15/07/2025
๐ฃ๐๐ฃ-๐๐๐๐๐ก ๐๐๐ก๐๐ ๐๐๐ก๐๐๐๐๐ง๐๐๐๐ก ๐๐ก๐ ๐ ๐๐ ๐๐๐ฃ๐๐ฅ๐ง๐๐๐ข๐ก๐ ๐ฆ๐๐ก๐๐ง๐ข๐ฅ ๐๐จ๐๐๐๐ฆ ๐ฆ๐ ๐๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐ ๐๐ก๐ง ๐๐๐ฆ๐ ๐๐๐๐๐ก ๐๐๐ฌ ๐ฉ๐ฃ ๐ฆ๐๐ฅ๐
Reporter - MARICAR FAYPON
Tinitiyak ni PDP- Laban Spokesperson Atty Ferdinand Topacio na hindi dinidiktahan ng partido ang mga miyembro ng partido na senator judges ng impeachment court laban kay Vice President Sara Duterte.
Ito ang naging pahayag ni Topacio sa pagharap sa Senate media kung saan nirerespeto aniya nila ang sinumpaang tungkuling bilang senator judges nina Senador Ronald Bato Dela Rosa , Christopher B**g Go , at Senador Robin Padilla.
Inihalimbawa pa ni Topacio ang ginawa noon ni Senador Dela Rosa sa hakbang na idismiss ang impeachment case laban kay VP Sara na aniyay sariling desisyon ng senador na kalaunan ay napagkasunduan ng impeachment court na ibalik sa kamara ang articles of impeachment upang i certified na wala silang nilabag sa one year bar rule.
Kung si Atty. Topacio aniya ang tatanungin naniniwala siya na dapat na ma dismiss ang impeachment case laban kay VP Sara dahil sa isyu ng jurisdiction.
Aniya malinaw na lumabag sa one year bar rule ang kamara sa paghahain ng ika apat na impeachment complaints laban kay VP Sara kung kayat wala sa jurisdiction na dinggin ito ng impeachment court.