31/07/2025
BE AWARE!! SCAM ALERT!
STORY TIME
This number called me habang medyo busy sa work sinagot ko baka importante, nagpakilala sya pero hindi ko naintindihan ang pangalan kasi medyo mabilis ang pagsasalita sabi nya isa daw ako sa napili na mapadalhan ng Travel Priviledge card blah blah inexplain yung mga discounts and perks (40% discount on all hotel and airfare both international and domestic) tinanong ko kung anong merchant sila and anong company may binanggit sya pero hindi ko ulit naintindihan then sabi nya lahat daw ng may visa and mastercard pwedeng mapili mapadalhan ng limited offer nila inulit ko kung affiliated ba sila ng bank sabi lahat daw ng bank🫣, so medyo off na, then yung mga perks and discount medyo too good to be true so habang salita sya ng salita nagsesearch ako regarding sa priviledge card eme 😂. Then merong discussion sa Reddit same spiel and madami ang nascam so tinanong ko what if ayaw ko dahil wala naman ako inapplyan or sinalihan na ganung promo 😜ang sabi hindi daw pwede icancel kasi for delivery na and may one time payment na 7,588 pwedeng installment daw natatawa na lang ako kasi same dun sa binabasa ko which is yung iba nabudol nila na pag dineliver ang card may dalang POS tapos ipapaswipe ang CC mo then goodbye 7k plus. Luckily nabasa ko kaya sabi ko hindi ako magaavail and dadahin na daw ang card no cancellation daw then binaba ko ang call. Tumatawag ulit same number pero hindi ko na sinagot 🤣 waste of time. Pero sa nabasa ko parang na hipnotize daw sila pag bigay daw sa kanila ng card nagswipe naman sila ng cc nila 🤯 and late na daw nila nabasa yung discussion sa reddit. Wayback 2 years pa yung iba so ibig sabihin madami na sila nabiktima.
Grabe lang yung mga scammer ang dami nilang nabiktima kaya guys please be vigilant sa mga tumatawag and nagaalok ng kung ano ano. Nakakapagtaka lang alam nila ang name and address which is magtataka ka saan nila nakukuha. For awareness lang sana wala na sila mabiktima.