Ang Silangan and The East Chronicle

Ang Silangan and The East Chronicle The Official School Publications of the Mataas na Paaralang Neptali A. Gonzales Diaz, principal. In 2001, publication adviser in English is Mr. Charmaine Ferrera.

The East Chronicle and Ang Silangan published its first issue in 2000 under Dr. Evangelina A. Ramon Belardo, Jr., EPS in English. While in Filipino is Ms. Teresita Alcantara and currently Mrs. In 2023, The East Chronicle and Ang Silangan launched their online news publication.

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | Dahil sa patuloy na pag-ulan at banta ng masamang panahon, opisyal nang inanunsyo ni Department of the Interio...
25/08/2025

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | Dahil sa patuloy na pag-ulan at banta ng masamang panahon, opisyal nang inanunsyo ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary, Jonvic Remulla, ang suspensyon ng pasok sa lahat ng antas ng paaralan, pampubliko man o pribado pati na rin ang trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno kabilang ang Lungsod ng Mandaluyong sa Martes, Agosto 26, 2025 alinsunod sa anunsyo na inilabas ng DILG Philippines: https://www.facebook.com/100064641973939/posts/pfbid02Uqk8HFYU6fodzBi2G6veafuV9AQP9RqKfDP2w5ihF2Vov2NLECuFEb4Sdo8AzUXwl/?app=fbl

โœ’๏ธVhade Laurent Cordova

๐™†๐™–๐™ฉ๐™ค๐™ฉ๐™ค๐™๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ, ๐™ ๐™–๐™ง๐™–๐™ฅ๐™–๐™ฉ๐™–๐™ฃ - ๐˜ฝ๐™ค๐™จ๐™š๐™จ ๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™ž๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ฃ
๐™‘๐™š๐™ง๐™–๐™˜๐™ž๐™ฉ๐™ฎ ๐™ž๐™ฃ ๐™€๐™ซ๐™š๐™ง๐™ฎ ๐˜ฟ๐™ž๐™ง๐™š๐™˜๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ

๐ˆ๐‚๐˜๐Œ๐ˆ | Binuksan na ang oportunidad para sa mga  babaeng mag-aaral na may angking galing, lakas, at talento sa larangan ...
15/08/2025

๐ˆ๐‚๐˜๐Œ๐ˆ | Binuksan na ang oportunidad para sa mga babaeng mag-aaral na may angking galing, lakas, at talento sa larangan ng badminton noong Agosto 12 sa Senior High School Gym.

Ayon kay Ginang Jennifer Olea, Head Coach ng Badminton Girls, ang isinagawang tryout ay magsisilbing daan upang matukoy ang mga potensyal na manlalaro na maaaring magsanay at sumabak sa mga darating na kompetisyon.


๐™‘๐™š๐™ง๐™–๐™˜๐™ž๐™ฉ๐™ฎ ๐™ž๐™ฃ ๐™€๐™ซ๐™š๐™ง๐™ฎ ๐˜ฟ๐™ž๐™ง๐™š๐™˜๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ
๐™†๐™–๐™ฉ๐™ค๐™ฉ๐™ค๐™๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ, ๐™ ๐™–๐™ง๐™–๐™ฅ๐™–๐™ฉ๐™–๐™ฃ - ๐˜ฝ๐™ค๐™จ๐™š๐™จ ๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™ž๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ฃ

Balita ni Lara Balase
Larawan ni Shanice Panaglima

(Bilang pagdiriwang sa Buwan ng Wika, lahat ng balita ay ihahayag sa wikang Filipino.)

๐ˆ๐‚๐˜๐Œ๐ˆ | MPNAG Arnis Team, Naghahanda para sa nalalapit na PalaroSinimulan na ng MPNAG Arnis Team ang kanilang masusing p...
09/08/2025

๐ˆ๐‚๐˜๐Œ๐ˆ | MPNAG Arnis Team, Naghahanda para sa nalalapit na Palaro

Sinimulan na ng MPNAG Arnis Team ang kanilang masusing paghahanda para sa nalalapit na Palarong Pandistrito sa pamamagitan ng isang matinding sesyon ng pagsasanay na isinagawa sa JHS Gymnasium noong Miyerkules, Agosto 6.

