26/07/2025
Na-scroll ko ulit yung luma kong post… at hindi ko mapigilang mapaisip kung gaano na pala kalaki ang pinagbago ng buhay ko. 🥹
Dati, I was just trying to survive. SMM wasn’t part of the plan, pero kinailangan kong matutong kumapit sa kahit anong opportunity para lang makaahon. Single mom, breadwinner, sabay-sabay ang responsibilidad. Ang dami kong pagod na tinikom, iyak na hindi ko mailabas, at takot na hindi ko pinapahalata. Pero araw-araw akong bumabangon—kasi may anak akong umaasa, at may pangarap akong ayokong bitawan.
Ngayon, ibang-iba na. Hindi na ako yung dating takot mawalan. Hindi na ako yung nagta-trabaho lang para mabuhay. Mas buo na ako ngayon—mas malinaw na ang gusto ko, mas pinipili ko na ang sarili ko, at mas malaya na akong mangarap.
I may no longer be in the same job, but I carry the same fire. And this time, I’m doing things not just out of survival, but because I finally believe I deserve better.
Nakakatuwang balikan… kasi kahit sobrang hirap noon, hindi ako bumitaw. And now I get to live the life that younger me used to pray for.
Ito na yung “different” na dati pang hinihintay ng puso ko.