Media Watch PH

Media Watch PH Media Watch Philippines is your destination for traditional and non-traditional media.

ASAP XP MAS HIRAP NA SA RATINGS, "MILLION DOLLAR MOVIES" POSIBLENG IPALIT NA!Mas naghihikahos sa parehong ratings at ad ...
03/06/2026

ASAP XP MAS HIRAP NA SA RATINGS, "MILLION DOLLAR MOVIES" POSIBLENG IPALIT NA!

Mas naghihikahos sa parehong ratings at ad rates ang ASAP XP magmula ng lumipat ito ng timeslot. Nagiging downward ang trend ng nasabing lumang musical variety show ng ABS-CBN Studios.

Hindi na makaporma ito sa mga katapat na programa ng parehong GMA at TV5.

Nitong Linggo, May 31, 2026 ayon sa overnight ratings ng Nielsen NUTAM wagi ang GMA shows na Bubble Gang na may 4.7 rating points at Stars On The Floor na may 6.8 rating points.

Samantalang ang ASAP XP ay nakasungkit sa aggregated na 1.2 rating point o 0.3 rating point sa ALLTV2, A2Z, at Kapamilya Channel.

Hindi maganda ito dahil nakabase sa single channel ratings ang ad rates ng ABS-CBN Studios at hindi sa aggregated ratings.

Samantala, para mabawasan ang gastusin sa produksyon at pagkalugi maaari nang sibakin ito sa mga susunod na buwan at ipalit dito ang nakagawiang movie block tuwing Linggo na "Million Dollar Movies".

SURVEY SPOTLIGHT!" Best trio group talaga to! "
02/06/2026

SURVEY SPOTLIGHT!

" Best trio group talaga to! "

PELIKULANG "LOVE, NGO" NI DIREK DARRYL YAP TULOY NA AT SHOWING NA BUKAS!Hindi na mapipigilan pa ang pagpapalabas ng peli...
02/06/2026

PELIKULANG "LOVE, NGO" NI DIREK DARRYL YAP TULOY NA AT SHOWING NA BUKAS!

Hindi na mapipigilan pa ang pagpapalabas ng pelikulang nasa direksyon ni Direk Darryl Yap na "Love, Ngo" matapos itong umani ng mga batikos at kontrobersya mula sa mga netizens, hanggang sa mga ahensya at mga citizens group at iba pa.

Ngunit buong galak ng marami nang aprubahan ito ng Movie Television Review and Classification Board para ipalabas sa mga sinehan sa bansa simula bukas.

Bakit nga ba ito naging kontrobersyal? Aba! Sabay-sabay nating tuklasin bukas sa mga sinehan para malaman nga ba kung bakit?
Tampok sa "Love, Ngo" sina Jerald Napoles, Candy Pangilinan, Gina Alajar, Joel Ravanera, Louise Delos Reyes, Jobelyn Manuel.

Makakasama din ang respetadong blogger na si Jack Argota at Tata Daclan. Makikikulit din sina Aaliijah Abatayo, Jc Tan, at Nathan Cajucom.

Ito ay nasa pangangalaga ng Vincentiments at Viva Films na isinulat din ni Direk Darryl Yap na lumilikha ng dekalidad na mga pelikula sa kasalukuyang henerasyon. Masasabing isa itong pelikulang may puso at magtataas ng antas sa ating kaisipang sosyal.

Paano kaya tatakbo ang kwento?

Bago nakilala ni Ngo si Tasha, ang kanyang buhay ay nahubog na ng pagsusumikap, debosyon, at pakikibaka. Si Ngo ay isang masipag na binata na tumutulong sa kanyang ina na patakbuhin ang kanilang maliit na burger stand. Sa isang tapat na grupo ng mga kaibigan, karamihan sa kanila ay nagbabahagi ng mga kundisyon na katulad niya, ginugugol niya ang kanyang libreng oras sa pagboboluntaryo sa cleft lip and palate foundation, isang lugar na nakatuon sa pagsuporta sa mga taong katulad nila.

Sa isang organisasyon, nakilala ni Ngo ang kanyang unang pag-ibig, si Scarlet. Niligawan ni Ngo si Scarlet.

Tinutulungan siya ng mga kaibigan niya sa paghahanda para sa date nila ni Scarlet. Ngunit hindi nagtagal ay sumunod ang gulo dahil hindi sinasang-ayunan ng pamilya ni Scarlet si Ngo dahil sa kanyang kalagayan. Napakalakas ng kanilang pagtatangi kay Ngo. Sa gabi ng kanilang unang date, pisikal na sinaktan siya ng mga kapatid ni Scarlet para ilayo siya sa kanilang kapatid.

