18/08/2026
π πππππ, π πππππππ ππ πππππππππ ππ πππππππππ ππππππ; πππππ π ππππ-πππππ πππππππ ππ ππππππ, ππππππππππππ
ZAMBOANGA CITY (Update)β Umakyat sa apat (4) ang nasawi at siyam ang sugatan sa pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University Junior High School nitong Martes, Agosto 18.
Kabilang sa mga nasawi ang dalawang security guard at dalawang high school student, habang siyam na estudyante ang iniulat na malubhang nasugatan.
Paunang ulat na kinilala ang umanoβy suspek bilang si Nael Jalani, isang Grade 7 student na sinasabing mahusay sa akademiko at kabilang sa mga may matataas na grado.
Ayon sa unang impormasyon, unang pinaputukan umano ng suspek ang isang g**o bago ang mga estudyante. Gamit umano ang 9mm na baril at assault rifle, isinagawa ang pamamaril bago nagpakamatay umano ang suspek.
Ayon kay Zamboanga City Mayor Kymer Olaso, nakasuot umano ng body camera ang suspek at nag-live stream habang nagaganap ang insidente.
May impormasyon ding sakay umano ng kotse ang suspek nang makapasok sa campus at posibleng hindi na-check ng security guard ang dala nitong armas. Patuloy pang bineberipika ang impormasyong ito.
Nakikipag-ugnayan ang Ateneo de Zamboanga University sa mga awtoridad habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa buong insidente, kabilang ang eksaktong bilang ng mga biktima at posibleng motibo.