12/03/2015
An idea struck me nang naalala ko iyong pa-contest ko dati noon sa wattpad site. Corny iyong title ng contest, it's "Hinahamon Kita" contest. Nagbigay ako ng kakaibang mechanics sa contest. Iyong condition is it should be a short story with 2k words (ata). The setting is 2036. May binigay akong quotes na mababasa sa story at magiging theme ng kuwento at naglagay ako ng iba't ibang bagay - tsinelas, flash light, etc... na dapat ay included sa story. Konti lang ang sumali pero masasabi kong I would always remember those stories. Up until now, vivid pa rin sa memory ko ang mga kuwentong iyon. Naisip ko lang na bakit kaya hindi tayo gumawa ng writing excercises na ang mechanics ay pinagsamang ice-bucket challenge (meaning magta-tag ka ng mga writers na hahamunin mong magsulat ng kuwentong ikaw mismo ang bumuo ng mechanics at ganoon din ang gagawin niya) Ano sa tingin niyo? Sana 'wag niyo naman akong deadmahin hahaha - Jean