Sinira ng insidente ang kumpiyansa ni Ngo. Muling bumangon ang mga lumang insecurities, at nagsimula siyang lumayo sa kanyang mga kaibigan na tunay na nagmamalasakit sa kanya; at dahil dito, sila ay nababalisa at nasasaktan.

Sinabi ni Scarlet kay Ngo na itigil na ang panliligaw sa kanya, na sinasabi kung hindi niya kayang mahalin ang kanyang sarili, paano niya ito mamahalin nang totoo. Habang gumagapang ang pait, kinukumbinsi niya ang sarili na malupit ang mundo at walang lugar para sa isang tulad niya.

Ngunit ang buhay ay may naghihintay na aral. Nang maglaon, napagtanto ni Ngo na hindi niya napapansin ang kabutihan sa kanyang buhay. Ang pagmamahal, suporta, at pagtanggap ng kanyang ina at mga kaibigan, na laging nakasuporta sa kanya sa hirap man o ginhawa.

Kay gandang panoorin, kay gandang kwento nito!

DIREK LINO CAYETANO NAKATAKDANG ITALAGA BILANG BAGONG GENERAL MANAGER NG PTV 4!Si dating Taguig mayor at filmmaker na si...
02/06/2026

DIREK LINO CAYETANO NAKATAKDANG ITALAGA BILANG BAGONG GENERAL MANAGER NG PTV 4!

Si dating Taguig mayor at filmmaker na si Lino Cayetano ay ang nakatakdang maging susunod na general manager ng state-run People’s Television Network (PTV-4).

Kinumpirma ito ng ating sources sa Malakanyang at maging sa PTV mismo.

Inaasahang iaanunsyo ng Malacañang ang appointment anumang oras ayon sa ating napag-alaman.
Si Malou Choa-Fagar ay ang kasalukuyang nagsisilbing acting general manager ng PTV-4, isang post na hawak niya mula noong Agosto 2025. Hindi man lamang tumagal ito ng isang taon at mukhang taon taon ay walang makasundo ang palasyo sa posisyong ito sa PTV4.

Siya ay dating executive ng TAPE Inc. at Eat Bulaga. Si Lino, isang direktor at may-ari ng Rein Entertainment, ay nagsilbi bilang alkalde ng Taguig mula 2019 hanggang 2022.

Tumakbo siya bilang kongresista ng unang distrito ng Taguig-Pateros noong 2025 ngunit natalo kay Ricardo Cruz, na sinuportahan nina Sen. Alan Peter Cayetano at Taguig City Mayor Lani Cayetano.

SURVEY SPOTLIGHT!" Best female dance group ngayon! "
02/06/2026

SURVEY SPOTLIGHT!

" Best female dance group ngayon! "

KAPAMILYA NAHOPIA NANAMAN SA PARTNERSHIP KUNO NILA SA TV5!Nakipag telecon ang research team ng Media Watch Philippines s...
02/06/2026

KAPAMILYA NAHOPIA NANAMAN SA PARTNERSHIP KUNO NILA SA TV5!

Nakipag telecon ang research team ng Media Watch Philippines sa mga taga TV5 at pinabulaanan nilang may negosasyon na nagaganap sa pagitan ng TV5 at ABS-CBN.

Ayon sa ating source na ayaw pangalanan, " Walang katotohanan yun dahil sa ngayon matibay ang primetime grid ng TV5 at mayroon namang A Secret In Prague at My Bespren Emman na tatakbo pa ng matagal" dagdag pa niya "Saan nila kinukuha yang mga balitang yan? Sobrang ginagamit nila kami ha! Porket gusto nilang mag-ingay at maging relevant ulit dahil ba sa bagong show nila? Wag ganun!"

Nilinaw din ng ating kinausap ang mga isyu ukol kay Johnny Manahan o Mr. M at sinabing very busy ang star builder sa Star Worx. Patuloy aniya na magiging hepe at kapitan si Johnny Manahan ng Star Worx.

Gayundin nilinaw niya na mananatiling direktor si Mr.M ng Vibe at wala ring katotohanang sinibak ito sa programa dahil sa mataas na talent fee.

Humalili lang pansamantala ang isang direktor nitong Sabado dahil sa very hands on si Johnny Manahan sa Star Worx ay kagyat sumama ito sa mall event ng grupo para sa Nanay Nation event sa SM Manila, na nagkataong conflict sa live episode ng Vibe at kaya rin hindi kasama ang Star Worx Block 1 sa linyada ng programa.

Tila tama ang ating naiulat kahapon na gamit na gamit nila ang TV5 at maging si Johnny Manahan sa kanilang publicity stunt para sa isang bago nilang programa.

Para mapansin o magpapansin?

