30/10/2025
inedit ni kuya tong photo namin ni lester, pero dito, nakatoga rin ako. and honestly, it made me cry.
hindi ko naman talaga dinamdam non na mahuhuli ako ng isang taon, kasi lester never made me feel that way. never niyang pinaramdam na naiiwan ako. saka wala rin akong oras para isipin yon kasi I was so busy building the life that I want — working, creating, and learning outside school.
pero kahapon, nung nakapasok ako sa mismong graduation ceremony, iba pala talaga yung feeling. habang pinapanood ko silang nagma-march, tinatawag isa-isa, at sinuotan ng toga, doon ko lang naramdaman yung kurot. yung “sana ako rin.”
pero hindi ko siya tinake negatively. habang nandun ako, narealize ko rin na baka kelangan ko munang maranasan lahat ng to bago ko makuha yung moment ko. maybe God just made me take a different route, not to delay me, but to prepare me better.
kasi sa totoo lang, di ko rin mararating kung nasaan ako ngayon kung mas pinili kong mag-focus lang sa studies. I chose this path, wholeheartedly. letting go of that very studious and grade-conscious version of me for content creation and work, hindi ‘yon basta-basta nangyari.
That time, I chose to make contents than to review for my upcoming major exams. That time, I chose to earn than to study because if not, paano ako makakapagpatuloy kung wala namang pambayad ng bills at panggastos sa araw-araw?
and maybe that decision slowed me down sa school, but it also helped me grow in ways grades never could.
iba-iba talaga tayo ng timeline. may nauuna, may nahuhuli, pero lahat tayo darating din sa dulo, sa tamang oras. and when that time comes, mas maiintindihan ko kung bakit hindi pa ngayon.
hindi ako nahuli. nauna lang ako sa ibang pangarap🤍
Yes, I was delayed, but I’m still on my way. Slowly, surely, and in God’s perfect timing. And when it’s finally my turn, I know it’s going to be worth it. 🤍
ako naman next🎓✨