
25/08/2025
OPISYAL NA PAHAYAG 📣📣📣
Batay sa pinakahuling ulat ng DOST-PAGASA, inaasahan ang malalakas na pag-ulan mula ngayong araw hanggang bukas ng hapon (Agosto 26, 2025) dulot ng umiiral na Low Pressure Area (LPA) na nagpapalakas sa habagat. Ang mga pag-ulan at malalakas na bugso ng hangin ay maaaring magdulot ng pagbaha at landslide, lalo na sa mga mabababang lugar at bulubunduking bahagi ng lalawigan.
Bilang pag-iingat at para sa kaligtasan ng publiko:
📌 SUSPENDIDO ang klase sa lahat ng antas sa buong Lalawigan ng Masbate bukas, Martes, Agosto 26, 2025.
📌 Walang pasok sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan, maliban sa mga essential personnel gaya ng first responders, disaster risk reduction teams, at emergency services.
Mahigpit na pinapayuhan ang lahat na:
✅ Manatili sa ligtas na lugar
✅ I-monitor ang mga abiso ng inyong LGU at ng DOST-PAGASA
✅ Maging handa sa posibleng emergency
Nakaalerto ang ating PDRRMO at iba pang kaugnay na ahensya upang tumugon anumang oras.
Mag-himat po kita tanan!
Source: https://www.facebook.com/share/p/1CFA7Dz7JJ/?mibextid=wwXIfr