Miming Gala

Miming Gala Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Miming Gala, Digital creator, Manila.

20/01/2023

Planning to start travelling the world

View from Metrotent 💗
17/01/2023

View from Metrotent 💗

Paano Pumunta ng Rockwell o Estrella Pantaleon Bridge ?City of Gold ? Welcome to ROCKWELL MAKATI :) Since di pa ko nakak...
17/01/2023

Paano Pumunta ng Rockwell o Estrella Pantaleon Bridge ?

City of Gold ?
Welcome to ROCKWELL MAKATI :)

Since di pa ko nakakapag commute papunta dito ituturo ko nalang sainyo kung paanu namin naenjoy Ang napaka gandang building na to

Una sa lahat i-PIN mo na sa Google map mo ang Power Plant Mall Car Park

Dahil taga Don Bosco Parañaque kami napaka lapit lang namin sa Skyway Entry sa may Sm Bicutan = 72php ang bayad

Pagkatapos nung nasa Skyway na kami kitang kita na namin Ang Ganda ng City at tanaw na tanaw mo na din talaga ang Rockwell duon pagkatapos nag MAGALLANES EXIT kami, ituturo naman sainyo ni google map ang daan diretcho sa Powerplant Mall.

Pagka park namin umakyat lang Kami ng escalator at nagtanung sa guard panu pumunta sa Pedestrian ng Estrella-Pantaleon Bridge

Nung nakalabas na kami ng mall tumawid lang Kami sa may Aruga Apartment Services at nagtanung uli sa guard at itinuro na nga samin, Makikita nyo din naman agad kase madaming mga nagbabike kayong Makikita nung umaakyat na kami sa hagdan ng Estrella-Pantaleon OH MY GOSSSHHHHHHHHHHH super Ganda talaga.

Nag picture picture na nga kami at inenjoy Ang magandang view tapos nung pauwi na kami bumalik lang Kami sa mall parking kung saan kami lumabas = 50php Ang bayad sa parking

Tapos nag skyway uli kami pauwi so another 72php

Total ng nagastos namin = 194php lang :)

Paano pumuntang Venice Grand Canal kung taga Parañaque ka ?Since Taga Japan St. Don Bosco kami ito Ang ginawa naminPAPUN...
12/01/2023

Paano pumuntang Venice Grand Canal kung taga Parañaque ka ?

Since Taga Japan St. Don Bosco kami ito Ang ginawa namin

PAPUNTA 👇

SAVTODA Malacañang Village - Tricycle Terminal to San Antonio Valley 1 = 9php fare

San Antonio Palengke tawid ka sa footbridge papuntang McDonald's tabi Yun ng Unihealth tapos sakay ka ng jeep SUCAT TAWID and signboard tapos baba ka sa mismong terminal ng jeep sabihin mo nalang Kay manong driver = 12php fare

From Terminal tanungin mo Yung jeep na pa Market Market Taguig at dun ka sumakay = 32php fare diretcho na yun sa terminal

Market Market Terminal lipat ka lang ng Mini Bus na may nakalagay Gate 3 tapos sabihin mo Kay manong kundoktor sa McKinley ka lang = 14php fare

Pagbaba mo sa babaan ng McKinley tawid kalang at maglakad papasok ng McKinley Hill at chadaaaaaa nasa Venice Grand Canal Mall kana.

PAUWI 👇

Lakad lang uli kayo dun sa Kanto sa taas tapos Makikita nyo Yung waiting shed mga nag aabang sila ng sasakyan pero dun ka sa kabilang kanto sumakay

Jeep papuntang Gate 3 = 15php fare tapos sabihin mo Kay manong driver ibaba ka sa may gate 3 tapos ibababa ka sa may Jollibee pag liko nya sa kaliwa

Dun Kapa sa susunod na kanto sasakay uli akyat ka sa footbridge so baba ka sa kaliwa tas andun na yung mga jeep sakayan pa BICUTAN pag sakay mo sa may footbridge kana mismo ibababa malapit sa tollgate = 15php fare

Tapos akyat ka sa footbridge at diretcho ka sa likod ng mall andun Ang sakayan ng trysi, at dahil Taga Japan St. Nga ako sa Malacañang na pilahan ako sumakay = 10php fare

Lahat ng pamasahe na nagastos ko ay = 107php

12/01/2023

Address

Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Miming Gala posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share