Layunin ng pagsasanay na hasain ang kasanayan, paghusayin ang teknik, at patibayin ang pisikal at mental na katatagan ng mga atleta bilang paghahanda sa darating na kompetisyon. Pinangunahan ni Ginoong Geryl Agus, katuwang ang mga tagapagsanay, ang serye ng ehersisyo at pagsubok sa kakayahan ng mga kalahok upang matiyak na nasa pinakamainam silang kondisyon para sa paligsahan.


๐™‘๐™š๐™ง๐™–๐™˜๐™ž๐™ฉ๐™ฎ ๐™ž๐™ฃ ๐™€๐™ซ๐™š๐™ง๐™ฎ ๐˜ฟ๐™ž๐™ง๐™š๐™˜๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ
๐™†๐™–๐™ฉ๐™ค๐™ฉ๐™ค๐™๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ, ๐™ ๐™–๐™ง๐™–๐™ฅ๐™–๐™ฉ๐™–๐™ฃ - ๐˜ฝ๐™ค๐™จ๐™š๐™จ ๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™ž๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ฃ

Balita ni Kriziah Degamo
Isinalin ni John Michael Jayag
Larawan ni Shanice Panaglima

(Bilang pagdiriwang sa Buwan ng Wika, lahat ng balita ay ihahayag sa wikang Filipino.)

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | Opisyal nang sinimulan ng Boys Sepak Takraw Team ng Mataas na Paaralang Neptali A. Gonzales ang paghahanap sa ...
06/08/2025

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | Opisyal nang sinimulan ng Boys Sepak Takraw Team ng Mataas na Paaralang Neptali A. Gonzales ang paghahanap sa mga mag-aaral na may talento, interes, at determinasyong maging bahagi ng kanilang koponan ngayong taon.

Sa pangunguna ng kanilang masigasig na coach, Ginoong Seph Limos, isinagawa ang unang bahagi ng tryouts kung saan hinimok ang mga estudyanteng nais matutuhan o mapaunlad ang kanilang kakayahan sa nasabing isport.

Layunin ng koponan na makabuo ng isang matatag at disiplinadong grupo na handang makipaglaban sa mga darating na paligsahan at dala ang dangal ng paaralan.

Samantala, bukas ang koponan para sa mga baguhan at beteranong manlalaro na may pusong palaban at handang sumailalim sa matinding pagsasanay.

โœ’๏ธ Jude Abaรฑo
๐Ÿ“ธ Romer Ysidore Sapa, Kandra Fresnido


๐™†๐™–๐™ฉ๐™ค๐™ฉ๐™ค๐™๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ, ๐™ ๐™–๐™ง๐™–๐™ฅ๐™–๐™ฉ๐™–๐™ฃ - ๐˜ฝ๐™ค๐™จ๐™š๐™จ ๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™ž๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ฃ
๐™‘๐™š๐™ง๐™–๐™˜๐™ž๐™ฉ๐™ฎ ๐™ž๐™ฃ ๐™€๐™ซ๐™š๐™ง๐™ฎ ๐˜ฟ๐™ž๐™ง๐™š๐™˜๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | Sa layuning palawakin ang kaalaman at linangin ang disiplina ng mga kabataang lider sa tamang paggamit ng maka...
06/08/2025

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | Sa layuning palawakin ang kaalaman at linangin ang disiplina ng mga kabataang lider sa tamang paggamit ng makabagong teknolohiya, isinagawa ang seminar na โ€œKLIKBAIT: Knowledgeable Leaders Instilling Kindness: Building Accountability in Technologyโ€ ngayong Miyerkules, Agosto 6, sa ganap na ika-siyam ng umaga, sa Junior High School (JHS) Gymnasium.

