,
at patuloy na Pipiliin ang isat-isa kahit na alam mong walang wala na kayo.
Literal na, “Ama kayo na po ang bahala sa pamilya ko”.
Hindi kayo perfect sa paningin ng iba, pero yung silent battles na kami lang na inyong pamilya ang nakakaalam? Yun ang tunay na lakas niyo.
Sobrang proud ako at kaming magkakapatid sa inyong dalawa! I love you with all my heart.
Sikreto nila:
““I still choose you. today, tomorrow, and every day for the rest of my life.”