
04/08/2025
Mangaldan Police Station, Nanguna sa Top 10 Most Effective PNP Stations sa isinagawang Anti-Crime Survey sa buong Police Regional Office 1
Mangaldan, Pangasinan — Isang malaking karangalan ang natamo ng Mangaldan Police Station matapos itong makabilang at manguna sa Top 10 Most Effective PNP Stations sa buong Region 1 para sa kategorya ng First Class Municipality, batay sa isinagawang Anti-Crime Survey ng Samahan ng mga Mamamayang Ayaw saKurapsyon, Krimen, Iligal na Droga at Sugal (SAMAKKIDS).
Lumabas na ang Police Station ng Lingayen ang nakakuha ng ikalawang pwesto, ikatlo ang ang police station ng Calasiao, ikaapat ang police station ng Malasiqui, ika lima naman ang police station ng Bauang, La Union, ikaanim ang police station ng Bolinao, ikapito ang police station ng Agoo, La Union, ikawalo ang police station ng Binmaley, ikasiyam ang police sttaion ng San Fabian at ikasampu ang police station ng Sta Cruz, Ilocos Sur.
Ang nasabing pagkilala ay ibinatay sa performance ng istasyon mula sa unang quarter (Enero–Marso) at ikalawang quarter (Abril–Hunyo) ng taong 2025, kung saan masusing sinuri ang mga datos na may kaugnayan sa krimen, crime solution efficiency, police visibility, community engagement, at iba pang peace and order indicators.
Sa pamumuno ni PLTCOL PERLITO R TUAYON, Acting Chief of Police ng Mangaldan Police Station, matagumpay na naipatupad ang mga programa at estratehiya ng PNP na layuning mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa bayan ng Mangaldan. Kabilang dito ang mas pinaigting na police visibility, anti-criminality operations, barangay visitations, at community policing efforts.
Ayon kay PLTCOL PERLITO R TUAYON, "Ang pagkilalang ito ay hindi lamang tagumpay ng kapulisan kundi tagumpay ng buong komunidad. Ito ay patunay na ang pagtutulungan ng PNP at ng mamamayan ay susi sa pagkakaroon ng ligtas at payapang pamayanan."
Patuloy ang panawagan ng Mangaldan PNP sa publiko na makiisa sa mga programang pangkapayapaan at ipagbigay-alam agad ang anumang kahina-hinalang kilos o insidente sa kanilang lugar.
Ang pagkilalang ito ay lalong nagbigay-inspirasyon sa buong hanay ng Mangaldan Police upang ipagpatuloy ang tapat at makataong paglilingkod para sa bayan.