Pinangunahan ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) ang naturang seminar na dinaluhan ng mga Homeroom Presidents at Club Presidents mula sa ibaโ€™t ibang baitangโ€”mga kinikilalang lider-estudyante ng paaralan.

Tinalakay sa programa ang mga pangunahing isyung kinakaharap ng kabataan sa digital na mundo tulad ng cyberbullying, pagpapakalat ng maling impormasyon, labis na pagbabahagi sa social media, at ang kahalagahan ng pagiging isang responsableng digital citizen.

Sa pamamagitan ng seminar na ito, inaasahang mas magiging mulat, mapanuri, at mapanagutan ang mga kabataang lider sa paggamit ng teknolohiyaโ€”hindi lamang para sa pansariling interes kundi para sa kapakanan ng kanilang kapwa at komunidad.

โœ’๏ธ Jayson Fulgar
๐Ÿ“ธ Romer Ysidore Sapa, Jayson Fulgar, Shania Dinglasan


๐™†๐™–๐™ฉ๐™ค๐™ฉ๐™ค๐™๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ, ๐™ ๐™–๐™ง๐™–๐™ฅ๐™–๐™ฉ๐™–๐™ฃ - ๐˜ฝ๐™ค๐™จ๐™š๐™จ ๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™ž๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ฃ
๐™‘๐™š๐™ง๐™–๐™˜๐™ž๐™ฉ๐™ฎ ๐™ž๐™ฃ ๐™€๐™ซ๐™š๐™ง๐™ฎ ๐˜ฟ๐™ž๐™ง๐™š๐™˜๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ

๐ˆ๐’๐๐Ž๐‘๐“๐’ ๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€ | MPNAG athletics sinimulan na ang tryouts Para sa layuning makabuo ng koponan para sa Athletics, sinimul...
05/08/2025

๐ˆ๐’๐๐Ž๐‘๐“๐’ ๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€ | MPNAG athletics sinimulan na ang tryouts

Para sa layuning makabuo ng koponan para sa Athletics, sinimulan na ng Kagawaran ng MAPEH ang tryouts sa Senior High School Gym ngayong Agosto 5 bilang paghahanda sa District Meet ngayong taon.

Isinabak sa masidhing pagsasanay ni Coach Harry David G. Gellado ang mga nagnanais na mapabilang sa koponan upang masukat ang kanilang kakayahan at mapabilang sa grupo.


๐™‘๐™š๐™ง๐™–๐™˜๐™ž๐™ฉ๐™ฎ ๐™ž๐™ฃ ๐™€๐™ซ๐™š๐™ง๐™ฎ ๐˜ฟ๐™ž๐™ง๐™š๐™˜๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ
๐™†๐™–๐™ฉ๐™ค๐™ฉ๐™ค๐™๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ, ๐™ ๐™–๐™ง๐™–๐™ฅ๐™–๐™ฉ๐™–๐™ฃ - ๐˜ฝ๐™ค๐™จ๐™š๐™จ ๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™ž๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ฃ

Balita ni Kriziah Degamo
Larawan ni Shanice Panaglima

(Bilang pagdiriwang sa Buwan ng Wika, lahat ng balita ay ihahayag sa wikang Filipino.)

๐ˆ๐’๐๐Ž๐‘๐“๐’ ๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€ | Sa ikatlong araw ng try-outs para sa mga aspirant MPNAG Athletes, puspusang sumabak ang mga nagnanais m...
05/08/2025

๐ˆ๐’๐๐Ž๐‘๐“๐’ ๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€ | Sa ikatlong araw ng try-outs para sa mga aspirant MPNAG Athletes, puspusang sumabak ang mga nagnanais maging bahagi ng Basketball Boys Team sa pangunguna ni Coach Ryan Gagabuan ngayong araw, Agosto 5.

Masusing sinuri ni Coach Ryan ang kakayahan ng bawat mag-aaralโ€”mula sa dribbling, shooting, defense, hanggang sa teamworkโ€”upang matukoy kung sino ang may sapat na galing, disiplina, at determinasyon na maging bahagi ng opisyal na koponan ng paaralan.

