07/02/2026
BANAG-BANAG, NAGNINGNING SA DSPC 2025
Pinatunayan ng opisyal na pahayagang pampaaralan ng Pagsabungan National High School ang kahusayan nito sa larangan ng pamamahayag matapos magwagi ng iba’t ibang parangal sa Division Schools Press Conference (DSPC) 2025 na ginanap noong ika-3 hanggang ika-4 ng Disyembre.
Sa naturang patimpalak, nakamit ng Banag-Banag ang mga sumusunod na karangalan:
2nd Place – Pinakamahusay na Pahinang Lathalain
4th Place – Pinakamahusay na Pahinang Agham at
Teknolohiya
4th Place – Pinakamahusay na Pahinang
Pampalakasan
5th Place – Pinakamahusay na Pahinang Editoryal
5th Place – Pinakamahusay na Pag-aayos at Disenyo ng Pahina
Ang tagumpay na ito ay bunga ng masusing paghahanda, pagtutulungan, at dedikasyon ng buong pangkat ng mga manunulat, patnugot, ilustrador, at tagadisenyo ng pahayagan.
Mababasa ang buong pahayagan sa
Link: https://heyzine.com/flip-book/25903724d1.html