27/05/2025
Papa Jack once said, "Because when things are easy it's easy to fall in love. True love is when there are all the reasons to walk away, and yet you stayed."
Ang pag-ibig, lalo na sa simula, ay kadalasang puno ng kilig, saya, at kasabikan. Kapag lahat ay maayos—walang away, walang problema—madali para sa kahit sino na magmahal. Parang effortless.
But as time goes by, dumarating ang mga pagsubok: hindi pagkakaintindihan, kahirapan sa buhay, pagkakaiba ng ugali, o mga sitwasyong nakakapagod emosyonal. Dito nasusukat ang lalim ng iyong damdamin.
Ang tunay na pag-ibig ay hindi lang puro saya. Ito ay ang kakayahang magpatawad, umintindi, at magtiwala sa kabila ng mga rason na maaaring pumigil sa iyo para ipagpatuloy ang relasyon. Ang pananatili, sa kabila ng lahat ng hadlang, ay patunay na hindi basta-basta ang pagmamahal mo—ito ay totoo, matatag, at may lalim.
Sa madaling salita: Madaling mahalin kapag madali ang lahat. Pero ang tunay na pagmamahal ay iyong nananatili kahit mahirap na.
Sharing a thought. PapaJack na to ei. ☺️☺️