โœ’๏ธ Jude Russel Abaรฑo
๐Ÿ“ธ Romer Ysidore Sapa, Mark Kirby Peรฑaflor


๐™†๐™–๐™ฉ๐™ค๐™ฉ๐™ค๐™๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ, ๐™ ๐™–๐™ง๐™–๐™ฅ๐™–๐™ฉ๐™–๐™ฃ - ๐˜ฝ๐™ค๐™จ๐™š๐™จ ๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™ž๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ฃ
๐™‘๐™š๐™ง๐™–๐™˜๐™ž๐™ฉ๐™ฎ ๐™ž๐™ฃ ๐™€๐™ซ๐™š๐™ง๐™ฎ ๐˜ฟ๐™ž๐™ง๐™š๐™˜๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | Mga Batang Dekalidad, bumida sa Division Nutrition Month Contest 2025Sa pagtatapos ng Division Nutrition Month...
05/08/2025

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | Mga Batang Dekalidad, bumida sa Division Nutrition Month Contest 2025

Sa pagtatapos ng Division Nutrition Month Contest 2025, ipinamalas ng mga mag-aaral mula sa Mataas na Paaralan Neptali A Gonzales (MPNAG) ang kanilang angking talentoโ€™t pagkamalikhain sa larangan ng sining na may temang โ€œFood at Nutrition Security, Maging Priority! Sapat na Pagkain, Karapatan Natin!โ€ sa Division Activity Center, SDO-Mandaluyong Building, Agosto 5.

Kinilala ang mga nagwagi bilang sina:

Marc Richard P. Octa mula sa 11-Turing, nagkamit ng ikalawang pwesto sa Poster Making. G. John Daniel Rovillos Carbonera, g**ong tagapagsanay.

Rheanna Althea S. Aumentado mula sa 9-Rizal, nagtamo ng ikatlong pwesto sa Essay Writing. G. Gemma Dionisio, g**ong tagapagsanay.

Nagsisilbing patunay ang tagumpay na ito na hindi matatawaran ang galing ng mga mag-aaral ng MPNAG sa ibaโ€™t ibang larangan. Tunay ngang sa bawat tagumpay, lalong umiigting ang sigasig ng mga Batang Dekalidad!

โœ’๏ธ Mikyla Escordial
๐Ÿ“ธ Mr. John Daniel Carbonera, Mrs. Gemma Dionisio, Ms. Michel Luz Villacorta


๐™†๐™–๐™ฉ๐™ค๐™ฉ๐™ค๐™๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ, ๐™ ๐™–๐™ง๐™–๐™ฅ๐™–๐™ฉ๐™–๐™ฃ - ๐˜ฝ๐™ค๐™จ๐™š๐™จ ๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™ž๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ฃ
๐™‘๐™š๐™ง๐™–๐™˜๐™ž๐™ฉ๐™ฎ ๐™ž๐™ฃ ๐™€๐™ซ๐™š๐™ง๐™ฎ ๐˜ฟ๐™ž๐™ง๐™š๐™˜๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ

๐ˆ๐’๐๐Ž๐‘๐“๐’ ๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€ | Neptalians, nagplano para sa Tagumpay sa MPNAG Chess TryoutsSa digmaan ng talino at estratehiya, nagtip...
05/08/2025

๐ˆ๐’๐๐Ž๐‘๐“๐’ ๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€ | Neptalians, nagplano para sa Tagumpay sa MPNAG Chess Tryouts

Sa digmaan ng talino at estratehiya, nagtipon ang mga mag-aaral sa MESS Hall para sa pinakahihintay na Menโ€™s and Womenโ€™s MPNAG Chess Tryouts. Dinaluhan ito ng mga Neptalians na nagnanais maging bahagi ng opisyal na Chess Team ng Mataas na Paaralang Neptali A. Gonzales (MPNAG), na ginanap noong Lunes, Agosto 5.