SURVEY SPOTLIGHT!" Siya ang primetime leading lady! "
01/06/2026

SURVEY SPOTLIGHT!

" Siya ang primetime leading lady! "

JOHNNY MANAHAN TODO ALAGA SA MGA STAR WORX TALENTS, DATING MGA KATRABAHO BINISITA; BUGOY DRILON AT GIGI DE LANA PASOK NA...
01/06/2026

JOHNNY MANAHAN TODO ALAGA SA MGA STAR WORX TALENTS, DATING MGA KATRABAHO BINISITA; BUGOY DRILON AT GIGI DE LANA PASOK NA SA VIBE!

Mananatiling certified Kapatid ang star builder director na si Johnny Manahan o kilala bilang Mr. M. Patuloy siya sa kanyang calling bilang Kapitan ng Star Worx at direktor ng ilang mga bagong programa ng TV5 maging ang top rating program na Vibe.

Very busy and yet visible si Johnny Manahan sa ngayon para sa paghubog ng Star Worx Block 1 at maging ang iba pang homegrown talents ng TV5 dahil bibigyan na nila ito ng mga proyekto at iba't ibang assignments.

Kuntodo alaga si Johnny Manahan sa lahat ng talents ng Star Worx dahil buong-buo rin ang suporta ng management at top executives ng Media Quest para sa pagdevelop ng sariling talents at maging mga dekalibreng programa.

Bumisita rin si Johnny Manahan at inikutan niya ang lahat ng programa ng TV5 at nagkita nga sila ng mga dating katrabaho sa dating homestudio nito. Naging isang mainit na tagpo ito gaya ng kay My Bespren Emman Kapatid star Shaina Magdayao na mahigpit ang yakapan nila at inalala ang nakaraan. Nakatagpo rin ni Johnny Manahan ang iba pang "bagong lipat" na mga artist talents na irereveal na rin sa mga susunod na linggo.

Kamakailan nagrelease na ng panibagong budget ang Media Quest sa talent arm nito maging sa Content and Production, at maging sa News and Information Department para sa mga bagong innovative shows na ihahandog ng TV5 sa next half ng taong 2026.

Naging napaka-profitable at positive ang earnings ng TV5 na umakyat sa 67% nitong Q1 2026 kumpara sa parehong period. Kitang-kita naman sa advertising load at premium sponsors ng mga programa ng Kapatid network kasama ang RPTV.

Samantala pareho na nating makakasama sina Bugoy Drilon at Gigi De Lana sa fastest growing musical variety show na Vibe. Sila ang latest addition sa linyada ng mga talents na makaka-jamming ng mga Star Worx artist talents.

Nakatutuwang isipin na dahil sa programang Vibe naitataguyod nito ang OPM na kailangang tulungan at alalayan sa kagandahang loob ng Media Quest powered by business tycoon Manuel V. Pangilinan o MVP.

Mabuhay ang Media Quest at TV5!

HEART OF ASIA, I HEART MOVIES, AT GMA LIFE TV IPAPASOK NA SA CIGNAL TV BILANG PAGSISIMULA NG PARTNERSHIP NG TV5 AT GMA!M...
01/06/2026

HEART OF ASIA, I HEART MOVIES, AT GMA LIFE TV IPAPASOK NA SA CIGNAL TV BILANG PAGSISIMULA NG PARTNERSHIP NG TV5 AT GMA!

May mga nabakanteng channels ngayong araw sa Cignal TV gaya ng Sari-Sari, Pinoy Box Office o PBO, at Viva Cinema.

Nagtapos na ang kontrata sa pagitan ng Cignal TV at ng Viva ngayong araw. Bukod pa diyan nagdesisyon na rin ang pamunuan ng Viva na magshift na sa online platforms.

Maging sa Cignal Play ay bakante na rin ang mga nasabing channels.

Ngunit huwag mag-alala dahil sa pagsisimula ng partnership ng TV5 at GMA ay maaari na nating masilayan ang ibang mga GMA digital channels sa pamamagitan ng Cignal TV sa mga susunod na linggo.

Madadagdag sa line-up ng Cignal TV ang GMA digital channels na Heart Of Asia, I Heart Movies, at may bonus pang GMA Life TV.

Sa kasalukuyan inaayos na ang transmission nito upang maihatid sa Cignal TV subscribers ng buong linaw.

Heto na marahil ang pagsisimula ng pag-iisang dibdib ng Kapatid at Kapuso.

Mas masaya ito!

SURVEY SPOTLIGHT!" Walang kupas mula noon hanggang ngayon! "
01/06/2026

SURVEY SPOTLIGHT!

" Walang kupas mula noon hanggang ngayon! "

Address

Shaw Boulevard
Mandaluyong

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Media Watch PH posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share