MadamDamin

MadamDamin Digital Creator Technical Training and Support TPC members.

04/11/2025

Mag-anak ka para pagtanda mo may mag-aalaga sa'yo 🤦‍♀️

04/11/2025

Hindi makasagot sa recitation noon, sinasagot ang byenan ngayon 🤭

30/10/2025
15/10/2025

‘Selena’. Sa isip ni Carl. Pangalan na matagal niyang pinilit kalimutan. Labintatlong taon na ang lumipas. Malaki na ang pinagbago nito. Intimidating na ang aura niya. Maganda pa rin, walang duda. Kagalang-galang. At mukhang natupad na rin ang mga pangarap niya. Mukhang masaya naman siya.

Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Wala na itong epekto sa kanya. Matagal na ‘yon. Naka move-on na siya.

Lumapit si Selena sa dalawa, dala ang mga sample designs niya. Nag-uusap ang dalawang dalaga ng biglang tumunog ang cellphone ni Carl.

“Sweetie, I need to take this call”, nakangiti itong tumingin kay Cassy.
“Go ahead”, matamis na wika ng dalaga. Tumayo ang binata at lumabas ng boutique.

Hindi nakaligtas sa paningin ni Carl ang pagsulyap sa kanya ni Selena, pati na rin ang bahagyang pagkagat labi nito, hindi niya ito tinapunan ng tingin at deretsong lumabas upang sagutin ang tawag.

“Anak, akala ko ba uuwi kayo ni Cassy ngayon dito?”, nagtatampong bungad ng nanay niya sa kabilang linya.
“Hindi pa tapos ang araw ‘nay, bago mag alasdose nandiyan na kami”, birong saad niya.
“Hmp. Ang dami ko pa namang inihandang lulutuin para sa hapunan”.
“Bukas niyo na lang iluto yan ‘nay”.
“Sige anak, tawagan mo ako kapag on the way na kayo, at kapag malapit na. Ay syanga pala anak, ah hindi pagdating mo na lang”. Pabitin na wika ng nanay niya, mukhang may bagong chismis ito sa kanya.
“Sige ‘nay, pag uwi ko na lang”, natatawang saad niya.

Mula noong nagpasyang umuwi ang nanay niya sa Pilipinas ay puro chismis na ang usapan nila dahil kay dami na ring nagbago sa lugar nila. Inayos niya muna lahat ng dapat niyang ayusin sa Canada bago siya sumunod sa pag-uwi sa Pilipinas. Ayaw ng nanay niya tumanda sa ibang bansa, sa Pilipinas daw niya gustong mamatay. Bagay na itinatawa na lang niya. Dahil siya din ay mas gusto niya sa sarili niyang bansa. Apat na taon mula ng mamatay ang kanyang ama, at sa kanya iniwan lahat ng ari-arian nito, halos lahat ay ibenenta nya at ang napagbentahan ay unti-unti rin siyang bumili ng lupa sa lugar nila. Yung iba naman ay ibinigay niya sa mga kamag-anak nila doon. At yung bahay nila ay inihabilin na lamang niya sa kapatid ng ama niya, anytime na gusto nilang bumisita doon ay may matutuluyan sila.

Sinong mag-aakala na iikot ang gulong ng palad at sila naman ang nasa ibabaw? Dahil ilang buwan lang mula ng iniwan siya ni Selena ay dumating ang kanyang ama. Dati itong tumira sa Maynila dahil sa isang sikat na unibersidad ng Pilipinas ito nagkolehiyo. Kasambahay ang nanay niya roon. Ang mga amo nito ang may-ari ng paupahang tinutuluyan ni Charles, ang kanyang ama. Doon nagkakilala at nagkamabutihan ang dalawa hanggang sa nabuo siya. Ngunit sa kasamaang palad, ang pangako ng kanyang ama na babalikan ang nanay niya ay hindi natupad kaya lumaki siyang walang ama. Nagkaroon pala ng krisis sa mga negosyo ng lolo niya doon sa Canada at hindi na pinabalik ng Pilipinas ang ama niya hanggang sa ito na ang sumunod na namahala sa mga negosyo nila. Nung maayos na ang kabuhayan ng ama niya ay ilang beses pala itong pabalik-balik sa Pilipinas at hinanap ang nanay niya ngunit lagi na lang itong bigo. Hanggang sa pumunta ang ama niya sa hongkong at nakita nito yung isang kaibigan ng nanay niya, ang kanyang ninang Josefina, doon nito nalaman na nagkaanak pala sila, dalawampu’t dalawang taon itong nangulila sa nanay niya, wala itong inaksayang panahon at pinuntahan agad ang address na binigay ng kanyang ninang. Dinala agad sila sa Canada, at naging maayos ang kanilang buhay.

Itutuloy....

06/10/2025

Sana all disney princess HAHAHA

08/09/2025

Kapag dumating yung araw na feeling mo hindi na siya worth it, at least you tried
and did your best.
No regrets.

Address

Mangaldan, Pangasinan
Mangaldan

Telephone

+639513110300

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MadamDamin posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to MadamDamin:

Share