Isinagawa ang tryouts upang matukoy at maihanda ang mga posibleng kinatawan ng paaralan. Tampok sa paligsahan ang matitinding laban, matalas na pag-iisip, at disiplina sa konsentrasyon. Bawat manlalaro ay masusing sinubaybayan at sinuri batay sa kanilang performance, taktikal na kakayahan, at kakayahang manatiling kalmado sa ilalim ng matinding pressure.


๐™‘๐™š๐™ง๐™–๐™˜๐™ž๐™ฉ๐™ฎ ๐™ž๐™ฃ ๐™€๐™ซ๐™š๐™ง๐™ฎ ๐˜ฟ๐™ž๐™ง๐™š๐™˜๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ
๐™†๐™–๐™ฉ๐™ค๐™ฉ๐™ค๐™๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ, ๐™ ๐™–๐™ง๐™–๐™ฅ๐™–๐™ฉ๐™–๐™ฃ - ๐˜ฝ๐™ค๐™จ๐™š๐™จ ๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™ž๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ฃ

Balita ni Kriziah Degamo
Isinalin ni Vhade Laurent Cordova
Larawan ni Rain Vincent Cruz at Shanice Panaglima

(Bilang pagdiriwang sa Buwan ng Wika, lahat ng balita ay ihahayag sa wikang Filipino.)

๐ˆ๐’๐๐Ž๐‘๐“๐’ ๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€ |  Muling binuhay ang diwa ng sportsmanship sa Mataas na Paaralang Neptali A. Gonzales noong Lunes, Agost...
05/08/2025

๐ˆ๐’๐๐Ž๐‘๐“๐’ ๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€ | Muling binuhay ang diwa ng sportsmanship sa Mataas na Paaralang Neptali A. Gonzales noong Lunes, Agosto 4, sa pagsisimula ng try-out para sa Girls Volleyball Team.

Pinangunahan ang aktibidad ng bagong talagang coach ng Womenโ€™s Team, si Coach Hanz Carlo Agcolicol, na may layuning bumuo ng isang koponang may puso, disiplina, at sigasig sa paglalaro. Katuwang niya sa nasabing try-out si Coach Jay-R Dones, ang coach ng Boys Volleyball Team, na buong pusong tumulong at gumabay sa pagpili ng mga potensyal na manlalaro.

Tampok sa unang araw ang mga kalahok na buong tapang na ipinamalas ang kanilang husay sa service, set, at spike. Bawat palo ay may kasamang panalangin; bawat galaw ay sinabayan ng pag-asaโ€”patunay ng kanilang dedikasyon at hangaring makapaglaro at makapagbigay karangalan sa paaralan.

โœ’๏ธ Jude Russel Abaรฑo, Vhade Laurent Cordova
๐Ÿ“ธ G. Harry David Gellado


๐™†๐™–๐™ฉ๐™ค๐™ฉ๐™ค๐™๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ, ๐™ ๐™–๐™ง๐™–๐™ฅ๐™–๐™ฉ๐™–๐™ฃ - ๐˜ฝ๐™ค๐™จ๐™š๐™จ ๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™ž๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ฃ
๐™‘๐™š๐™ง๐™–๐™˜๐™ž๐™ฉ๐™ฎ ๐™ž๐™ฃ ๐™€๐™ซ๐™š๐™ง๐™ฎ ๐˜ฟ๐™ž๐™ง๐™š๐™˜๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ

๐ˆ๐’๐๐Ž๐‘๐“๐’ ๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€ | Neptalians nagpasiklab sa basketball tryouts Ipinamalas ng mga Batang Neptalians ang kanilang husay at ...
04/08/2025

๐ˆ๐’๐๐Ž๐‘๐“๐’ ๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€ | Neptalians nagpasiklab sa basketball tryouts

Ipinamalas ng mga Batang Neptalians ang kanilang husay at determinasyon sa isinagawang basketball tryouts, bilang bahagi ng pagpili sa mga bagong miyembro ng opisyal na koponan ng paaralan ngayong Agosto 4,

Ang mga mapipiling mag-aaral ay sasailalim sa masusing pagsasanay sa ilalim ng pamumuno ni Coach Jerwin Dalisay upang higit pang linangin ang kanilang kakayahan sa larangan ng basketball.


