Assembly of God - Hulong Duhat

Directions

Assembly of God - Hulong Duhat Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Assembly of God - Hulong Duhat, Video Creator, ICS Worship Center, Mayflower St., Greenfield District, Brgy. Highway Hills,, Mandaluyong.

09/08/2026

✨ TransformNation 2026: Pista ng Pamilyang may Pag-asa Highlights ✨ #08082026 ❀️‍πŸ”₯

09/08/2026

Sunday Worship Service (August 9, 2026)

πŸ“’ MAHALAGANG PAALALA | AGHD πŸ“’Alinsunod sa tagubilin ng ating Interim Pastor, walang face-to-face worship service ngayong...
08/08/2026

πŸ“’ MAHALAGANG PAALALA | AGHD πŸ“’

Alinsunod sa tagubilin ng ating Interim Pastor, walang face-to-face worship service ngayong Linggo (August 9, 2026) dahil sa masamang panahon at pagbaha sa paligid ng ating church.

Gayunpaman, tuloy pa rin ang ating Online Worship Service sa ganap na 8:00 AM.

Hinihikayat ang lahat na manatili sa ligtas na lugar at ihanda ang ating puso at buong pagkatao sa pagsamba sa Panginoon, saanman tayo naroroon.

Patuloy po tayong manalangin para sa kaligtasan ng bawat isa at ng ating buong komunidad.

πŸ™ Manatiling ligtas at pinagpala.
Shalom, AGHD Family! ❀️

cc: Ptr. Ernesto Jr Cacnio, Liway Belen, Neddie Guatato Brunio, Rowena Guatato Cacnio, Edith Ciudadano Naval, Ross Espiritu, Seyer Ognimod Hamo, Ritz Alyza Espiritu, Mariah Reyes, Freya Domingo, Rosemarie Chavez Espiritu, Renz Lazaro, Mhel Dela Cruz, Jun Leoncio, Jovanne Lyn Macmac - Lazaro, Dinio Precy, Delia Mirabueno, Leala Villar, Joselito Samaniego, John Ray Llabore

✨ AGHD at TransformNation 2026: Pista ng Pamilyang May Pag-asa ✨Thank You, Lord, for allowing us to be part of this mean...
08/08/2026

✨ AGHD at TransformNation 2026: Pista ng Pamilyang May Pag-asa ✨

Thank You, Lord, for allowing us to be part of this meaningful gathering! πŸ™πŸ»πŸ’™

We are grateful for Your protection and for keeping us safe despite the bad weather. Above all, thank You, Lord, for the wisdom, learnings, and new lessons that we can bring homeβ€”not only to our own families and friends, but most especially to our family in Christ. 🀍

May everything we learned inspire us to strengthen our families, encourage one another, and continue living with hope, faith, and love in Christ.

To God be all the glory! πŸ™ŒπŸ»βœ¨

Isang maulang araw po sa lahat πŸ™πŸ» tuloy po ang gawain mamaya 😊 sama-sama po tayong sumamba sa Panginoon sa kabila ng mau...
05/08/2026

Isang maulang araw po sa lahat πŸ™πŸ» tuloy po ang gawain mamaya 😊 sama-sama po tayong sumamba sa Panginoon sa kabila ng maulang panahon πŸ‘‹πŸ» see you! Shalom! ❀️

πŸ“– Huwag nating hayaang maging option lamang ang paglapit sa Diyos.

Sa gitna ng ating trabaho, pag-aaral, pagod, at iba’t ibang responsibilidad, kailangan din ng ating espiritu ng pagpapalakas. Ang Midweek Service ay hindi lamang obligasyon, ito ay pagkakataong makinig sa Salita ng Diyos, lumago sa pananampalataya, at ilapit sa Kanya ang lahat ng ating mga alalahanin sa pamamagitan ng panalangin.

Minsan, hindi tayo nakakadalo dahil sa dami ng ginagawa. Minsan naman, nakakalimutan na lamang. Ngunit tandaan natin: ang oras na inilalaan natin sa Diyos ay hindi kailanman nasasayang.

✨ Inaanyayahan ang bawat isa na muling maglaan ng oras para sa Panginoon. Dalhin ang iyong mga pasanin, mga kahilingan sa panalangin, at higit sa lahat, ang pusong handang makinig at sumunod sa Kanya.

