30/08/2025
"DAHILAN NANG AKSIDENTE SA SOUTH ROAD PROPERTIES, CEBU KAHAPON"
Biglang lumipat ng linya ang driver ng aerox motorcycle sa lane na dinadanan ng mga malalaking trucks kaya ito aksidenteng nabanggaan ng Prime Mover truck sa South Road Properties ( SRP) kahapon ng alas 10 ng umaga. ( August 29, 2025)
On the spot na n*m*tay ang driver na kinilalang si Romel Gapate, 33 anyos,
nakatira sa Sitio Ponce 2, Barangay Carreta, Cebu City, driver ng Yamaha Aerox motorcycle.
Patay din ang angkas ng motorcycle na si Stephanie Zabate Jundit, 19 anyos, manggagawa sa isang Cellshop sa loob ng Nustar, nakatira sa Barangay Manduyong, Bayan ng Badian, Cebu.
Ang driver ng trailer truck ay Kinilalang si Noreno Bacaling Santarita, 48 anyos,
nakatira sa Sitio Isla Verde, Barangay. San Isidro, Talisay City.
Ayon sa in charge ng trucking company na nasa tamang lane ng kalsada ang truck, may kasunod umano ang motorsiklo ng isang kotse, binusinahan ito kaya bigla lumipat sa kabilang linya ang naturang motorsiklo kaya namataan at nabundol ito ng truck.
Tumilapon ang motorsiklo, naiwan ang mga biktima sa kalsada kaya nasagasaan sila ng truck, napa*ok ang mga ito sa ilalim ng naturang truck dahilan ng kanilang agarang pagkamatay.
Nasa kustodiya ng Traffic Enforcement Unit, Cebu City Police Office ang diver ng truck.