๐™‘๐™š๐™ง๐™–๐™˜๐™ž๐™ฉ๐™ฎ ๐™ž๐™ฃ ๐™€๐™ซ๐™š๐™ง๐™ฎ ๐˜ฟ๐™ž๐™ง๐™š๐™˜๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ
๐™†๐™–๐™ฉ๐™ค๐™ฉ๐™ค๐™๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ, ๐™ ๐™–๐™ง๐™–๐™ฅ๐™–๐™ฉ๐™–๐™ฃ - ๐˜ฝ๐™ค๐™จ๐™š๐™จ ๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™ž๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ฃ

Balita ni Lara Mae Balase
Kuha nina Timothy Panlaque at Ambrihanne Naรฑo

(Bilang pagdiriwang sa Buwan ng Wika, lahat ng balita ay ihahayag sa wikang Filipino.)

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | Pormal na binuksan ng Mataas na Paaralang Neptali A. Gonzales (MPNAG) ang selebrasyon ng Buwan ng Wika na may ...
04/08/2025

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | Pormal na binuksan ng Mataas na Paaralang Neptali A. Gonzales (MPNAG) ang selebrasyon ng Buwan ng Wika na may temang โ€œ๐๐š๐ ๐ฅ๐ข๐ง๐š๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐…๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ๐š๐ญ ๐Š๐š๐ญ๐ฎ๐ญ๐ฎ๐›๐จ๐ง๐  ๐–๐ข๐ค๐š: ๐Œ๐š๐ค๐š๐ฌ๐š๐ฒ๐ฌ๐š๐ฒ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐ค๐š๐ค๐š๐ข๐ฌ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ฌ๐š.โ€ sa pamamagitan ng isang payak ngunit makahulugang programa na isinagawa ngayong Agosto 04.

Pinangunahan ni Gng. Sherrey Buizon ang palatuntunan na dinaluhan ng mga g**o at mag-aaral mula sa ibaโ€™t ibang antas. Isa sa mga tampok na bahagi ng programa ang balagtasan ng mga piling mag-aaral mula sa Special Program for the Arts (SPA), na tumalakay sa napapanahong isyu ng Public Transportation Modernization Program.

Nag-iwan ng makabuluhang mensahe si G. Pompio B. Floro Jr., punong-g**o ng paaralan, para sa lahat ng mag-aaral, โ€œMaging maingat, maging responsable, at sikaping maging batang dekalidadโ€”may dangal, disiplina, at malasakit sa kapwa.โ€

Sa kanyang pampinid na pananalita, binigyang-diin ni G. Jayson Cruz, Master Teacher I, ang kahalagahan ng patuloy na pagyakap sa wikang Filipino. โ€œMahalin at pahalagahan natin ang sariling wikaโ€”hindi lamang tuwing Buwan ng Wika kundi sa bawat araw na tayoโ€™y nabubuhay bilang isang Pilipino.โ€

โœ’๏ธ Avhen Mandasoc, Mikyla Escordial
๐Ÿ“ธ Romer Ysidore Sapa, Jayson Fulgar


๐™†๐™–๐™ฉ๐™ค๐™ฉ๐™ค๐™๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ, ๐™ ๐™–๐™ง๐™–๐™ฅ๐™–๐™ฉ๐™–๐™ฃ - ๐˜ฝ๐™ค๐™จ๐™š๐™จ ๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™ž๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ฃ
๐™‘๐™š๐™ง๐™–๐™˜๐™ž๐™ฉ๐™ฎ ๐™ž๐™ฃ ๐™€๐™ซ๐™š๐™ง๐™ฎ ๐˜ฟ๐™ž๐™ง๐™š๐™˜๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ

Address

Nueve De Febrero, Brgy. Mauway
Mandaluyong
1550

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Silangan and The East Chronicle posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share