πŸ—“ Tuwing Miyerkules
πŸ•– 7:00 PM
πŸ“ Assembly of God Hulong Duhat

Magkita-kita tayo sa ating Midweek Service: Bible Study & Prayer Meeting. Sama-sama tayong lumago sa Salita ng Diyos at magpalakasan sa panalangin.

Hindi pa huli ang bumalik. Naghihintay ang Panginoon, at naghihintay rin ang iyong pamilya sa pananampalataya. 🀍

01/08/2026

Sunday Worship Service - August 2, 2026

25/07/2026

Sunday Worship Service - July 26, 2026

Isang pinagpalang umaga mga kapatid! 😊 muli po tayong sama-samang sumamba sa Panginoon sa ating bahay sambahan at sa onl...
25/07/2026

Isang pinagpalang umaga mga kapatid! 😊 muli po tayong sama-samang sumamba sa Panginoon sa ating bahay sambahan at sa online! πŸ™πŸ» Kita kits! πŸ‘‹πŸ»πŸ˜Š Shalom! 🩡

πŸŽ‰ Magbabalik na ang ating LIVE STREAMING ng Sunday Worship Service! Kasabay ng ating Face-to-Face Sunday Worship Service! πŸ™Œ

Simula ngayong Linggo (July 12, 2026), 8:00 AM, muli nating mapapanood nang live ang ating Sunday Worship Service!

Inaanyayahan namin ang bawat isa na manood, mag-share, at mag-imbita ng inyong mga kaibigan at mahal sa buhay, lalo na ang mga nasa malalayong lugar at maging sa ibang bansa, upang sama-sama nating maipalaganap ang Salita ng Diyos.

πŸ“Œ Paalala: Sa ngayon, audio at presentation screen lamang ang mapapanood habang inaayos pa ang teknikal na suliranin sa ating church camera. Gayunpaman, asahan ninyo na patuloy naming ihahatid ang isang makabuluhan at mapagpalang online worship experience, sapagkat ang tunay na pagtatagpo sa Diyos ay hindi nalilimitahan ng kamera.

πŸ’¬ Huwag kalimutang mag-comment sa ating live! Ipaalam sa amin ang inyong pagbati sa ating sambahayan at kung saan lugar kayo nanonood. Masaya naming makasama kayo sa pagsamba, saan man kayo naroroon.

Kita-kits tayo ngayong Linggo, 8:00 AM sa loob ng ating Bahay Sambahan (Physical Worship Service) at Online Worship Service! Sama-sama tayong sumamba at magpuri sa Panginoon! β€οΈπŸ™

✨ Midweek Service | July 22, 2026 ✨Maraming salamat sa bawat isa na nakibahagi sa ating Midweek Service! πŸ™Kung hindi ka ...
25/07/2026

✨ Midweek Service | July 22, 2026 ✨

Maraming salamat sa bawat isa na nakibahagi sa ating Midweek Service! πŸ™

Kung hindi ka pa nakakadalo, inaanyayahan ka naming makiisa tuwing Miyerkules. Hindi lamang tayo sama-samang nakikinig sa Salita ng Diyos, kundi mayroon din tayong pagkakataong magbahagi ng ating mga karanasan, mga patotoo, at kung paano kumikilos ang Panginoon sa ating buhay; mga bagay na kadalasan ay hindi natin nabibigyan ng sapat na oras tuwing Sunday Service.

Ang Midweek Service ay hindi lamang isa pang pagtitipon; ito ay pagkakataon upang mas mapalalim ang ating pananampalataya, mapalakas ang loob ng bawat isa, at sama-samang lumago sa Panginoon.

πŸ“– Huwag nating hayaang maging hadlang ang pagiging abala sa pagtanggap ng espirituwal na kalakasan na kailangan natin sa bawat linggo.

Kita-kits sa susunod na Miyerkules! πŸ’™ Sama-sama nating ipagpatuloy ang paglapit sa Diyos at pagpapalakas ng ating pananampalataya. Shalom! πŸ™

18/07/2026

Sunday Worship Service - July 19, 2026

Address

ICS Worship Center, Mayflower St., Greenfield District, Brgy. Highway Hills,
Mandaluyong
1554

Opening Hours

Wednesday 6:30pm - 9pm
Sunday 7:30am - 11:30am

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Assembly of God - Hulong Duhat posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category