29/01/2025
Habang tumatagal, mas nararamdaman kong hindi mo talaga ako minahal.
Na ang lahat ng pakikitungo mo sa akin simula noong umpisa ay sapilitan langβdahil ako βyong na diyan. Ako βyong madaling lapitan tuwing wala kang masilungan. Ganoβn naman palagi ang eksena. Ganoβn pala ang ambag ko sa buhay ng mga taong nakikilala ko. Darating sila sa buhay ko para saluhin ko lang ang mabibigat nilang pasanin βtapos sa dulo, iiwan lang ako.
Katulad mo.
Iniwan mo lang ako.
Pagkatapos kitang mahalin nang totoo, bigla kang nagbago. Hindi ko alam kung saang banda ako nagkulang, samantalang ibinuhos ko ang lahat sa βyoβoras at pag-ibig ko. Halos pati pagtulog ko ay naisasakripisyo ko para lang makinig sa mga kuwento mo. Tinanggihan ko nang maraming beses ang pagdalaw ng antok ko dahil ayokong maramdaman mong walang nakikinig sa βyo. Araw-araw, sinusuportahan ko ang mga gusto mo.
Pero, noong minsang ako naman ang mangailangan ng presensiya mo, kahit isang minuto ay hindi mo maibigay. At doon ko napagtantong hindi mo talaga ako minahal. Mahal mo lang βyong mga bagay na ginagawa ko para sa βyo. Mahal mo lang βyong ideyang mahal kita.
Pero, hindi mo minahal βyong akoββyong buong ako.
----
βοΈ Author ABBA / Angelika Bianca Bernardo Aquino | 2025
πFollow my 2nd writing tambayan: mga sulat sa tabi-tabi at ayoko pang umuwi
----
π πβπ π’π£ππ‘ ππ’π₯ πͺπ₯ππ§ππ‘π ππ’π π ππ¦π¦ππ’π‘π¦. πππ§ π π πͺπ₯ππ§π ππ’π₯ π¬π’π¨. I can write special poems, love letters, stories, speech, essays, spoken word poetry, reflection papers, and other write-ups for all events. πππ₯π π π. ππ¨π¦π§ π ππ¦π¦πππ π π πππ₯π: https://www.facebook.com/angelikabiancab.aquino