30/11/2025
Si Atty. Luke Espiritu ay naglabas ng pahayag matapos m deny ng International Criminal Court (ICC) ang interim release request ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Espiritu, hindi raw nakakalusot sa ICC ang online behavior ng ilang Duterte supporters, lalo na ang tinatawag niyang “DDS trolls.” Matagal na raw mino-monitor ng ICC ang mga pagbabanta, pangha-harass, at cyberbullying na ikinakalat ng mga pro-Duterte accounts. Para sa kanya, malinaw itong indikasyon na may kakayahan pa rin si Duterte na impluwensyahan o takutin ang mga testigo, kaya delikado kung palalayain siya nang pansamantala.
Sabi pa niya, hindi raw bulag ang ICC sa digital threats—mula sa violent posts hanggang sa mga panawagang saktan o patahimikin ang mga kritiko ng EJK at korapsyon. Dahil dito, kumbinsido si Espiritu na nakatulong ang pag-uugaling online ng ilang tagasuporta sa desisyon ng ICC na huwag payagan ang interim release ni Duterte.