13/08/2026
Hindi lang pala ghost flood control pati mga Ghost classroom π
GHOST CLASSROOMS?
Nakatuon ang mga mata natin sa ghost flood control projects.
Pero dahil ang Department of Education ang may pinakamalaking budget sa 2027 National Expenditure Program, tinignan ko yung kalagayan ng programa sa pagpapatayo ng mga classrooms ng gobyerno ni BBM.
Humingi ako ng tulong sa Grok AI sa paghanap ng mga datos. Kahit medyo magulo at hindi nagtutugma ang mga naka report sa DepEd, DPWH at COA, makikita pa rin na napakababa ng completion rate ng pagtatayo ng mga classrooms kumpara sa budget na naibigay sa DepEd.
Ayon sa DepEd, sa apat na taon, nakapagtayo na ang gobyerno ni BBM ng 21,900-22,100 classrooms lamang mula noong July 2022 hanggang June 2026. Kung kukunin ang average per year, ito ay 5,525 classrooms lamang. Napakalayo ng numerong yan sa target nila kada taon.
Pero kapag tinignan ang naipatayo kada taon, labis na napakababa ng completion rate lalo na noong 2023 at 2025. Yung datos ng 2023 ay galing mismo sa accomplishment report na isumite sa Commission on Audit. Yung datos naman para sa 2025 ay galing mismo kay Vince Dizon na nagkamot pa ng ulo sa isang Congressional hearing at hindi daw niya maintindihan kung bakit 22 classrooms pa lang ang naitayo.
Ang tanong: Saan napupunta ang malalaking budget na naitala para sa mga classrooms na ito na lampas lampas pa sa tinarget nila kada taon? Naging multo din ba?