22/11/2025
THE BEST THING THAT I HEARD TODAY😭😭
As a mom of 2 toddlers, may mga times talaga na sobrang na de drain ako, nagiging mimasaur almost every hour, pagod, at stress sobra. May mga times na I wonder what's my life like kung hindi ako nag anak agad, don't get me wrong I didn't regret giving birth to my kids may mga times lang talaga na siguro dahil sa pagod, dahil sa paulit ulit na routine(gising, pag alaga sa mga bata, pagsaway sa kanila, tulog) napapaisip ako ng ganun. Being a mother is never really easy pero this conversation really made me think that I'm doing a good job, na lahat ng sakripisyo ko is worth it😭
Earlier today while nagsasampay ako, my eldest came to me, he asked me "mama, did I grow on your tummy when I was a baby?" I answered him yes without looking at him and focusing on my laundry tapos sabi niya " Thank you mama for letting me grow on your tummy everyday". Natigilan ako, and I don't know basta tumulo nalang yung luha ko. He's a warrior child by the way, pinanganak ko sya na hindi sya umiyak agad, 3x syang ni revive for the whole stay namin sa hospital and he survived.
Kaya sa mga momma jan na nahihirapan sa buhay, sa pag aalaga sa mga anak, na stress at pagod,laban lang💪💪