Mommy Yme and Fam

Mommy Yme and Fam Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Mommy Yme and Fam, Digital creator, Mangaldan.

22/04/2023

Friday is monggo day 🥰
Late upload 😅

16/04/2023

Lumaki ako sa Brgy Guesang Mangaldan , PANGASINAN batang 90s panahon na kung saan magkakakilala ang bawat isa (magkakapitbahay) at nagtuturingan na parang magkakapamilya. Ang bawat isa ay tumatawag ng ATE,KUYA, TITO, TITA, NANAY AT TATAY kahit hindi naman magkakamag anak. Sa kalye kami naglalaro. Maiingay at halos marurungis na hanggang sa pagsapit ng hapon. Hindi kami kumakain sa fastfood🍟🍔 (wala kc samin nun) madalas ay lutong bahay ang aming pagkain. Bumibili kami ng bananaQ, inihaw na saging, turon, pilipit, ice cream (sa MAMANG SORBETERO), minsan pinapalaman pa nmin un sa monay, try nyo msarap sya ☺. Madalas kaming maglaro ng TEKS (hindi gaya ng 'TEXT' ng henerasyon ngayon), sipa, lastiko, holen, tumbang preso, luksong baka, taguan (ung hinahanap mong isa eh umuwi na pala ng bahay ng hindi mo alam, hanap ka pa din ng hanap 🤣🤣🤣) , Basketball🏀 , Patintero, luksong tinik, Chinese Garter (oo kahit pambabaeng laro pa yan ☺) , bahay-bahayan (agawan pa kung sino ang gaganap na tatay at nanay 🤣🤣🤣), jackstone, sungka, pase (ung pagugulungin mo ung coin o barya itsa mo sa pader, palayuan den need mo tamaan ung coin ng kalaban mo ☺) langit lupa, syato, turumpo, pana gamit lastiko at barbQ stick (papanain ung yakult ☺) gulong ng bike ang wheels nmin nun (hampasin mo lng ng palad mo para gumulong ksama ang tropa pa na my wheels din 🤣🤣🤣) at marami pang iba. Gumagawa din kami ng mga laruan na truck na gawa sa basyo ng pulbo at alcohol na ang gulong ay binilog na sirang tsinelas na sira, baril barilan n yari s dahon ng saging o kaya niyog.kuntento rin kami sa bolang buhangin tuwing maliligo sa ilog.saranggola na ang sinulid ay may bubog upang ipanlaban sa iba. Wala noong bottled water diretso sa gripo/poso ang iniinom na tubig na sinasalo ng kamay. 🚰 At kung iinom kami ng softdrinks (Sarsi/Coke/Pepsi/etc.) (Royal pag my lagnat) Magsasalo salo kami at iinom sa iisang bote na pinupunasan pa ng laylayan ng damit ang bukana.. Wala noong kids tv channels 📺 pero may BATIBOT, Voltes 5, Daimos, Shaider, Bioman, etc. Nagbibisikleta kami 🚲 ng ilang oras at gumagamit ng rampa na yari sa piraso ng tabla. Gumagawa kami ng bula mula sa sabong panlaba o kaya ay sa shampoo na nilagyan pa ng dinikdik na bulaklak ng Gumamela upang Mas maging mabula at madulas. Wala noong mobile phone o kahit na anong electronic devices/gadgets 📱💻📵(hindi katulad ngayon) Kung may away noon, asaran muna, uudyukan ang magkaaway na hipuin mo nga sa tenga, ilong 🤣🤣🤣 hanggang sa mag suntukan ang dalawa at bati bati agad, walang sumbungan sa tatay, di tulad ngayon (sumbong ky kuya o tatay, gang sa magulang na mag aaway, aabot pa ng barangay 🤣🤣🤣) Hindi kami takot sa away... Ang mga ilaw ng poste💡 ang aming CURFEW o kaya ay ang SUTSOT at pagsigaw ng aming pangalan ng aming mga magulang ang hudyat ng pag uwi (kc bkit di ka uuwi eh my hawak na sinturon o patpat magulang mo kaya takbo pauwi ng bahay 🤣🤣🤣) . Ang pag aaral ay nararapat gawin muna ngunit nakakaligtaan pa din ang ilang lessons, dpat tapos lahat ng assignments bago uli lumabas ng bahay. ✏️📒. Nag iingat kami sa lalabas sa aming bibig pag nasa paligid ang matatanda 👴🏼👵🏼 dahil alam naming matatapik kami o mapapalo ng sinturon, sapatos o tsinelas. PO at OPO ay di dpat mawala sa aming mga bata 👍☺️. Tuwing tanghali kelangan matulog dahil kung hindi palo aabutin😂 Tuwing wala kuryente o kabilugan ng buwan tuwang tuwa ,nasa lbas kmi at nagtutubig(Patintero) o kaya taguan.😊 At tsaka naranasan ko rin maligo sa ilog kahit walang kasiguraduhan kung malinis ba ito. Never kaming nagkasakit noon dahil matibay ang aming pangangatawan kahit di uminom ng vitamins. Pero ngayon konteng ubo lang ipapaospital ka na agad.

ITO ANG AMING HENERASYON AT IPINAGMAMALAKI KO!

Nakakalungkot na hindi na mararanasan ng ating mga magiging apo ang ating mga naranasan na humubog sa ating kabataan.

Re-post kung kayo ay galing sa ganitong klase ng komunidad at inyo itong ipinagmamalaki. 👉😁 at Hindi kayo nakakalimot 👭👬👫 sa inyong pinagmulan.

17/01/2023

Address

Mangaldan
2432

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mommy Yme and Fam posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share